MY SUPERSTAR 19

689 41 0
                                    

"I don't care. Did you see me visiting him in the hospital? I don't care about him anymore. He's with Jin and he enjoys his dad's company. If you want to keep him in yourself then go ahead". Gusto kong masuklam sa sarili ko sa pinagsasabi ko ngayon kay Carmi. I'm sorry anak if mommy needs to say those hards words. Hindi ko sinasadya.

"You're impossible. Your son will hate you for sure. If he hates you, that's the time he will love me like his own mother. You're a successful businesswoman but you're a terrible mother". Pauyam pa siyang tumawa sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Akala niya kasi madadala niya ako sa mga patutsada niya.

"Whatever you say, I don't care". Napansin ko na biglang natuon ang atensyon niya sa likod ko kaya lumingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. I saw JD wiping his tears at masama ang tingin sa akin. I can see the pain in his eyes and questions. I remained no emotions. My heart is throbbing in pain but this is not the time to be softhearted. I want to step my foot forward to hug him and tell him how much I love him that's why I am doing this but the little voices in my head saying this is the right thing to do.

"JD!" tawag sa kanya ni Carmi ng tumakbo ito palayo sa amin. She smirked before she followed him. I know she's up for this. Parang bigla akong nanghina pagkaalis ni Carmi. It's not my intention to hurt him and to say those words, kaya lang kailangan. Jin called me early this morning. Sinabi niyang enrollment ngayon ni JD sa bago niyang school dito sa Seoul. Kailangan ko daw isubmit yong mga ibang requirements na hinihingi ng school kaya ako nandito ngayon. Jin is busy at this moment dahil may shooting ulit sila. Si Carmi ang kasama ni JD para magenroll.

Dumiretso ako kina Angel bago ako umuwi sa bahay. I felt so stressed for the past weeks. Pagdating ko sa bahay nila, nagkasalubong pa kami ni Jimin na paalis pa lang. Iba-iba daw ang oras ng shooting nila ngayon.

"Anong gusto mong inumin?" busy siya sa pagluluto ng pananghalian ng datnan ko siya sa kusina.

"Don't bother. Kahit tubig na lang". Kinuha niya ang isang pitsel ng tubig sa ref at iniabot sa akin.

"I'm sorry, bruh. Nagoff kasi yong mga kasambahay namin. Mabuti na lang kinuha ng in laws ko yong mga bata para sila muna magalaga. Hindi kita maasekaso masyado pero makikinig ako sa kwento mo while I'm doing the chores". Naikuwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa school ni JD.

"Bakit hindi mo kausapin si JD? Maiintindihan ka niya, bruh". Napailing ako sa sinabi niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang lahat.

"JD is too young. Hindi niya pa maiintindihan ang lahat. Kung sasabihin ko man sa kanya, alam ko na madami siyang itatanong sa akin. Matalino siyang bata pero the things happened for the past months will not easily be absorbed by JD's mind".

"Anong balita kay Zach?"

"Jae successfully traced him pero wala na siya sa location. His number isn't working anymore. Wala ng sumusunod sa akin o kaya nagmamasid. Magiisang buwan na noong napatay ko ang mga tauhan niya at hindi rin ako tanga para makampante. I know he's up for something big kaya pinaghahandaan ko ang paghaharap naming dalawa". Umupo siya sa harap ko pagkatapos niyang maghugas. Bakas ang pagaalala sa mukha niya.

"Umuwi ka na lang kaya ng Pilipinas? Parang hindi ka safe dito sa Korea".

"Do you think I will be safe in the Philippines? Dito sa Korea mas mahigpit ang seguridad kaya nga hindi agad siya makakilos kasi hindi siya tagadito. I know someone is helping him kaya ang lakas ng loob niyang gumawa ng masama dito sa bansang hindi niya naman pinagmulan. Alam ko na may tumutulong sa kanya na taga dito".

"Si Carmi kaya?" kibit balikat lang ang tanging naisagot ko sa kanya.

"Pero alam mo one time nakita ko kung gaano kagaspang ng ugali niya. Nandito ka noong birthday ni Sandy di ba? I asked her what happened between the two of you when you left tapos sinungitan niya lang ako pero ng dumating si Jin nagbago yong mood niya parang naging maamong tupa. Kumukuha ng simpatya kay Jin. Akala ko bad mood lang talaga siya ng oras na 'yon pero ngayon parang nakikita ko na kung ano talaga ang totoong kulay niya".

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon