STRUGGLES and MYSTERIES

478 20 15
                                    

Angel's POV

Ibinaba ko ang tawag pagkatapos naming mag-usap ni Jin. Nasa Siargao na sila at maayos naman daw ang kalagayan ni Yuri.

"Angel, please take care of our children".

Hindi iyon mawaglit sa isipan ko. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya nang sinabi niya iyon sa akin. Bago inilabas si Yuri sa mental institution ay ang orihinal na plano ay isama ang mga bata sa Siargao pero hindi naging maayos ang pagtanggap ni Yuri kay Nari. Palagi niya itong sinusungitan at natakot si Jin para doon. Yuri is not that stable but compared before, mas maayos siya ngayon. Nakakausap na namin siya nang maayos pero may mga oras din na sinusumpong siya.

Natatakot si Jin na baka kung anong magawa ni Yuri kay Nari, lalo na nadatnan niya ito isang beses na may hawak na unan habang papalapit sa natutulog na bata. Puwedeng na-misinterpret lang ni Jin si Yuri ng mga sandaling 'yon pero puwede rin namang tama ang hinala ni Jin.

JD and Nari were staying here with us since their grandma isn't around to take care of them. Bago pa umuwi si Jin at Yuri sa Siargao ay umalis na ng bansa ang mga magulang ni Jin para dalawin nito ang asawa ng panganay na kapatid ni Jin na nanganak kamakailan lang. Babalik sila sa makalawa bago ang kaarawan ng mga bata.

JD and Nari happens to have the same birth month, magkaiba lang ng date.

We witnessed how Jin struggled taking care of their children alone. He sends JD in school, he prepares food for them, he also do the laundry, groceries, and everything that Yuri is doing before. Naging full time dad siya kahit pa noong nakabalik na si Yuri kasi madami nang nagbago sa ugali nito. Wala na ito masyadong pakialam sa mga bata. Mas gusto nitong magkulong sa kuwarto at mapag-isa. Hindi rin siya nakikipaghalubilo sa mga gustong bumisita sa kanya. She created her new world without us and it's kinda upsetting for us. Pero kailangan namin siyang intindihin.

"Anak, you can ask your ate to prepare it for you. Baka mapaso ka".

Nadatnan ko si JD sa kusina na nagluluto ng breakfast niya. He's still wearing his pajamas with his unruly hair. Kagigising lang siguro nito at nakaramdam ng gutom.

"I can cook for myself ninang. Dad taught me how to prepare pancakes".

"You don't have to do it, JD. Ask ate to do it for you next time".

May dalawa kaming kasambahay at ang isa ang nag-aalaga sa mga bata habang ang isa naman ay siyang gumagawa ng mga gawaing bahay.

Hindi na ito sumagot at pinagpatuloy na lang nito ang paghahanda ng pancake. Mataman ko siyang pinagmasdan - matangkad siya sa pangkaraniwang bata sa edad na onse. I think he got it from his dad. May kalaparan din ang balikat nito at siguradong mas madi-develop pa ito kapag nasa huwastong gulang na siya. His complexion is not that pale or white like the usual complexion of Koreans. Mas tamang sabihin na namana niya siguro ito kay Yuri. For his facial features, lahat ay kay Jin niya nakuha maliban sa medyo manipis at maliit nitong labi na taliwas sa labi ni Jin na medyo plumpy.

"Kain tayo ninang".

I let him prepare everything. At humanga ako nang makita ko kung paano niya ito gawin.

"You're very responsible, JD. Your parents will be proud of you, anak".

Nawala ang ngiti nito sa mukha at napalitan ng lungkot. Hindi na siya masyadong nagtatanong tungkol sa magulang niya hindi katulad dati na panay ang tanong niya sa akin. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko at tinanong siya kung anong gusto niyang regalo sa birthday niya.

"What do you want for your birthday?"

Nagsalin siya ng pancake sa plato niya at ganoon na rin sa plato ko. Nilagyan niya ito nang madaming chocolate syrup sa ibabaw at nagsimulang kumain.

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon