MY SUPERSTAR 33

642 34 1
                                    

Dinala namin si V sa pinakamalapit na hospital. As usual, gumawa na naman ng ingay ang BTS. What happened in their concert was over the news last night. Trending sila worldwide pero this time, it's not about their achievements but V's condition. Nagkakagulo ang mga fans sa lahat ng social media platforms. Sobrang higpit din ng security sa ngayon.

"Wake up, V".

Mahinang usal ni Devi -- ang PA ni V. Simula kagabi umiiyak na siya ng dinala dito si V sa hospital tapos hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.

V is already out of danger. Wala pa nga lang siyang malay pero natanggal naman agad ang bala sa likod niya.

Nagkatinginan kami ni Angel ng makita namin si Devi na parang may ginagawang ritwal sa kanya. Nilalagay nito ang mga palad sa sugat ni V tapos biglang pipikit na parang nagdadasal.

"Hindi ba kapag naghahire naman ang BigHit they do some background check? Bakit parang hindi sila nakapagbackground check kay Devi?"

Bulong sa akin ni Angel. Mahina ko siyang siniko dahil sa tanong niya. Weird kung titingnan si Devi pero nakita ko kung gaano siya nagalala kay V kagabi. She's willing to catch the bullet for him. Umakyat siya ng stage at hinarang ang katawan niya kay V.

Nagpaalam sa amin si Devi na lalabas lang daw saglit kaya nagkaroon kami ng pagkakataon para mapagusapan sila ni V.

"Are they together?"

Magkasabay na tanong namin sa kanila ni Angel. Walang sumagot sa kanila sa tanong namin, puro lang sila kibit balikat.

"Babe?"

"Honestly, I don't know, babe. Taehyung didn't mention anything about it". Sagot ni Jimin kay Angel.

May mga pumasok na staff ng hospital, ngayon kasing araw ibabiyahe si V pabalik ng Seoul. Isasakay ito sa private plane kasama ang members at kami ni Angel. Inililipat ng stretcher si V ng dumating si Devi.

"What happened? V, wake up!!"

"Devi --'

Nagsimula siyang pumalahaw ng iyak. Hinahawakan niya ang mukha ni V at hinahaplos ang kamay nito. Inulit niya ulit ang ginagawa niyang ritwal kanina kay V.

"You're not supposed to die. Our destiny is written in the stars. I asked the Gods and Goddesses of Eternity to save your life and live a hundred years".

Nakita ko ang pagpipigil ng members sa pagtawa at ganoon din si Angel pero ako hindi ko magawa kasi parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya.

"Sabi ko na sa iyo hindi yan nasala ng BigHit ng tinanggap nila yan bilang PA ni V. Napakacreepy ng sinasabi".

"Shhhhh..huwag kang maingay".

Pagsaway ko kay Angel.

Nagpatuloy lang siya sa pagiyak habang inaayos ng members ang mga gamit nila at ganoon na rin kay V. Nagpresenta pa si Devi na siya na lang daw ang magaayos ng gamit ni V.

"Parang namatayan lang ng asawa kung umiyak".

Komento ulit ni Angel habang inaayos ang bag nila ni Jimin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya bigla na niyang tinikom ang bibig niya.

"Devi, V is safe. You don't have to worry about him. We will bring him to Seoul and I will let you know once we're already there".

Pinahid niya ang mga luha niya at pilit na ngumiti sa akin. Napagmasdan ko ang mukha niya at hindi ko maiwasan ang hindi humanga dito.

Wow! Her eyes are like the color of a tiger's eyes -- golden yellow and deep red.

"T-thank you".

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon