LIES and DELUSIONS

575 40 16
                                    

Siargao

Pinilit kong idinilat ang mga mata ko kahit parang nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Ibinaling ko ang mukha ko sa ibang direksyon dahil sa sinag ng araw na tumatama dito. Hanggang sa marinig ko ang mga hampas ng alon sa dalampasigan na nagpakunot ng noo ko. 

Where am I?

Nabaling ang atensyon ko sa nakabukas na bintana na natatabingan ng puting kurtina na nililipad nang hangin. Pinilit kong bumangon sa kama dahil doon. Papalapit pa lang ako sa binatana ay nakikita ko na ang asul na asul na dagat at ang mangilan-ngilang maliliit na bangka na nasa laot para mangisda. Nasapo ko ang sintido ko dahil doon. 

Why I am here? Bakit ako nasa Siargao? 

Pinagmasdan niya ang buong silid. Nasa villa siya ng resort nila. Bigla siyang napapikit ng parang may pumitik sa sintido niya. Ano bang nangyari? Hindi niya maintindihan kung bakit siya nandito. If her memory isn't tricking her..the last time she checked..she's in Korea. Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Angel. May dala itong isang tray na naglalaman ng pagkain. 

"Kagigising mo lang ba? How's your sleep? Wala ka namang nararamdaman?" 

Iling lang ang naisagot niya dito. Hindi niya pa rin maintindihan ang lahat. 

"Bruh, why am I here? Hindi ba ay nasa Korea tayo? Kailan pa ako nakabalik ng Pilipinas?"

Nabitin sa ere ang paglagay nito ng tray sa tabi ng kama niya dahil sa tanong niya. Hanggang sa unti-unting sumilay ang pilit nitong ngiti sa mukha. 

"Bruh, if I can remember it correctly the last time na pumunta ka ng Korea ay hindi mo pa anak si JD. You moved here in Siargao for good three years ago". 

"No! Nasa Korea ako. Nakaligtas ako sa trahedya hinddi ba? Niligtas ako ni Jin, bruh! He saved my life! Nasaan si Jin? Nandito ba siya ngayon?"

"JIN!!" 

Ilang beses ko ng sinisigaw ang pangalan niya pero hindi ko pa rin siya nakikitang pumasok sa kuwarto.

"Oh..maybe he's downstairs". 

Nagmamadali akong lumabas ng silid para hanapin siya. Hindi ko pinapansin ang sinasabi ni Angel na nakasunod rin sa akin habang pababa ako ng hagdan. Nakakaramdam ako nang takot at hindi ko 'yon maipaliwanag kung bakit. 

"Bruh, wala si Jin dito. You need to listen to me!"

Nagtatanong ang mga mata ko ng humarap ako sa kanya. I also can see how frustrated she is. 

"Delusions". 

"What?"

"Lahat ng sinasabi mo ay produkto lamang ng pagiging delusional mo. Ayaw ko sanang sabihin to sa'yo pero kailangan mong makinig sa akin. Hindi ka pumunta ng Korea. Tatlong taon ka ng nandito sa Siargao kasi nagpapagaling ka. You have a mental illness, bruh. Ang hinihinalaan naming dahilan ay ang sabay na pagkamatay ng mga magulang mo. Your condition got worst when Mia died last year". 

Bigla akong natawa sa sinabi niya. Hindi ito totoo. All of these were lies! Ayaw kong maniwala. 

"So..you're saying I am crazy? Hindi ako baliw, bruh!!"

"Nakaligtas kami sa trahedya ni Jin. Niligtas niya ako. I killed Zach and Jin killed Carmi. How can you explain that to me? Nakunan ulit ako dahil sa trahedyang 'yon, bruh. At alam mo 'yan! Before the tragedy happened we met at the Han River, it was spring that time. Natatandaan mo na ba?"

Nakita ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya at ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya. 

"Bruh, walang nangyaring ganoon. I don't know who is Zach is? We didn't meet at the Han River and there's no tragedy happened. You just created scenarios in your head". 

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon