MY SUPERSTAR 4

674 34 9
                                    

I pleaded not guilty because my conscience is clean. Hindi ko pinagtangkaan ang buhay ni Carmi pero kahit pa yata ulit ulitin ko yon sa kanila at sa korte hindi sila maniniwala sakin dahil sa lakas ng ebedinsyang hawak nila laban sakin. There's a voice recording that I was talking to someone and asking him to kill Carmi. Malinaw sa instructions na papalabasin lang na ang BTS ang puntirya nila pero ang totoo si Carmi talaga. Hindi ko alam kung pano nila nagawang kopyahin ang boses ko because the recording is really my voice. They also showed an agreement that I will pay them 50 million if they will successfully kill Carmi. May pirma ko at yong mismong taong inutusan kong patayin si Carmi. May pinakita din silang bank transaction na nagdeposit ako ng 50 million sa account nong killer. All of the evidences are fake. Pero hindi ko mapatunayan sa korte na peke ang lahat ng yon kasi masyadong malakas ang ebedinsya nila laban sakin. May mga supporting documents sila na nagpapatunay sa lahat ng ebedinsyang hawak nila. I felt hopeless. Wala kaming makuhang testigo para patunayang hindi ako ang nagtangkang magpapatay kay Carmi bukod don sa private investigator na kinuha ko para ipahanap si Carmi. Alam kong tagilid akong manalo sa kaso pero umaasa parin akong lalabas ang totoo. 

Nalaman ko na nakabalik si Carmi dalawang linggo pagkabalik ko dito sa Pilipinas. Ang sabi niya sa korte, nakatakas lang daw siya sa kamay ng mga nagtangka sa buhay niya. While she was escaping she overheard the killer talking to someone and called that someone as "Yuri". When she went back to Seoul that was the time when someone sent them the evidence. It was sent anonymously. Nakitaan yon ng butas ng abogado ko, pinapalabas nilang gusto kung ipapatay si Carmi pero halos mahigit tatlong buwan siyang nawala pero wala namang nangyari sa kanya. She's still alive. Ang tanong ni Atty. de Dios if the killer really wanted to kill her, they will not wait for 3 months to do it. They will kill her in an instant. Atty. de Dios asked her about that but she started crying and wasn't able to answer the question. 

"Walong taon at pitong buwan pagkakabilango"..yon lang ang rumihestro sa utak ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng marinig ko ang hatol sakin ng korte. Niyakap ako ni Charm pero imbes na maiyak, bigla kong naikuyom ang mga palad ko. Galit at poot ang gustong kumawala sa sistema ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Niyakap ako isa-isa ng mga empleyado ko. Mga empleyado ko na hindi ako iniwan sa panahon na kailangan ko ng masasandalan. 

"Magaapila tayo, Yuri". Napatango ako sa sinabi ni Atty. de Dios. Hindi na ako umaasa. Pagod na akong ipaglaban ang totoo. Wala naman makikinig at maniniwala sakin. Nadako ang atensyon ko sa kabilang parte ng korte nakita ko kung gaano kasaya si Jin at Carmi. Nandon din ang lahat ng members ng BTS at si Angel. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin. Papalabas na ako ng korte habang inaalalayan ako ng mga pulis ng hinabol ako ni Angel. 

"Bruh"..

"May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. 

"May mga kailangan ka ba sa loob ng kulungan? Baka may maitulong ako?" natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko pinahalatang nasasaktan ako. 

"Bakit? Hindi mo naman ako kailangan tulungan. Baka nakakalimutan mo nalagaya sa alanganin ang buhay ng asawa mo ng dahil sakin, di ba?" hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Bigla lang siyang napayuko.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko ulit sa kanya. 

"Paano ang Dale?" I smiled bitterly. 

"Bakit mo pinoproblema ang Dale? Ako parin ang CEO ng Dale..just to remind you ikaw lang namamahala ng Dale sa London at sa Seoul pero ako parin ang may pinakamalaking share". Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Kitang kita ko yon sa mga mata niya. Ilang taon na kaming magkakilala kaya kilalang kilala ko na ang ugali niya.

"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin, bruh. Gusto ko lang sanang magpresenta na ako na lang muna ang titingin sa ibang branch pansamantalang wala ka". 

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon