MY SUPERSTAR 3

698 33 6
                                    

Isang buwan na akong nakabalik ng Pilipinas at ngayon nga inaayos ko ang mga gamit ko kasi babalik ulit ako ng Korea para dalawin si JD. School break na nila ngayon at nangako akong dadalawin siya kasi hindi niya maiwan ang daddy niya. Jin is trying to fix his life the way it used to be, yon ang huling balita ko sa kanya. Hindi kami nagkakausap kasi busy ako sa resort at sa Dale. 

"Ma'am"..nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Natigil ako sa pageempake ng mga gamit na dadalhin ko sa Korea.

"Come in"..bumukas ang pinto at pumasok si Charm. Napansin ko agad na parang balisa siya at may iniisip. 

"May problema ba?" tanong ko sa kanya. 

"Ma'am may mga pulis po sa labas hinahanap kayo". Napakunot noo ako sa sinabi niya. 

"Bakit daw?" nagkibit balikat siya sa tanong ko. Wala akong idea kung bakit may pupuntang pulis ng ganito kaaga sa resort. Magaalas-siyete pa lang ng umaga. 

Papalapit pa lang ako sa lobby ng resort napansin ko kaagad ang madaming pulis na nakaabang samin. May nangyari ba? Matagal na akong nakabalik dito galing sa Korea, maayos naman ang lahat pagbalik ko. Bumangon ang kaba sa dibdib ko alam kung may hindi tama. Paglapit ko saknila agad ko silang binati. 

"Magandang umaga po, ano pong maipaglilingkod namin sainyo?" tanong ko sa kanila. 

"Naparito kami para arestuhin ka sa tangkang pagpatay kay Mrs. Carmi Kim". Iniabot nila sakin ang warrant of arrest. Napamaang ako sa nabasa ko. Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko baka sakaling panaginip lang ang lahat. 

"Nagkakamali po kayo. Wala pa akong ginagawang masama. Hindi po ako ang nagtangka sa buhay niya. Hindi ko po ito matatanggap". Binalik ko ang warrant of arrest sa kanila pero hindi nila ito tinanggap. Nilabas nila ang posas.

"Sumama ka na lang samin ng maayos at sa presento ka na lang magpaliwanag". Wala akong nagawa ng posasan nila ang kamay ko. Nagkagulo ang mga staff ko sa sa resort. 

"Charm, please call Atty. Simon de Dios. Pakisabi puntahan ako sa presento. Kayo na muna ang bahala dito sa resort". Iyon lang ang nasabi ko sa kanila bago ako alalayan ng mga pulis makapasok sa sasakyan. Hindi ako nakapagbihis man lang ng damit. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang tinuturong suspect sa pagtangkang pagpatay kay Carmi. Malinis ang konsensya ko hindi ko kayang gawin yon. Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko. 

Pagdating namin ng presento nadatnan namin si Jin at Carmi. Mas lalong naging magulo sakin ang lahat. Kailan pa siya nakabalik? Ano ba ang nangyayari? Bakit nila ako pagbibintangan sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa. 

"J-Jin"..mahinang usal ko sa pangalan niya. Nagkasalubong ang mga mata namin at halos mapaso ako sa tingin niya. Punong puno ng galit at poot ang mga mata niya. Lumipat ang atensyon ko kay Carmi na nakayuko lang sa tabi ni Jin. 

"Carmi"..lalapit sana ako sa kanya pero parang takot na takot siya sakin kaya nagkubli siya sa likod ni Jin. 

"Jin, I don't know why they are accusing me----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Parang nahilo ako sa lakas ng sampal niya sakin. Nararamdaman ko din ang pagkamanhid ng pisngi kong sinampal niya. Walang tumulong na mga pulis. Hinayaan lang nila akong sampalin ni Jin ng ubod ng lakas. 

"How could you!!" sigaw niya sakin. 

"I thought we're okay. I thought you already accepted everything. Why did you do this? Why did you want to kill us? What did we do to you? Why did you want to kill Carmi? She didn't do anything wrong to you. She's being nice to you. You've seen me suffered like hell, Yuri. You've seen me almost killing myself every day because of the guilt I felt of not saving my wife". Pauyam siyang ngumiti at napasabunot sa buhok niya. "You just watched me suffered. You made me believed that you are concern to us but the reality is you are a two-faced monster who wants to ruins us. I never thought you are capable of doing this". Hindi ko masikmura ang mga sinabi niya sakin. Wala akong kasalanan. Hindi ko pinagtangkaan ang buhay nila lalong lalo na si Carmi. 

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon