MY SUPERSTAR 10

701 36 2
                                    

"Gwan Chung Ha" sambit ko sa pangalan ng taong nasa harap ng rehas ngayon. 

"Who are you?" tanong niya sakin habang nakakunot noo. Mataman ko siyang pinagmasdan at sa totoo lang kung pagbabasehan ko lang ang itsura niya iisipin ko na hindi niya kayang gumawa ng masama. Ang amo ng mukha at parang hindi mo aakalain na kaya niyang gumawa ng krimen. I didn't even know that he's young. He's younger than I thought. Indeed, looks can be deceiving sometimes. 

"Well, I'm surprised you didn't know me". Dinukot ko sa loob ng bag ko ang isang calling card at binigay ito sa kanya. Pagkabasa niya ng pangalan ko, tumingin siya ulit sakin. 

"What are you doing here?" ngumisi ako sa kanya ng marinig ko ang biglang pag iba ng boses niya. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa harap niya. Ibang iba ang kulungan dito sa Korea. Sa Pilipinas malaya mong mayayakap ang taong dadalawin mo sa kulungan pero dito hindi ganon ang sistema. Maguusap kayo ng magkaharap pero may rehas na pagitan sa gitna. 

"Who planned all of these? Why do you need to put the blame on me? I didn't even know you from the start. Who's behind this?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Isang nakakauyam na ngiti ang sagot niya sakin at bahagya siyang napailing. 

"Do you think I'm that stupid? You're just wasting your time. I will not say anything". Sagot niya sakin.Hindi ako tanga para hindi maisip na hindi niya sasabihin sakin ang totoo. Of course, I know that. 

"Well, I'm already expecting that". Sagot ko sa kanya. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. On going ang investigation ng mga private investigators na kinuha ko para lang malutas ang kaso na to. Pareho ko silang pinapaimbistigahan ni Carmi. 

"Really? Then, why are you still asking me?" 

"You really can' t have it all. You have a very appealing appearance but you're not that smart. The reason why I'm asking..is to give you a chance to change your mind. Do you know how a woman's instinct works? When a woman asks a question, chances are..she's asking you because she already knows the answer". 

"You can't get anything from me". Matigas na sagot niya sakin. I showed him that I'm not even unbothered at all. 

"I will not force you anymore. If you don't want to answer me..that's fine but I heard your parents are very influential here in Korea, right? However, they didn't tolerate your wrongdoings. Too bad..I can even destroy their reputation if I want to". Kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang niya sa sinabi ko. Hindi ako nagpakita ng kung ano mang takot sa kanya. 

"I will kill you and hunt you down if you do that". Nilapit niya ang mukha niya sa rehas at pinagbantaan ako. Nilapit ko din ang mukha ko at tinawanan ko lang ang sinabi niya. 

"I'm scared"..painsultong sagot ko sa kanya. 

"If I can't kill you..how about your son? Your precious child?" hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanya. I puffed my cigarette and blow the smoke in his face. Natawa ako ng muntik pa siyang maubo sa ginawa ko. 

"Then, do it. I'm not afraid of losing anyone in my life. I already lost a lot..losing another one can't scare even the tip of my hair". Of course, I lied. I will not allow anyone to harm my child. Magkakapatayan muna kami bago niya magawa yon at sisiguraduhin kong hindi niya yon magagawa. 

"However, I will make sure that I already destroy your family's reputation. Imagine, your mom is very active in charitable works here in Korea. She's even part of UNICEF..and your dad? He owned a lot of coffee shops here in Seoul and even abroad and lastly, your younger sister.." sinadya kong bitinin ang sasabihin ko sa kanya at pinagmasdan siya. "I heard your sister will debut soon as a KPOP idol in one of the most famous entertainment agencies---" 

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon