I stretched my arm and check my laptop. We're doing a web meeting right now regarding Dale's business growth throughout the years. We're planning for more business breakthroughs in the future.
"Charm, I want you to focus on the designs I've sent you. Those were the designs for our first bag collections. I also want you to check the potential customers for those collections. We can have an advertising strategy that focuses on a unique target market".
"Noted ma'am. So, the advertising strategy will only focus on one market?"
"Yes, for our first bag collections. Niche marketing strategy. We will see if it will work".
"How's the resort?" hindi ko masyadong napagtutuunan ng pansin ang resort namin sa Siargao dahil narin sa Dale at dumagdag pa ang bagong kompanya na hawak ko ngayon.
"Ma'am medyo matumal po kasi hindi naman peak season pero hindi naman po tayo nawawalan ng customer".
"Please tell Jerome to send me the financial status of the resort, Charm".
"Okay po, ma'am. Pero bakit po yata biglaan. May problema po ba?" hindi ako masyadong nagpofocus sa resort kasi alam ko na medyo matumal ang income ngayon dahil nga hindi naman peak season. Pero kahit ganon, sinisigurado kong pinapanatiling malinis ng mga staff ang buong resort.
"I want to settle everything for my last will and testament". Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko.
"Ang bata niyo pa ma'am para sa ganyan. Bakit niyo po naisipan na ayusin ang last will niyo? Hindi pa naman kayo mamamatay. Wala pa nga kayong asawa. Si ma'am talaga napakajoker!" tumatawa pa siya habang sinasabi yon hanggang sa mapawi ang ngiti niya ng makita niyang seryoso ako sa sinabi ko.
"May problema po ba kayo, ma'am? Baka po makatulong kami ni Jerome". Pilit akong ngumiti sa kanya, we're not blood related pero sila ang tumayong pamilya ko ng nawala ang mga importanteng tao sa buhay ko.
"Life is too short, Charm. Gusto ko lang paghandaan kasi alam mo naman na nagiisa na lang ako sa buhay. Lahat ng ari-arian ko walang magmamana kundi si JD lang kapag nasa tamang gulang na siya. Mas okay na kung paghandaan ko ito kasi malay mo hindi na pala ako magtatagal dito sa mundo". Nilangkapan ko pa yon ng ngiti at tawa habang sinasabi yon sa kanya pero nanatili siyang tahimik.
"Ma'am, alam ko po na madami kayong problema na kinakaharap at alam ko din na ilang taon ng malungkot ang buhay niyo. Mahirap pong mamuhay ng magisa pero bilib ako sainyo kasi nakakaya niyo. Sana ma'am kung may pinagdadaanan po kayo, daanan niyo lang po huwag niyong tambayan".
"Salamat, Charm. Sige na kanina pa tumatawag si Angel. Let's talk some other time". Nagmimeeting pa lang kami kanina tumatawag na si Angel pero hindi ko siya sinasagot kasi naisip ko na tawagan na lang siya pagkatapos ng meeting namin.
"What's wrong?"
"Nadisgrasya ang magama mo. Nasa ASAN Medical Center sila ngayon". Nabitawan ko ang cellphone ko ng marinig ko ang sinabi ni Angel. Hindi na ako nakapagbihis nagmamadali akong makapunta sa hospital. I tried to focus even if my body is shaking a lot. Scenarios were playing in my head and I got scared. Huwag ang anak ko, please lang. Nararamdaman ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko. I'm having my anxiety attack pero hindi ko yon pinansin.
Pagdating ko sa hospital pinagtanong ko agad sa information desk kung nasaan sila. I got all the information I need and look for them. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko si JD at Jin sa emergency room. They were both okay. Magkatabi ang kama nila. Ginagamot ng nurse and sugat ni JD sa noo habang nakayakap siya kay Carmi. Ginagamot naman ang mga sugat sa braso ni Jin ng isa pang nurse. Nandon ang lahat ng members sa loob. I'm just peeking on the glass window but a part of me wants to go inside. I can see how scared JD is, he's hugging Carmi so tight and it made me tear up. When was the last tight he hugged me? I can't remember anymore.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.2 (Ongoing)
FanfictionI'll never love anyone as much as I love you, even after all these years, I'm sure of it. Great loves are hard to come by and some people never get the chance to experience even one. At least I had that with you, however temporary. I know one day...