8 months later:
I'm staring blankly in the window pane. I puffed my cigarette once again. I was out in jail a month ago. Hindi ko alam ang nangyari kung bakit napaaga ang paglabas ko pero ang sabi ni Atty. de Dios the killer was already in jail. Umamin din siya na hindi ako ang mastermind sa pagpapatay kay Carmi pero hanggang ngayon hindi parin inaamin ng suspect kung sino ang nagutos o may nagutos nga ba sa kanila. I was in my deep thought when I heard someone from the intercom.
"Ma'am nandito na po si Aries"..
"Let him in"..
Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko pero hindi ako tumingin sa kung sino man ang pumasok. I'm still puffing my cigarette. Parang wala akong pakiaalam sa mundo. I started acting like this. Alam kong naninibago parin ang mga tauhan ko sa opisina pero the old Yuri was already dead. I killed her a long time ago.
"Ma'am, may kailangan pa po kayo?" it was Charmaine. Siya na ang tumayong personal assistant ko sa Dale at si Jerome naman ang namamahala ng resort.
"You may go out, I don't need anything". Pagkalabas ni Charm saka ko hinarap si Aries. Pinagmasdan ko siya. Aries is the sales marketing head of Dale. In three months time, nakita ko na bumaba ang sales ng Dale na hindi naman nangyayari dati kahit hindi peak season. Hanggang sa nalaman ko na may mga nawawalang pera sa department niya.
"Have a seat". Kinuha ko ang check book ko sa drawer at mabilis itong sinulatan at pinirmahan at binigay ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya ng makita niya ang tseke.
"That's your salary for this month, 13th month pay and your LAST bonus. After 30 days, you can come back and get your back pay".
"Pero ma'am..kailangan na kailangan ko po ang trabaho. Nasa hospital po ang asawa ko". Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"Value your job if you need it". Napayuko siya sa sinabi ko. Alam kong alam na niya na nadiskubre ko na ang pangungupit niya sa kompanya.
"Nagawa ko lang po yon kasi kailangan na kailangan ko ng pera, ma'am. Sana po bigyan niyo pa ako ng last chance". Pagsusumamo niya sakin.
"No. You're already fired. Get your things now and leave this building. Lock the door when you leave". Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang pagsara ng pinto. I puffed another cigarette. Simula ng makabalik ako galing sa kulungan, madami ng natanggal sa trabaho. Tinanggal ko ang mga hindi masyadong nagpeperform ng maayos. Magiliw sakin ang mga empleyado ko dati pero ng bumalik ako mas tamang sabihin na nagbago ang lahat pati ang pakikitungo ko sa kanila. I became emotionless, cold hearted, and an evil bitch.
"Charm, please be here in my office". Pagkalipas ng ilang minuto pumasok si Charm sa opisina. Si Charm lang ang pinagkakatiwalan ko sa ngayon at si Jerome. Alam kong hindi nila ako iiwanan. Alam kong silang dalawa na lang ang pamilya ko.
"Anong balita sa pinapagawa ko sayo?" may iniabot siya sakin na mga papeles. Isa isa ko itong tiningnan. An evil smile escaped in my face when I read it.
"Binibenta nila?" tanong ko kay Charm. Bahagya siyang napatango at binigay ulit ang ibang mga papeles.
"Madami po silang binibentang assets ma'am pero ang Sandler's Asia Food Inc. po ang pinakamalaking ari-arian na binibenta nila". Sagot sakin ni Charm.
"Bakit nila binibenta?"
"The company is not doing well for the past years, ma'am. Madami pong utang. Mas madami pong liabilities kesa profits kaya nagdisisyon po ang tatay ni Carmi na ibenta na lang pero po si Carmi ayaw pong ibenta. Naghahanap po sila ng mga stockholders para maging maayos ulit ang kompanya nila".
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.2 (Ongoing)
FanfictionI'll never love anyone as much as I love you, even after all these years, I'm sure of it. Great loves are hard to come by and some people never get the chance to experience even one. At least I had that with you, however temporary. I know one day...