LOVE and ACCEPTANCE

738 32 10
                                    

"Thank you for coming. I scheduled a meeting today because I want you to be aware on what's the patient is going through right now. One of the symptoms that the patient may go through is hallucination - the patient might hear, see, or feel things no one else does. There are also instances when the patient lacks the ability to distinguish reality from delusions, and right from wrong. When this happens to the patient, you need to deepen your understanding. Having this kind of mental illness, sometimes, patient tends to withdraw himself/herself from reality or the what so called 'in denial stage'. Especially if she has been affected so much by her past".

Bigla niyang naidilat ang mga mata niya at hinimas ang leeg. Habol ang hininga niya habang pinagmamasdan ang buong silid. Ilang beses pa ba siyang magigising sa isang kuwarto na hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya? Bigla niyang naiyakap ang mga braso sa katawan niya, hanggang sa napansin niya ang bintanang nakabukas nang bahagya. Lumapit siya dito para sana isara ito. Napansin niya ang pa-isa-isang pagpatak ng niyebe galing sa langit kaya hindi niya maiwasang mapatingala at pagmasdan ito.

Panaginip lang pala.

Panaginip nga bang talaga?

Sa panaginip niya ay nasa Siargao daw siya at muntikang malunod buti na lang at may sumagip sa kanya pero hindi na niya nakita ang mukha nito kasi nagising na siya. Is she really dreaming? She's very unstable. There are times she feels okay but most of the time she hears little voices from within asking her to do such horrible things.

Hanggang sa bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Angel.

Hurt her. She turned her back at you when you needed her the most!

Hurt her. She turned her back at you when you needed her the most!

Hurt her. She turned her back at you when you needed her the most!

Naipilig niya ang ulo niya ng marinig na naman niya ang mga bulong sa kanya. It echoes not only in her mind but in her whole being. Paulit-ulit niya 'yon naririnig na parang pinipilit talaga siyang gawin ang mga bagay na hindi niya kayang gawin.

"Kumusta ka? We're here to visit you. Kasama ko ang members pero hindi kasi puwedeng pumasok kami lahat. We talked to your psychiatrist and she delivered us the good news. Maayos daw ang response mo sa mga test at therapy mo lately. Sana tuloy-tuloy na, bruh. Alam kong makakalabas ka dito at makakasama mo na ang mga anak mo".

"I dreamed last night. Nasa Siargao daw ako".

Mababakas ang pagkagulat sa mukha ni Angel ng marinig ang sinabi ni Yuri. Siguro ay hindi niya inaasahan na kakausapin siya nito.

"Gusto mo na bang umuwi ng Siargao? Kaya kailangan mo ng magpagaling para makauwi ka na ng Pilipinas. Magiging maayos din ang lahat. Malapit na".

Her reaction became emotionless again. It's as if she is looking at something but the truth is there really isn't. She also doesn't focus well and seems to be always disoriented.

"Patay na si Zach at Carmi hindi ba?"

Naging blangko ulit ang ekspresyon ng mukha niya. Hanggang sa nagsimula itong bumulong na parang may kausap siyang ibang tao sa paligid. Dapat ay hindi na nabibigla si Angel sa reaksyon nito pero hindi niya pa rin mapigilan ang mabigla at minsan ay matakot sa inaasal nito.

"They didn't survive the tragedy, bruh".

Maikli ngunit madiin na sagot ni Angel sa kanya.

"Kasi..kasi nakita ko sila kanina nasa labas ng bintana. Doon oh -'

Tinuro pa nito kay Angel kung saan daw nito nakita si Zach at Carmi.

"Bruh, they were dead. Don't worry about them. Hindi ka na nila masasaktan".

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon