Nagising ako na sobrang sakit ng ulo at katawan ko para akong magkakasakit. Ilang gabi ng kasing hindi ako makatulog ng maayos. Dinampot ko ang cellphone ko ng tumunog ito, tumatawag si Mrs. Kim. Sinagot ko ang tawag niya habanh hinihilot ang sentido ko.
"Yeoboseyo".
"Yuri, I'm sorry if I'm calling you this early. Jin needs you here. Please be here". Hindi na ako sumagot sa kanya, I ended the call and stood from bed though I'm not really feeling well. Mabilisan akong naligo at nagayos. Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko si Angel sa kusina na naghahanda ng agahan.
"Bruh, aalis na ako ha?" lumingon siya sa direksyon ko. Tumining muna siya sa relo niya bago siya sumagot.
"Ang aga pa. San ka pupunta?" kunot noong tanong niya.
"Punta ako kina Jin, tumawag nanay niya kailangan niya ako ngayon don". Napabuntong hininga siya ng marinig ang sinabi ko.
"Bruh, I know you are old enough. Alam ko na kahit ano pang sabihin ko sayo at the end of the day, sarili mo parin ang susundin mo. Are you not being afraid? Baka dumating ang araw na yan pagtulong mo kay Jin yan pa ang magdala sayo sa kapahamakan. Pagpahingahin mo naman ang sarili mo. You suffered enough before. Kailan ka ba madadala? May asawa si Jin, bruh. In case nakakalimutan mo". Napayuko ako sa sinabi ni Angel. Jin needs mo. kailangan niya ako ngayon. Siguro hindi ako naiintindihan ng iba pero hindi ko siya pwedeng pabayaan.
"Angel, hindi ako pwedeng tumunganga lang at hayaan siyang sirain ang buhay niya. Jin needs me right now and don't worry because every single day I keep on reminding myself that he's already married. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay niya". Hindi ko na siya hinintay sumagot. Alam ko nagaalala lang siya sakin pero alam ko ang ginagawa ko. Kung nahihirapan si Jin, pano na lang ako? Hindi madali ang ginagawa ko. Pero kung hindi ako magpapakatatag, walang gagawa non para samin. Naging parte siya ng buhay ko at kailanman hindi ko yon pwedeng burahin.
Sinalubong agad ako ni Mrs. Kim pagpasok ko pa lang sa bahay nila. Bakas ang pagaalala sa mukha niya kaya kinabahan agad ako. Sana walang nangyaring masama sa kanya.
"I can't open his room since last night. I'm trying to call him but he's not answering my call. I don't what's happening to him".
"I will try to talk to him, Mrs. Kim. I don't know if he will listen to me but I will still try". Nagpasalamat siya sakin. Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto niya. Napabuntong hininga muna ako bago ako kumatok sa kwarto niya. I'm doing this almost everyday pero parang nakasanayan ko narin ang pagbuntong hininga kapag ganitong papasok ako sa kawarto niya.
"Jin..open the door, please". Tatlong beses akong kumatok pero hindi parin niya binubuksan ang pinto.
"Jin..this is Yuri, open this door. Let's talk". Naghintay akong buksan niya ang pinto pero wala parin. Sinubukan kung buksan ang pinto pero hindi talaga ito mabuksan. Isa lang ang naiisip kong paraan para mabuksan ko ang pinto sa kwarto niya. Bahagya akong lumayo sa harap ng pinto. Huminga ako ng malalim saka ko ito tinadyakan. Pangatlong tadyak saka ito bumukas pero mas lalo kong naramdaman ang kirot ng ulo ko. This is getting worse. Hinilot ko ulit ang sentido ko at pumasok sa kwarto niya.
Binuksan ko ang ilaw at don bumungad sakin ang kwarto niyang parang dinaanan ng bagyo. I saw him lying on the floor holding a bottle of vodka. May basag na bote sa tabi niya, napansin ko din ang kaliwang kamay niyang dumudugo. Pasimple kong kinagat ang pangibabang labi ko para mapigilan ko ang kung ano mang emosyon ang gustong kumawala sa sistema ko. Seeing him wasted and broken pains my heart. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"LEAVE ME ALONE!" sigaw niya sakin pero hindi ako natinag, lumapit parin ako sa kanya. Until I heard him crying. Bumaluktot siya patalikod sakin. I tried to reach for his back, gusto ko siyang aluhin. Gusto ko siyang hawakan pero nanginginig ang kamay ko hindi dahil sa takot ako sa sigaw niya o sa galit niya kundi pakiramdam ko kahit pa kayang kaya ko namang abutin ang likod niya at haplusin ito pero hindi ko parin ito maabot. We're just an inches apart but it seems like there's an ocean between us.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.2 (Ongoing)
FanfictionI'll never love anyone as much as I love you, even after all these years, I'm sure of it. Great loves are hard to come by and some people never get the chance to experience even one. At least I had that with you, however temporary. I know one day...