MY SUPERSTAR 15

688 34 1
                                    

"I hate you!" napabuntong hininga ako sa sigaw ni JD. Tumakbo siya palapit kay Jin at yumakap. I didn't bother following him and explain myself again. Nagkatinginan kami ni Jin at bakas ang pagaalala sa mukha niya. Winaglit ko yon sa isip ko. Balang araw maiintindihan mo rin ang lahat, anak. Pwede kang mamuhi sakin ngayon pero mas gugustuhin ko pang mamuhi ka sakin kesa naman malagay ang buhay mo sa alanganin. Katulad ng napagkasunduan namin ng tatay niya, kinausap ko si JD at sinabing hindi na siya babalik ng US para magaral. Ayaw niya. Gusto niyang bumalik don para ipagpatuloy ang pagaaral niya. Sinabi ko sa kanya na nakapagdisisyon na kami ng tatay niya at yon ang masusunod. Nakita ko kung gaano siya nadismaya at nagalit sa disisyon namin pero para naman sakanya ang lahat ng to. 

Umalis ako sa park at hindi na nagpaalam pa kay Jin. Busy din ako ngayon dahil na rin sa thanksgiving party ng kompanya nila Carmi na ngayon ay pagaari ko na. Halos isang linggo na akong abala sa firing range at martial arts training ko. Masyadong hands on si Jae sa mga trainings ko at malaki ang pasasalamat ko sa kanya. 

I picked up the gown that I will wear tonight and went home. I don't have enough time to design my own gown that's why I decided to order from Saint Laurent.

I personally picked a serpentina black velvet gown with cut out both sides. It has a V plunging neckline with see-through chiffon fabric as an accent. I know I'm showing too much skin, especially I'm exposing my back. This is the first time I will be revealing my tattoos in public. I'm not ashamed of it tho but revealing it tonight is like trying to open my self more. I picked up my phone when I heard it's ringing.

"Hello"..

"I already settled everything. I made sure the security will be tighter this time. See you tonight".

"Thank you so much, Jae".

Napagusapan namin ni Jae na kailangan namin ng mahigpit na security mamaya. May securities sa labas ng venue pati narin sa loob. Some of the securities will pretend as the staff and guests. May mga bantay din sa bawat sulok ng venue. Mas maigi ng handa kami lalo na ngayon pa na may banta talaga sa buhay ko.

Seven in the evening when I put my lipstick on as my final touch. I don't have any idea what will happen tonight but whatever happens..I'm ready. Itinaas ko ang laylayan ng gown ko at inayos ang maliit na leg strap sa binti ko. I get my Spyderco P'Kal self defense knife in my drawer. This knife usually used in martial arts. Maliit lang ito kumpara sa ibang mga self defense knife kaya hindi ito napapansin masyado. Isinukbit ko ito sa leg strap at inayos ulit ang gown ko. I tried to walk to see if I will be comfortable using it. I smirked when I feel secured and safe.

Nakatanggap ako ng tawag kay Jae na nasa labas na daw siya kaya lumabas na lang daw ako para hindi na siya pumasok. Paglabas ko ng gate nandon na siya nagaabang sa labas ng sasakyan niya suot ang mamahalin at eleganteng tuxedo ng isang sikat na designer. Jae can really pull off any outfits since he's a model.

"You're really a tease tonight. You want your ex to regret his decision?" Umiiling na komento niya habang pinagmamasdan ako mulo ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa na lang siya sa reaksyon ko.

"Do I need to open the car door for you?" tanong niya sakin habang hindi parin mawala ang pilyong ngiti sa mukha nito.

"Now I get it. Your girlfriend left you because you're not a gentleman enough". Natawa lalo siya sa sinabi ko at binuksan ang pinto sa passenger seat. Napahawak ako sa braso niya ng may makita akong tao na nagmamasid samin sa di kalayuan. He's standing near the lamp post while puffing his cigarette. Napakunot noo ako ng makita ang hubog ng katawan at ang tindig niya. I can't clearly see his face because of his baseball cap.

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon