02:
It's been a week.
I couldn't go to school because I was afraid. I just lost my virginity for someone who's cheating behind my back. I can't even face my family because I fooled them just to come with Jeremy.
Kung alam ko lang.
Kung alam ko lang na manloloko siya, hindi ko na sana ginawa lahat ng 'yon.
"Ano, KC? D'yan ka na lang? Hindi ka na aattend sa graduation practice mo?!" sigaw ni Mama sa akin sa loob ng k'warto. "Lalaki lang 'yang iniiyak-iyakan mo! Ano ngayon kung iniwan ka? Ano ngayon kung niloko ka niya? Maganda ka! Kayang-kaya mong maghanap ng iba, KC!"
Isang linggo ko nang iniiyakan ang nangyari sa Baguio. Isang linggo na akong hindi makakain at makainom man lang ng tubig. Maging ang pagligo, kinatatamaran ko na rin dahil sa tuwing papasok ako sa CR para maligo, naaalala ko kung paano niya hawakan ang katawan ko noong gabing 'yon pagkatapos kong maligo.
I wasn't raped but it felt like I was violated.
Mama didn't know anything; all she know was that, we broke up because he cheated. Hindi niya alam na 'yung anak niya... hindi na kasing-puro katulad ng iniisip niya.
"Lumabas ka at kumain! Pumasok ka sa eskwelahan, kung hindi, hindi kita papayaging kuhanin ang kursong gustong-gusto mo!"
Lalo akong umiyak nang umalis na si Mama sa k'warto ko at padabog na isinarado ang pintuan. Bakit ba hindi ko magawang sabihin kay Mama 'yung totoo? Kapag ba sinabi ko, maiintindihan niya ako? Na may nangyari sa amin ni Jeremy, ilang beses, at sumama ako sa Baguio sa kan'ya noong isang linggo.
Paano kung mandiri na siya sa akin? Paano kung itakwil niya ako? Ayaw ko talagang pumasok sa eskwelahan dahil takot na takot ako. Paano kung mahalata? Paano kung mandiri din sila sa akin?
Masamang-masama ang loob ko nang bumangon ako at kinuha ang tuwalya para maligo sa common bathroom sa baba. Hanggang sa pagligo, hirap na hirap ako. Halos dumugo na ang balat ko sa pagkuskos ng sarili, sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako hinawakan no'n at kung paano niya halikan ang balat ko.
Sa bawat pagbuhos ko ng tubig, hindi p'wedeng hindi kasabay ang pag-agos ng luha ko.
Diring-diri ako sa sarili ko.
At hindi ko matanggap na 'yung taong pinagbigyan ko ng sarili ko... niloloko lang pala ako.
Nang makaligo at maisuot ang uniform, sinubukan kong ayusin ang itsura ko. Gusto kong huwag nilang mahalata na hindi ako okay; na isang linggo na akong umiiyak at hindi kumakain nang maayos. Pero sa luwag ng uniform ko ngayon at sa impis ng pisngi ko, kitang-kita na kaagad ang laki ng ipinayat ko.
Nag-init muli ang sulok ng mga mata ko, kasabay ng pagbukas ng pintuan ng k'warto ko.
"Ano? Mali-late ka na!" sigaw ni Mama.
Mabilis akong lumuhod sa harap niya at niyakap siya sa baywang, kasabay ng paghagulgol. "Ma, please. Ayaw kong pumasok, Ma! Sorry po, Ma. I'm sorry."
"Ano bang nangyayari sa 'yo!?" sigaw niya ulit.
"Ma, natatakot ako. Sorry po, n-niloko ko kayo," lalong bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. "Ma, s-sumama ako kay Jeremy sa Baguio last week. Ma, I'm sorry. Natatakot ako, Mama. Natatakot a-ako..."
Hindi kaagad nakapagsalita si Mama. Tanging paghagulgol ko lang ang maririnig sa kabuuan ng k'warto ko. Ilang segundo lang, hinawakan niya ako sa dalawang balikat at sapilitang itinayo.
"Anong ikinakatakot mo?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa titig ni Mama na nakakatakot. "May nangyari sa inyo? Natatakot kang... b-buntis ka?" Lalong umagos ang mga luha ko dahil do'n. "Sumagot ka!"
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...