10:
Nang matapos ang klase sa Theory Of Architecture, ang huling klase para sa umaga, lumabas na kami ng classroom. Nakita ko na naghihintay doon si Ruel.
Bigla ko na namang naalala ang nangyari kahapon.
I gulped before I walked towards him. "Why?"
"KC, I'm sorry," he said as he looked down. "I'm sorry. Please, don't ignore my calls and texts."
I smiled a little. "Sorry. I'm done with you."
"KC, no," he sighed. "Please, one last chance. I won't do it again to you."
I smirked. "The last time I gave someone chances, he ruined my life, Ruel. Nga pala, I don't have any intentions on doing that thing with you. But I hope you enjoyed the only thing I can offer you."
After I told him that, I left him alone and just went with my classmates to eat lunch.
Well, until now, wala pa rin akong mga kaibigan na kasama sa lahat ng bagay. Wala pa rin akong masasabing barkada ko, katulad nung ibang mga kaklase ko. But being alone like this is not that bad, though. Kahit kanino rin naman, kaya kong mag-blend in.
I don't feel OP just because I am not in their circle of friends.
Nang makarating sa Gubat at maka-order ng pagkain, nagsimula na kaming kumain. I am eating right now with Joy and Deli. Sa pagkakaalam ko, magkapit-bahay sila kaya madalas silang magkasama pero hindi rin yata sila super friends.
"Hoy, gago, may chikinini ka," sabi ni Joy.
Noong una, hindi ko pinansin kasi akala ko, binulong niya talaga 'yon para iparinig kay Deli, pero hindi pala.
Ako pala talaga ang sinasabihan.
"A-Ako?" tanong ko nang nakaturo sa sarili ko matapos lunukin ang pagkaing isinubo.
Kinuha ko ang salamin at tiningnan ang sarili. Mayroon nga pero hindi naman halata, ah? Kaya nga confident akong pumasok kasi hindi halata.
"Charot, hindi naman halata," tumawa si Joy. "Nakita rin kasi kitang umalis kahapon kasama 'yung taga Nursing department na 'yon. So, I expected you're a thing now?"
Tumawa nang malakas si Deli. "Binasag nga niya kanina, eh. Anong a thing now sinasabi mo r'yan?"
Humagalpak ng tawa si Joy bago tumingin sa akin. "Tangina, totoo ba?!" I only smiled as I continued eating. "Bakit? Hindi ba magaling?"
Well... "Okay naman humalik."
Nagtawanan si Joy at Deli bago nagtanong ulit. "So, bakit ayaw mo?"
"I just don't really like men, in general."
"Pero sarap?" tanong ni Deli na tinawagan ko. Tumango ako nang tumatawa.
Kung alam lang nila kung ano na ang mga bagay na nagawa ko tungkol do'n.
"Eh 'di ituloy mo na. 'Wag mo sayangin ganda mo, girl! MOMOL lang naman yata, hindi ka naman mabubuntis d'yan. Masasarapan ka pa."
I laughed and just continued eating while listening to Joy's advice.
"Ganoon na lang, maganda ka naman. Sikat ka nga sa mga lalaki rito, eh. Hindi ko naman sinasabing makipag-MOMOL ka sa lahat. S'yempre pipili ka lang ng yummy!" tumawa nang tumawa si Joy bago lumapit sa akin. "Tapos sex na after mo maging ready, mas masarap 'yon."
Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil do'n.
"Gago ka, anong binubulong mo sa baby natin!" malakas na sabi ni Deli. "Bata pa 'yan, hoy! Kung anu-anong itinuturo mong impakta ka!"
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...