32:
"Pusang gala, Katrina!" humagalpak ng tawa si Deli nang makita akong tutok na tutok sa reviewer ko ngayon. "Gago ka, magpahinga ka nga! Tingnan mo 'yang eyebags mo, ilang palapag na ba yan?!" tumawa ulit siya nang tumawa.
Kaya nga ako nagpunta ng grandstand para makakuha ng katahimikan, eh.
"Shoo!" pagtataboy ko sa kan'ya.
Tumawa ulit siya bago naupo sa tabi ko. "Gago ka, isang linggo ka nang tahimik. Anong nangyari ba? Final exam na tapos mukha kang bangkay!"
Tinawanan ko lang siya bago sinarado ang aklat. "Okay lang ako. Baka pagod lang sa thesis."
Napanguso siya kasabay ng pagtangay ng malakas na hangin sa buhok niya. "Okay ka naman noong nasa bahay tayo nila Aika, ah?"
I smiled. "Okay naman nga ako. Ikaw lang nagsasabing hindi."
Ngumuso siya ulit bago tumingin sa akin. "Nag-away ba kayo ni Tyrone?" tanong niya.
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. "P-Pinatigil ko na muna." I sighed along with the cold wind that blew upon us.
"Bakit? Mahigit dalawang taon nang nanliligaw sa 'yo 'yung tao, bakit bigla mong pinatigil?"
Nagkibit-balikat ako. "He's just . . . too good for me."
"And you're too good for him too."
Tumingin ako sa kan'ya sa sinabi niyang 'yon. "Why?"
Nagkibit-balikat siya. "Ano bang dahilan bakit naisip mong he's too good for you? Are you still thinking low about yourself just because you played with men?"
I looked away. I wished I could just tell her everything but I'm just too ashamed of myself to repeat that same story again.
"Does it matter to him?" umiling ako. "Then what's stopping you?"
"That I played with lots of men."
She scoffed. "I'm sure that he played with women too, KC. Lalaki 'yan at sinabi nga niyang simula pa noon, ikaw lang ang nagustuhan niya, pero hindi ka naman nilapitan kaagad, 'di ba? Maybe he's afraid that he'll end up being your toy so he waited. Pero sa tingin mo, sa loob ng mga taon na naglalaro ka habang naghihintay siya . . . sa tingin mo ba, hindi rin naglaro ng mga babae 'yan?"
I remembered Tyrone telling me that he played too with others while I'm playing my own game. But . . . that's not the point here.
"Hindi naman 'yan point ko," I sighed before I faced her. "Tyrone's been . . . loving me more than he did to himself. That's not good. I don't like that. I don't want to be a burden in the future kapag . . . kapag he failed on getting that doctor's license on time."
Deli laughed louder. "Ang talino ng tao! Never bumagsak sa pre-med course niya! Hindi ka ba naniniwala sa kan'ya? Kaya niya 'yon! Tsaka siya naman 'yon, hindi naman ikaw. Siya naman ang may gusto no'n."
Nangilid ang mga luha ko nang maalala lahat ng sinabi ko noong gabing 'yon, isang linggo na ang nakakaraan. I just told him every detail . . . every story about my wound. I don't think that he'll ever love me the same way again.
"Saka na lang siguro ulit . . . kapag kaya ko na." I smiled at Deli while my eyes are starting to heat again. "Kung gusto niya pa rin ako kapag nag-apprenticeship na tayo sa Manila, eh 'di ituloy niya."
Deli pouted. "Gago ka, hindi ka pa ba umiiyak? Para kasing konti na lang, sasabog ka na. Promise. Parang isang pitik na lang, sasabog ka na."
Tumawa ako sa sinabi niya. "Sige nga, pitikin mo nga ako?" inirapan niya naman ako na siyang tinawanan ko lang. "Walang time mag-breakdown sa lovelife na hindi naman natuloy. Wala akong time umiyak, okay? Wala akong time magmukmok. Saka na lang kapag nakapasa na tayong lahat sa finals."
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...