07:
Hindi ko na alam kung ilang buntonghininga na ang ginawa ko ngayong araw.
Bwisit naman, bakit ba ang hilig mag-cram ng mga kasama kong architecture at engineering student?! Ang daming nagpapa-print ng plates na higher year! I should buy my own printer para hindi na ako naghihintay at ma-anxious na baka ma-late ako, at para na rin sa akin na magpa-print ang mga classmate ko.
Hindi na ako natakot ma-late, kikita pa ako.
Matapos kong maghintay nang matagal at makapagpa-print ng para sa finals sa Architecture Design 1, nakahinga na ako nang maluwag. Bumalik na ako sa building ng department namin at nakitang nandoon na rin ang mga kaklase namin.
Nakita ko si Anna na inihatid ni George bago ito dumiretso sa department namin. Napangiti ako bago siya tinawag.
"Cortez!"
Hindi na naalis sa akin na tawagin siya sa apelyido niya. Kasi naman, 'yung mga prof namin, palaging last name basis. Nagagaya na tuloy kami.
"I'm puyat," reklamo niya bago ibinagsak ang dalawang balikat niya. "Hindi ba nauubos plates ng archi?"
Natatawa at sa itsura niya. Halatang-halata mo ang eyebags niya. Parang panda na 'yong bilog pero masiyado yatang maganda si Anna para maging panda. Hindi rin siya nakapag-ayos nang mabuti ngayon, siguro tinanghali siya ng gising.
"Nakapagpa-print ka na ng RRL?" tanong ko.
"Si George ang nagpa-print kagabi. Lumabas siya para ipa-print."
Wow... sana all.
"Ang bait naman ng boyfriend mo," sabi ko bago sumandal sa pader.
Sumandal siya sa tabi ko kasabay ng pagtawa. "Sobra. Sobrang maalaga," tumingin siya sa akin bago ngumiti. "You'd find someone a lot better than your ex, I swear. Hindi kita minamadali pero sana mag-heal ka na sa sugat na iniwan niya sa 'yo."
Napaiwas ako ng tingin nang dahil do'n.
This is why I don't want to be too close with someone. About the video... I don't want them to remind me that anymore.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kan'ya.
"Uhm... thanks but," nawala ang ngiti ni Anna nang dahil do'n. "C-Can we not talk about him and that video? It's just really making me feel uncomfortable but don't get me wrong. I'm not angry."
Bahagyang umawang ang labi ni Anna nang dahil do'n. Ilang sandali pa, ngumuso siya at tumango. "I'm sorry."
I smiled at her. "It's okay," I chuckled. "I just want you to know. But soon, I know I'll be comfortable with that. But not now... not yet, I guess?"
Anna was about to talk when the professor arrived. Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya. Tahimik kaming pumasok sa loob ng room at kahit hindi ako nakatingin, ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng nasa harap na Anna si Anna dito sa likod na row.
Maybe she thought that I really got angry. I didn't. Sinabi ko lang naman na ayaw ko nang pag-usapan 'yung tungkol do'n. I hope she won't overthink the things like that because we have so much things to think about para magdagdag pa ng ibang isipin.
Kinagabihan, tulad ng nakagawian ko, pinanood ko ulit ang video ko na halos nagmamakaawa kay Jeremy.
"Gusto lang naman kitang makausap."
Every time I heard how my voice said these, I can't stop myself from crying. I wasn't crying for too long but my voice is too broken—like it's broken beyond repair.
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...