19

177 8 4
                                    

19:



Tyrone became more persistent after he told me those things. Well, it's not like I didn't expect it. Sa sobrang kabisado ko na ng mga linyahan ni Tyrone, hindi na talaga ako nagugulat.

What shocked me is when he mentioned about love.

"If you think of yourself as a whore, then I am deeply, madly, crazy in love with a damn whore."

Napasabunot ako sa sarili ko nang maalala na naman 'yon. Tangina, it's been two weeks! Hindi ko pa rin makalimutan, argh! Paano niya nasabing love 'yon?! He only knew me from years ago, he said. I'm sure that we never encounter except the fact that he danced with me on acquaintance party.

Now, paano niya nasabing deeply, madly, crazy in love siya sa akin? Argh, fuck you, Tyrone!

Muli kong sinuklay ang buhok kong maikli na ngayon. Nang makitang maayos na ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng k'warto at bumaba. Nakita ko si Mama na kapapasok lang sa k'warto niya kaya naman sumunod ako sa kan'ya para humalik sa pisngi at magmano.

"Alis na po ako."

"Sige, mag-iingat ka."

Tumango ako at tuluyan nang lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng gate, hindi na naman ako nagulat kasi ano pa bang aasahan ko? Dapat ko na yatang masanay na palaging may nakaabang sa akin na tricycle driver.

But this time, hindi na tricycle ang dala niya. 'Yung motor na gamit niya noong nakaraan ang dala niya ngayon.

"Good morning," nakangiti niyang bati bago inilagay ang helmet sa ulo ko. "Magiging busy ako ngayon kasi may duty ako sa hospital, but I will make it up to you."

Ahh, right. He's a busy person so bakit niya ako pinepeste rito?

"Oh, eh 'di mainam."

He chuckled before riding on his motor. "Sakay ka na."

Umirap na lang ako bago sumakay sa likod niya. Ini-start na niya ang motor at nagsimula nang mag-drive. Tahimik lang siya—hindi nagsasalita.

Paano ba nalalaman ni Tyrone ang schedule ko? Is he a stalker? O baka binibigyan ng tip ni Aika? Argh, that girl!

Nang makarating kami sa harap ng NEUST, huminto na siya sa pagdi-drive. Maraming mga estudyante na ang nandoon, naka-casual clothes dahil start na ng enrolment. This is also why I woke up early.

Nang matanggal ko na ang helmet, iniabot ko na 'yon sa kan'ya bago inayos ang buho ko.

"I'll text you. Please reply."

Nagkibit-balikat ako bago siya tinalikuran at nagsimulang maglakad papasok ng university. Narinig ko nang umalis ang motor niya kaya naman lumingon ako para tingnan siya. When I saw that he's not there anymore, I smiled.

Okay.

"Hi, Architect."

I looked at the person beside me and saw that Karlo's all smile while looking at me.

"Good morning." I greeted him.

He's the only guy I could trust talaga. It's been years and he's still proving to me that he's worth being a friend of mine. Mabuti na lang talaga, hindi namin type ang isa't isa. Kung hindi, eh 'di matagal na kaming awkward.

"Mukhang blooming ka, ah?" pang-asar niya habang naglalakad kami sa pathway.

Umirap ako. "Maganda lang talaga ako, Karlo."

He laughed. "Well, given naman na 'yon. Kaya nga maraming patay na patay sa 'yo, eh."

Tinapik ko ang balikat ni Karlo at tiningnan siya nang puno ng simpatya. "Okay lang 'yan, Karlo. Marami pang iba d'yan."

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon