18:
"Pabili ako."
Nagdadabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko bago pumunta sa bintana ng tindahan. "Ano?!" pasigaw na tanong ko.
Tumawa si Tyrone bago naglapag ng bente pesos sa harap ko. Pucha, kanina pa bili nang bili 'to, ah! Naiinis na ako! Nakapag-tanghalian na ako't lahat, hindi pa rin siya tapos bumili!
"Ba't ka galit?" nakangising tanong niya. "Pabili lang Coke."
Umirap ako bago naglakad papunta sa ref. kumuha ako ng Coke at binuksan ito, tsaka nilagyan ng straw. Pagkatapos no'n, bumalik ako sa window at iniabot sa kan'ya.
"Last mo na 'yan!" sabi ko bago iniabot na rin ang sukli.
He laughed. "Ikaw lang ang tinderang ayaw ng customer."
"Kung ikaw lang din naman ang magiging customer ko, hindi na lang ako magtitinda!"
Tumawa siya bago humigop sa straw ng Coke. Babalik na sana ako sa upuan ko nang ngumiti siya sa akin.
"I'd be happier if you'll treat every man the same way," he sighed. "I know how some men easily backed out whenever they encounter a feisty woman, like you."
"Oh, eh 'di mag-back out ka na, ano pang hinihintay mo?" bulyaw ko sa kan'ya.
He smirked. "Hindi ako gano'n kadaling sumuko sa mga gusto ko."
Umirap ako sa kan'ya at humalukipkip. "Excuse me lang, Tyrone, ha! Ipapaalala ko lang sa 'yo. I made myself clear, that I won't entertain you or any other men anymore because I'm sick and tired of it. Ayaw kong mamaya, may kumakalat na namang chismis o kung anong bagay d'yan na huhusga ng pagkatao ko. Baka mamaya, ipagkalat mong pinaasa kita sa wala when I've been pushing you away since the first time."
"I know," he smiled a little. "Walang kakalat. That same thing won't ever happen to you anymore, Katrina. I'd kill if I need to, just to protect you from everyone. If I can stop something before, I can definitely stop it too if that happens in the future."
Napatigil ako nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napalunok ako kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko bago tumingin nang masama sa kan'ya.
"What do you mean?"
He smiled before sipping from his Coke. "Wala. I just happened to be there on that exact scene."
Nag-iwas ako ng tingin at pinagdikit ang mga labi ko, pinipigilan ang sarili na magsalita. "W-Wala na akong pakialam. Tigilan mo na lang ako, Tyrone. Naiirita ako."
He chuckled slightly. "Damn, you always sound sexy whenever you say my name." I glared at him but he only smiled. "Hindi na ako titigil. I stopped myself from coming near you for so long. You never know how hard it is to see you with someone else. From now on, there's nothing that can make me back down when it comes to you, and I will promise that."
After he says that, he returned the bottle of coke and smiled. "I'll be back."
Hindi na ako sumagot pa dahil umalis na rin kaagad siya. Pinanood ko siya mula sa loob ng tindaan na isuot ang helmet niya, sumakay ng motor at ini-start ang engine. Kumaway pa siya bago tuluyan nang umalis sa harap ng tindahan namin.
Ilang beses akong napalunok dahil sa kaba na naramdaman.
Why is Tyrone always sending shivers down my spine every time? I know that I still can't forget that night when I first met him in the acquaintance party. Para sa akin, 'yon ang first meeting namin. Ngayon, ano 'yung sinabi niya kaninang madaling-araw na hindi 'yon ang first meeting namin?
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...