34

185 8 1
                                    

34:


Naloloka ako! Putang ina, Aika!

Ilang beses ko nang tinawagan si Aika pero hindi pa rin sumasagot! Alas dos na nang madaling-araw, hindi pa rin umuuwi! Wala pa kaming isang taon dito!

Nagpalit na ako ng damit at lumabas ng unit namin para hanapin siya. Ang laki-laki ng Manila! Ang paalam niya lang, may dinner sila! Malapit nang mag-breakfast, wala pa rin siya!

Nag-commute ako papunta sa apartment nila Anna para hingin ang tulong nilang dalawa. Sila lang ang may kotse sa amin kaya mas mapapadali ang paghahanap ko kung may sariling sasakyan.

Nang makarating ako sa apartment nila Anna, mabilis akong nag-doorbell nang paulit-ulit. Ilang sandali pa, pinagbuksan ako ni Anna na nakasuot lang ng malaking t-shirt. Nag-init ang mukha ko nang mapansin na wala siyang suot na bra!

"K-KC! Bakit n-nandito ka?"

"Sorry! May naistorbo ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ni Anna kasabay ng pagpula niya. "Wala! Natutulog lang kami!"

Gusto ko pa sanang tumawa pero wala nang time para tumawa ngayon. "P-P'wede ko bang hiramin kayo ni George? Wala pa kasi si Aika hanggang ngayon. Hindi ko alam kung saan at paano siya hahanapin. Tumawag sa akin si Kuya Gio kanina, nagpa-planong dumalaw sa unit." I groaned.

Tumingin si Anna sa loob ng unit niya bago ako inaya sa loob. "D'yan ka lang!" sabi niya habang nakaturo sa couch bago pumasok sa k'warto.

Naghintay ako sa kanilang dalawa na lumabas pero pucha, ang tagal! Ano pa ba ginagawa ng dalawa--argh! Nagulat ako nang makarinig ako ng tili kay Anna kasabay ng tawa, bago sila lumabas ng k'warto.

Napalunok ako nang makitang baliktad ang suot na short ni George, hubad ang katawan, gulo-gulo pa ang buhok. Hawak niya ang damit na isusuot pa lang yata.

"Halika na!" sabi ni Anna na ngayon ay maayos na ang suot na damit.

Napalunok ako bago hinila si Anna at binulungan. "Tangina, alam ko naman na wala ako karapatan pero girl, 'yung jowa mo, baliktad 'yung short!"

Lalong namula si Anna bago pinuntahan si George at sinabi ang sinabi ko. Tumatawa naman si George na bumalik sa k'warto nila. Napalingon ako kay Anna nang natatawa.

"Sorry na!" sabi ni Anna bago ikinawit ang braso sa akin. "Mag-jowa things. Hindi ka makaka-relate."

Sinakal ko siya nang pabiro bago kami lumabas ng apartment nila nang tumatawa. "Wala akong pakialam!"

"Bakit ba kasi hindi mo pa sinasagot si Tyrone?" tanong niya. "Halata namang mahal mo."

Humalukipkip ako bago sumandal sa kotse ni George nang makarating kami sa parking lot. "Hayaan mo siyang magpakadalubhasa muna bago niya matikman ang isang KC."

Anna laughed before pinching both of my cheeks. "Our sweet, pure and virgin KC! I'm so proud of you."

My smile quickly vanished because of what she told me. Hindi ko na lang pinansin pa at pumasok na sa loob ng kotse nang dumating na si George. Nasa backseat ako habang nasa harap ang mag-jowa. Paulit-ulit kong tinatawagan si Aika pero hindi pa rin sumasagot! Bwist talaga.

"Saan daw ba pupunta?" tanong ni George habang nagdi-drive.

Ngumuso ako. "Sabi kanina, magdi-dinner lang sila ni Renz. Ewan ko kung saan na sila nagpunta."

"Na-try mo na bang puntahan sa unit ni Renz?" tanong ni Anna.

Napalunok ako. "H-Hindi pa."

Tumawa si Anna. "Puntahan natin do'n? Saan na nga ulit 'yon? Sinabi sa atin ni Anna 'yon, 'di ba?"

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon