29:
The months went by and my relationship with Tyrone is just as fine as it is. Hindi pa rin namin sinasabi sa kahit na sino—pamilya pa lang niya ang nakakaalam. Nakapunta na rin ako sa bahay nila sa Manila noong bakasiyon at inihatid niya rin ako sa bahay kinagabihan.
Tyrone just respects my time and decision. Alam niyang hindi ako papayag na mag-overnight doon kahit na hindi siya nagtanong, so he really drove back and forth just to make sure that I'll be safe.
"Uy, nagwo-work na si George! Ano? Pupunta na kayo ng Baguio niyan?" tanong ni Deli kay Anna habang gumagawa kami ng plates sa bahay nila.
Napanguso ako bago itinutok ang atensiyon sa laptop ko. Tyrone's with us because it's weekend. Wala raw siyang pasok sa med school niya.
"Bakit kasi magba-Baguio pa, ang pangit pangit do'n," bulong ko sa sarili ko.
Humagalpak ng tawa si Deli. "Napakaano mo! Hayaan mo nga silang pumunta ro'n!"
Tumingin ako kay Anna na natatawa na lang din habang nagre-render sa Lumion.
"Baka lang maghiwalay sila ni George. Sayang ang almost five years. You know?" I shrugged and focused on my laptop.
"Bakit naman kami maghihiwalay?" natatawang tanong ni Anna.
I looked at Tyrone who's reading a book beside me. Mukhang nakikinig din siya ng usapan kahit na nagre-review siya. Kagabi niya pa nire-review ang book na 'yon, eh.
"Kasi pupunta kayo ng Baguio," I answered.
Nagtawanan ang tatlo sa isinagot ko.
"KC, what's the point? Hindi ko gets!" sabi ni Aika.
"Wala. Lahat ng nagpupunta ng Baguio naghihiwalay."
"Grabe, ang bitter," sabi ni Deli.
Nagkibit ako ng balikat. "Mainam nang nag-iingat kaya huwag ka nang sumama sa Baguio kay George, Anna. Hayaan mo na siya ro'n."
Narinig kong tumikhim si Tyrone sa gilid ko habang nakatingin sa akin. "Why did you say that?"
Napalunok ako bago umiwas ng tingin. "O-Observation lang. Wala talagang nagtatagal na relasiyon kapag nagpupunta ng Baguio."
Tyrone chuckled. "Let's go to Baguio? I'll prove you wrong."
Tumili nang tumili ang tatlong kaibigan ko sa sinabi ni Tyrone habang ako naman ay ramdam na ramdam ang pag-init ng mukha ko. Bakit ba tuwing babanat 'to, lagi na lang nag-iinit mukha ko?
"What if it proved me right?" tanong ko sa kan'ya.
"Nope. Walang maghihiwalay—" pinanlakihan ko siya ng mga mata sa sinabi niyang 'yon. "K-Kapag naging tayo."
Tumatawang kinikilig ang tatlo kong kaibigan sa sinabi ni Tyrone. Napailing na lang ako sa kanila. Parang mga walang sariling lovelife kung maka-kilig sa aming dalawa, eh.
Nang makagawa ng kahit kaonti ngayong araw, napagpasyahan na naming umuwi. Nag-commute si Aika at Anna habang ako naman ay pinag-drive ni Tyrone.
"Maaga-aga pa. Can we go to my place?" tanong niya habang nagdi-drive siya ng motor niya.
Nagkibit ako ng balikat bago sumagot. "Okay lang."
"Doon ka na rin mag-dinner, sabayan mo na ako. For sure, tulog na sila niyan."
I concealed my laughter. I know why he's doing it. Kahit na almost eight months na kami sa relasiyon, hindi pa rin naman kami madalas na magkita dahil sobrang busy niya sa sa med school at ang layo niya pa. Minsan pinipilit niyang umuwi rito pero paulit-ulit ko siyang pinipigilan at sinasabihang magpahinga na lang.
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...