UNFORGOTTEN
Forgiven in Baguio
[Baguio Series #5]
"Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, KC," sabi sa akin ni Mama habang ginagayak ko ang mga gamit ko.
"Yes, Mama. Thank you."
Matapos no'n ay umalis na si Mama at iniwan na ako sa k'warto ko. Napabuntonghininga na lang ako dahil sa guilt na naramdaman. All along, they thought that I'll be going to a trip that my school organized. Graduating na ako, sabi ko pa, at kailangan namin pumunta sa Baguio para sa isang educational trip.
Nang matapos akong mag-pack ng mga gagamitin ko ay naligo na ako at naghanda na para matulog. I need to wake up at 2:00 AM. I texted Jeremy.
Me:
Babe, everything's set. Naka-pack na ako. Alam ni Mama na aalis ako pero for educational trip. Uuwi tayo sa Sunday night, 'di ba?It took him few minutes to read my text and reply to me.
Jeremy:
Yes, babe. Uuwi rin tayo kaagad sa Sunday night. I promise.Jeremy:
I love you. I can't wait to go to our trip with you.I smiled when I read his text. Ang dami ko nang nagawang kasinungalingan sa pamilya ko para lang magawa namin ni Jeremy ang mga gusto namin. So far, wala pa naman akong pinagsisisihan.
Me:
I love you too, so much. You know that.Jeremy:
Sleep ka na, babe. We need to leave here at 3:00 AM. Sa sasakyan ka na matulog. Good night, babe.I bid him my good nights before tucking myself with blankets and went to sleep.
Oras na marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko ay bumangon na kaagad ako at mabilis na naligo. Nagkape lang ako at kumain ng bread na ni-toast ko lang, tsaka nag-iwan ng note na nakaalis na ako, nang sa ganoon ay hindi na sila kailangan pang gisingin. Alam na nilang nakaalis na ako.
Lakad-takbo ang ginawa ko dahil natatakot ako nab aka maghintay nang matagal si Jeremy sa labas ng Kapitan Pepe Subdivision. Nag-text kasi siya na nandoon na siya kaya naman nagmadali na rin akong kumain. Hindi na nga ako nakapagsuklay ng buhok. Kahit ang magpatuyo no'n ay hindi ko na nagawa pa.
Nang makita ko ang sasakyan niya ro'n ay mabilis akong kumatok sa bintana. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Mabilis akong pumasok doon. Nang maisarado ko na ang pinto ay mabilis niya akong siniil ng halik.
"I missed you," he said.
I smiled. "I missed you too..."
Nagsimula na siyang mag-drive habang ako ay kinakain ang breakfast meal na t-in-ake out niya for me. Marami siyang ikinukwento sa akin tungkol sa mga ginawa niya.
He's a college in Wesleyan University. Magdo-doctor siya, kaya naman sobrang busy niya at hindi na kami gaanong nagkikita. Pa-graduate na rin kasi siya. Isang taon na lang at ga-graduate na siya bilang MedTech student. Nangako pa ako noon sa kan'ya na kapag 18 na ako ay sasama na ako sa kan'ya sa lugar na gusto niyang puntahan.
So here we are.
Legal naman kami sa family ko, pero ayaw nila na lumalabas-labas kami ni Jeremy nang inaabot ng kinabukasan. I still have curfew when it comes to him. Ngayong 18 ako, tsaka lang nawala. Pero hindi pa rin naman ako pinapayagang mag-out of town kasama siya.
That made me lie to my family about having an educational trip. I really want to go on a trip with him, and he wants too. Ang dami ko nang utang sa kan'ya. Ito lang ang paraan para makabawi ako.
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...