15

187 9 2
                                    

15:

Nang makauwi ako, humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Magcha-chat ako sa groupchat naming pinangalanan ni Deli na Virgin MOMOL Squad at sasabihing hindi ako pupunta.

I really don't want to be with a Wesleyan student. I can entertain anyone but not a Wesleyan and a MedTech student.

Me:

Guys, I don't wanna go to classmate. Kayo na lang. enjoy.

Virgin MOMOL Girl Deli:
Eh kung sinasakal kaya kita d'yan

Virgin MOMOL Girl Deli:
Wag ka nga, Katrina! Gusto mong kaladkarin kita d'yan

Virgin MOMOL Girl Aika:
Ayaw niya kasi makasama si tricycle driver

Virgin MOMOL Girl Deli:
Ang pogi non, ayaw mo?!

Virgin MOMOL Girl Anna:
Bakit naman kasi nag-invite kayo ng may connect sa ex niya xD

Virgin MOMOL Girl Anna:
Sumama ka na, KC! Wag mo na lang pansinin kapag kinulit ka.

Napanguso ako sa dami ng sinabi nila. Nakakapagod na ngang basahin mga nickname nila sa GC namin, ang dami pa nilang sinabi!

Me:

Tinatamad kasi ako. Gusto ko lang matulog.

Virgin MOMOL Girl Aika:
Please!!! Sumama ka na!!! Miss ko na mag-bar kasama kayo!

Napairap ako sa screen. Miss??? Eh ang dalas nga namin mag-Classmate simula noong wala na 'yung mahigpit na bantay niya!

Me:

K

Binato ko na sa higaan ang cellphone ko at ipinikit ang mga mata. Why am I suddenly stuck with that makulit na lalaki? Kung kailan ayaw ko nang mag-entertain, tsaka naman ako kinukulit ng isang 'to.

Pasado sana siya sa list of guys na nakalaro ko, eh. Kung noon niya ako kinulit, baka pinatulan ko siya.

Napabuntonghinina ako nang may maalala.

Taga-Wesleyan nga pala siya. Auto-reject nga pala ako sa Wesleyan students, lalo na't MedTech.

Makalipas ang halos thirty minutes ng pagtatanga ko, bumangon na ako at naligo. Nagsuot ako ng shorts at fitted blouse, tsaka sandals, tsaka nag-apply ng kaonting makeup. In the middle of my makeup session, my phone beeped.

+639174111246
The limousine is already in front of your mansion, Ma'am. Are you all ready?

I laughed after reading his text message. Tangina, limousine daw? Mansion daw? Maniniwala ako kung ako si Aika, eh!

Hindi ko na ni-replyan pa 'yon at tinuloy na ang pagmi-makeup. I rolled my hair into a messy bun, since hindi na naman ako nakapag-pagupit, bago kinuha ang cellphone ko. May text si Aika do'n.

Aika ❤:
Nandito na kami! Try not to show your face or we'll beat you up!

Wow, ini-english ako! Tama ba 'yon?!

Kinuha ko na ang maliit kong shoulder bag at nilagay ang makeup, cellphone at wallet ko ro'n bago lumabas ng k'warto. Nagpaalam ako kay Mama na aalis na, tutal, alam naman niya kung saan ako pupunta.

"Huwag ka masiyadong magpapa-late, KC. Gabing-gabi na 'yang alis mo!"

"Opo!"

Humalik ako sa pisngi niya matapos magmano bago lumabas ng bahay. Napabuntonghininga ako nang makita ko na naman siyang nakangisi habang nakasandal sa motor niya.

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon