04:
"Pupunta ka sa acquaintance party?" nakangiting tanong sa akin ni Aika.
Napakunot ako ng noo. Acquaintance party? Next week na 'yon, ah? I've already decided not to go. Wala naman akong mapapala do'n. I'd rather sleep, though.
"Uhm, no."
Nasa classroom kami ngayon, hinihintay ang professor namin para sa Architecture Drafting. Maingay ang mga kaklase ko dahil may kani-kanila silang pinag-uusapan. Si Deli, nangingibabaw ang tawa sa harap habang nakikipag-pustahan sa mga kaklase naming lalaki sa pinanonood nilang NBA. Si Anna ay nasa usual seat niya sa harap, dahil C ang apelyido niya, tinatapos ang plates habang si Karlo ay nanonood sa kan'ya at paminsan-minsang nagsasalita.
Hinawakan ni Aika ang dalawang kamay ko, dahilan para magulat ako, at lumapit lalo sa akin. "Pumunta ka na please! Ayaw akong payagan ni Kuya, eh. Please, please!"
Ano namang kinalaman ko sa kuya niya?
"Ano namang magagawa ko para pumayag ang kuya mo?" natatawa kong tanong.
Binitiwan niya ang kamay ko at nangalumbaba sa table, tsaka sumimangot. "Gusto kasi, marami akong kasamang babae. Nakakabwisit, bakit 'yung mga pinsan ko sa Manila, hindi naman gaanong hirap magpaalam sa pamilya?!" she sighed, frustrated. "Si Anna at Deli lang kasi ang sinabi ko. Kaya pumunta ka na, please!"
Natatawa akong umiling. "I'm sorry, hindi kasi ako mahilig sa party. Ano bang gagawin do'n?"
Lumawak ang ngiti niya habang nanlalaki ang mga mata, excited sa sasabihin. "Maraming pogi na a-attend! Lalo sa engineering department!"
I laughed with her cuteness. Nakakatuwa talaga 'yung humaling niya sa mga gwapo; hindi pa rin kasi nagkaka-boyfriend kaya enjoy pa siya sa mga gwapong lalaki. If only she knew what handsome men can do to a woman like her, she won't admire it the same way anymore.
Humalukipkip ako at ngumisi. "What am I getting in exchange?"
Napaawang ang bibig niya, dahilan para matawa ako. "Pwede bang sa 'yo na lang 'yung kuya ko?" she laughed. "Charot. Ililibre kita! Please! Gusto ko talagang um-attend! Ikaw ang susi para payagan ako!"
Wala na akong nagawa sa huli dahil curious din naman ako sa party. Hindi nga lang ako ganoon ka-interesado. At isa pa, minsan lang din naman. Ang alam kong susunod na party ay sa December pa kaya susubukan ko na lang din kung mae-enjoy ko ba ngayon o hindi.
Noong mag-Thursday, a day before the acquaintance party, niyaya ako ni Aika na mag-lunch kasama siya.
"Tara!"
Hinila niya ako palabas ng room. Nakita namin si Deli na kasama ang iba naming kaklase at tumatawa nang malakas. Nakakatuwa talaga 'to, masiyadong optimistic.
"Delilah!"
Lumingon si Deli sa amin tsaka itinaas ang kamay habang nakatayo ang middle finger.
"Pakyu, Aira Karen! Bakit ba?!"
Tumawa si Aika nang dahil do'n. "Pupunta si Katrina sa acquaintance. Teka, nasaan si Brianna?" tanong niya habang hinahanap si Anna.
First name basis talaga si Aika, eh. Napapailing na lang ako.
"Pumunta sa Gubat, kasama 'yung jowa!" bulyaw ni Deli bago umirap.
Natawa ako sa naging reaksiyon niya. Ramdam na ramdam ko 'yung inis.
"Ehhh," parang bata na sabi ni Aika. "Sige na nga, tayo na muna! Ililibre ko kayo ng lunch," sabi ni Aika bago ginalaw ang dalawang kilay.
"Bakit?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa Gubat, kung saan kami kakain ng lunch.
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...