28

188 10 8
                                    

28:





I'm sitting on my bed while my legs are crossed, staring at the anklet that Tyrone gave me. It was a gold anklet with moon and star charms . . . half-moon, full moon, crescent moon . . . ang ganda. Ang ganda ganda.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at inalala ang nangyari kanina bago siya umuwi sa bahay ng grandparents niya. Napahawak ako sa labi ko, kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

We . . . kissed.

It's the first time in years. It's the first time that a kiss gave me this . . . feeling. Ang saya na nakakakaba. Ang babaw at ilang segundo lang ang halik na 'yon—hindi nga gumalaw ang mga labi namin at parang nagdikit lang for five seconds pero grabe 'yung saya . . . 'yung kaba . . . 'yung dulot sa akin.

Malapit nang sumikat ang araw pero hanggang ngayon, mulat na mulat pa rin ako. Parang movie na nagfa-flashback sa isip ko 'yung nangyari kanina.

Did we really kiss?!

Parang dati lang, hindi niya mahawakan ang kamay ko, ah? And everything happened a while ago—that fast! I mean, it's been more than a year when he started pursuing me. Hindi ko akalain na mangyayari kanina lahat ng hindi niya magawa sa akin noon, tulad ng paghawak sa kamay, sa mukha, pagyakap sa akin . . . and the kiss!

I covered my face with my pillow and screamed there while kicking my blanket.

Damn, I looked like a teenager who got her first kiss from her long time crush! I can't remember I reacted this way when Jeremy got my first kiss—ngayon naman, daig ko pa ang bata!

Nang makalma na ang sarili, inihanda ko na ang sarili ko sa pagtulog. Pero wala pa akong limang minutong nakapikit at nagpapanggap na tulog, nag-vibrate naman ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa side table at tiningnan kung sino ang  nag-text.

Tyrone! Bakit ba gising pa 'to, hindi ba 'to napagod sa pagdi-drive?!

I opened and read his text.

Tyrone:

Damn, the sun is shining and I'm still wide awake. I can't believe that you're my girlfriend now. I can't wait to see you, love.

I giggled while hugging my pillow. Hindi ba siya p'wedeng kumalma at matulog na?! Kakainis, ah?

Me:

Matulog ka na!

Tyrone:

Wow, you're awake hahahaha

Me:

Nagising lang ako kasi tumunog ang cellphone ko. Text kasi nang text hmp

Tyrone:

But your phone is always on vibrate mode...

Tyrone:

:))))

I chuckled again as I typed my reply to him.

Me:

I'm going to sleep na!

Tyrone:

Sleep well, love. See you later. ;)

Ibinaba ko na lang sa dibdib ko ang cellphone at ipinikit ang mga mata. Until now, I still can't stop myself from smiling. Ngayon ko na lang ulit naramdaman 'to—na hindi makatulog kasi sobrang saya . . . sobrang kilig.

Argh, I'll punish you later, Tyrone!

***

Umaga na nga akong natulog pero ang aga-aga pa rin akong ginising ni Mama!

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon