08

185 10 1
                                    

08:





Ruel is not really bad, though. Kahit na may sama ako ng loob sa mga tulad niyang nasa medical field ang course, hindi ko mapigilan ang sariling i-appreciate ang mga ginagawa niya.

Ruel:

I'll bought us foods that we can eat after getting our grades tomorrow.

Well, he's thoughtful.

Siguro nga sa una lang siya ganito, dahil nagpapapansin pa at nagpapa-good shot, but every little thing matters to me. I know that he will change soon and these thoughtful acts will be lessening until it fades as the time goes by. Still, the fact that he was once thoughtful is enough for me.

I sighed when I suddenly remembered of the good old days with Jeremy. Siya lang yata 'yong taong nakalimutan ko lahat ng ginawang maganda dahil sa mga pagkakamali. He's just too much—my anger for him was endless.

Me:

Wow, thank you.

Ruel:

Shall we watch a movie tomorrow? After we get our grades?

Me:

Shall we?

Ruel:

Kung okay lang sa 'yo :)

This is one of the good things about him. It's been two weeks since he asked for my number and I know I can itemize the good things about him. Though, ang dalas niya mag-text. Medyo clingy. That's what I don't like about him. He always wants to see me.

Me:

Okay lang. Ayaw ko lang gabihin.

Ruel:

Aagahan natin para hindi tayo ma-late umuwi. :)

Me:

Okay, sige.

Then the conversation goes on as he told me his plans that I'm not really interested with.

Kinabukasan, 8:00 a.m. nang makarating ako ng university. Nakita ko na mahaba na ang pila kaya sobrang buntonghininga ang nagawa ko bago sumunod sa lalaking nasa dulo ng pila.

Nasa dulo ng pila... si Anna at George 'to, eh. Nakita kong sinuntok ni Anna si George, bago ako tuluyang nakalapit sa kanila.

Cute.

Lumingon si Anna sa akin. Napaawang pa ang bibig bago ngumiti.

"Hello, KC. Good morning."

I smiled at her. "Good morning, Cortez," lumingon ako kay George na sakto ring lumingon sa akin. "Good morning."

He nodded. "Good morning," then he shut his mouth after. Parang kanina lang ang ingay nila.

"KC, sorry."

Napalingon ako kay Anna nang magsalita siya. "Huh? Bakit?"

Ngumiti siya nang maliit habang nakatingin sa akin 'yung mapungay niyang mga mata. "The last time. Baka na-offend kita. Baka... nagalit ka."

Nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba, naging big deal 'yon! Hindi naman ako nagalit.

"Hala, okay lang!" I laughed. "Gaga, hindi naman ako nagalit or what. It's fine. I just told you the truth but I am not angry. I may be offended because I'm not comfortable about that topic pero okay lang ako. Hindi ako galit."

Ngumuso siya. Bahagya pang nangilid 'yung luha. "Sorry talaga. Ang hilig kong makialam. Sorry. Hindi na talaga mauulit! Promise!" itinaas niya ang kanang kamay niya.

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon