50

344 12 1
                                    

50





"Miss, sakay!"

Tumigil ako sa paglalakad palayo ng Wesleyan University matapos kong harapin si Jeremy kasama ang babaeng ipinalit niya sa akin. I couldn't stop crying. How dare he told me those things?

Sumakay ako ng tricycle at hindi na nagsalita pa kung saan ako magpapahatid dahil sa suot kong uniform, sigurado naman akong alam na niya kung saan niya na ako dapat ihatid.

Pero huminto na kami sa harap ng school namin, hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak at paghikbi. I don't even want to come out of this tricycle. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok ngayon at mag-focus sa pagpa-practice para sa graduation.

Graduation . . .

I don't even want to attend that ceremony anymore. The one that will come up with me on the stage just told me that no one will love me wholeheartedly because of what I did--because of what Jeremy and I did.

Bakit ako lang ang nasasabihan no'n? Why does Jeremy looks like he's the usual him who's enjoying his life? Bakit ako lang ang nagdudusa sa masasakit na salita?

"Uhh . . . hindi ka ba papasok?"

Umiling ako nang umiling bilang tugon sa tanong sa akin ng tricycle driver. Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak nang umiyak.

"May . . . gusto ka bang puntahan?"

Umiling ulit ako habang umiiyak. Ilang sandali pa, narinig ko na ang pag-andar ulit ng motor hanggang sa naramdaman kong papalayo na kami sa eskwelahan ko.

At this point, I don't even care on where this tricycle driver is going to take me. Heck--I don't even care what he'll do to me. Wala naman nang mawawala sa akin dahil nakuha na ni Jeremy.

At wala na rin akong pakialam kung papatayin niya na ako. Mas maigi pa yata 'yon kaysa araw-araw o maya-maya ko maaalala ang sinabi sa akin ni Mama.

I just can't accept that.

Babae rin naman siya. Paano niya nasabi sa akin 'yon? Paano niya masabing wala nang magmamahal sa akin? Paano niya nagawang pilitin akong balikan 'yung taong kumuha ng lahat-lahat sa akin?

Bakit ako lang ang ginaganito? Dahil ba babae ako, ako na kaagad ang mali? Nagmahal lang naman ako, ah?

Hindi ko alam kung gaano katagal nag-drive ang tricycle driver at hindi ko rin alam kung nasaan na kami ngayon. I'm still inside the tricycle and sobs kept on coming out of my mouth even though I am not crying anymore.

Napatingin ako sa kamay na may hawak na bottle of mineral water.

"Uminom ka na muna. You've been crying for so long."

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin at kinuha mula sa kan'ya ang tubig. Binuksan ko iyon at ininom.

"Tara rito sa labas. Malamig ang hangin."

Umalis na siya sa kinatatayuan niya kanina. Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin at do'n ko lang napagtanto na hapon na pala talaga. The sun is setting already.

Ang bilis ng oras. Nasaan na ba kami?

I looked around and saw that we're in a place where there are very wide rice fields around us. Tulad ng sinabi niya, malamig ang simoy ng hangin at hindi tulad sa kinalulugaran ko kanina na maingay, dito . . . mapayapa.

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon