13

224 10 0
                                    

13:


Nang maibigay ko kay Billy ang plates nila first thing in the morning, ibinigay niya sa akin ang bayad nila. Hindi na ako nag-abala pang magbilang dahil nakakahiya naman. Baka isipin, napakatamang hinala ko.

"Thank you, KC."

"Welcome!"

Aalis na sana ako nang magsalita siya. "Sandali," nag-angat ako ng kilay sa kan'ya. "Hindi ba talaga p'wedeng kuhanin 'yung number mo?" he gulped. "I will help you with the plates... I just want to be friends with you."

That last thing he told me was too overrated. Hindi lang naman pagkakaibigan ang laging gusto sa akin kahit 'yon lang naman ang sinasabi nilang intensiyon nila.

You just want to be friends with me? Then what? You're going to kiss your friend so hard, halos mag-sex na kayo?

I smiled at him. "Kaya kong gawin mag-isa ang plates ko."

After I told him that, iniwan ko na siya at dumiretso sa classroom namin. I checked the money on my hand and smiled.

Thank you sa printer, Papa. Kumikita ang anak mo kahit nakaupo lang.

Mauupo na sana ako sa upuan ko nang makita ko si Aika, nakasimangot, habang nakapangalumbaba. Naupo ako sa tabi niya dahil maaga pa naman, wala pa ang professor.

Ang ingay ng mga kaklase ko, akala mo, mga bata!

"Problema mo?"

Lumingon siya sa akin nang nakasimangot pa rin at pinananatili ang dalawang kamay sa baba. "Sumasakit ulo ko."

"Bakit?" tanong ko bago inilagay sa wallet ang pera na ibinayad sa akin ni Billy.

"Tumakas ako kagabi kay Manang, nagpunta kami sa Classmate kasama barkada ng pinsan ko."

Idinukmo niya ang ulo sa lamesa. I chuckled before patting her head. "Sige, pahinga ka muna d'yan. Wala pa naman 'yung prof."

Tumango siya at pinanatili ang pagkakadukmo ng ulo sa lamesa. Ilang sandali pa, pumasok si Deli at Anna na magkasunod, dala ang mga laptop nila. Mukhang sabog din si Anna, paniguradong nag-cram din 'to ng plates.

"Anong nangyari d'yan?" tanong ni Deli matapos ibaba ang gamit sa upuan niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hangover. Nagpunta raw sa Classmate."

"Wow, nawa'y lahat!" sabi ni Anna na naglalakad na rin papunta sa amin. "Ayain ko nga si George d'yan sa sembreak. Tara?"

Nag-thumbs up kami ni Deli sa kan'ya. "Sure!"

Nakaka-miss na rin, 'no. At okay naman si George, hindi naman KJ.

"Sama rin ako!" bumangon si Aika mula sa pagkakadukmo. "Sasama ako! Mamatay na maiwan!"

I chuckled. Aika's really a baby to me, in my eyes. Wala siyang ate kaya walang nakaintindi sa kan'ya sa bahay tapos pinaghigpitan pa ng sobra ng pamilya. Kaya ngayong magkahiwalay na sila ng kuya niya, sinusulit niya ngayon ang freedom na mayroon siya.

I can't blame her for her rebellious acts, though.

Ilang saglit lang kaming nagkaroon ng time magkwentuhan, pumasok na ang professor, kaya naman nagmamadali ang lahat na tumayo para bumalik sa kani-kaniyang upuan.

Since Valdez ang apelyido ko, nasa likod ako nakaupo.

Nagsimula ang klase sa morning greetings, hanggang sa nag-roll call na para sa attendance.

Since it was a major subject, the professor told us to do a simple plan for a building.

"You're done with space planning sa isang two-storey house. Now, we will do a simple space planning for a facility. I want you to make a simple space plan for a food court. Paano niyo pagkakasiyahin ang food stalls, ang benches? Paano natin magagawang hindi tight 'yong space? Paano natin malalaman ang tamang number of benches na tama lamang para sa mga tao?"

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon