36:
We're on the village where his parents are living. Maluwag kasi ang daanan at p'wedeng-p'wede mag-practice ng pagdi-drive. May other better places naman daw pero dahil nga sa nangyari kahapon sa hospital, dito na lang daw muna kami.
"Wala akong ibabayad d'yan, Tyrone, ha!" kinakabahan kong sabi habang itinatapak ang paa ko sa mga dapat tapakan.
Humagalpak ng tawa si Tyrone na nakaupo sa shotgun seat. "You won't pay for anything kahit na sumabog pa itong sasakyan ko."
Hinampas ko siya nang dahil do'n. "Bwisit ka talaga! Just teach me and don't laugh at me! Hindi ko maipapangako na hindi ko maibabangga 'to kaya 'wag mo akong subukan!"
Lalo siyang natawa nang dahil do'n. "Love, I love you but don't do that intentionally, please."
Umirap ako sa kan'ya. "Ikaw, eh. Inaasar mo pa ako!"
He laughed again. "Okay, we'll be serious now. Be sure to put on your seatbelt, okay? Familiarize your foot on the pedals. The right pedal is the accelerator and the left is the brake."
Tumango ako at tiningnan ang ilalim kung tama ba ang tinatapakan ko. "Okay. Then?"
Tumingin ako sa kan'ya at napahagalpak ng tawa nang makita ko ang mahigpit na kapit niya sa hawakan sa itaas kahit na naka-seatbelt naman na siya.
"Takot na takot, ah?!" pang-asar ko sa kan'ya.
Ginulo niya ang buhok ko at itinuro sa akin ang mga control sa dashboard, sa handbrake, pati ang pag-adjust ng side mirror at rearview mirror ay itinuro sa akin ang importans'ya.
"Now that you're familiar with the controls, keep your foot on the brake before starting the engine, love." Tumango ako at kinakabahang ini-start ang makina habang nasa brake ang kanang paa ko. "Release the parking brake now."
Ginawa ko ang itinuro niya at ngayon, nararamdaman ko nang mas lalo akong kinakabahan habang alam kong ako ang magdi-drive ng sasakyan niya.
"Then, slowly step on the accelerator."
I was about to step on it but then, he stopped me.
"Slowly, love. Okay?"
Tumawa ako nang tumawa. "Oo nga! Slowly!"
Kinakabahan siyang tumango bago ako hinayaan. Unti-unti kong itinapak ang paa ko sa accelerator at naramdaman ang mabagal na pag-atras ng sasakyan.
"Then?"
"Step on the brake now, slowly din." I nodded. "Then pull the gearstick down to the part where you can drive forward."
Tumango ako at inilagay 'yon sa posisyon na itinuro niya kanina.
"Now, slowly, step on the accelerator. Sobrang gaan na tapak lang, ha?"
I laughed again before I do what he told me. Of course, I will! Alam ko naman na kung ididiin ko 'to, mamamatay kami pareho dahil babangga kami!
The driving tutorial was smooth. Three hours siyang nagpasensiya sa akin at three hours siyang na-torture sa takot na baka magasgasan ko ang pinakamamahal niyang Mazda CX-5!
"Mukhang nagutom ka, ah?" natatawang sabi ko habang kumakain kami sa pinakamalapit na fast food.
Uminom siya sa coke bago sumagot sa akin. "Para akong napagod. I don't know why."
I chuckled. "That's because you're so nervous that I will scratch your car! Tyrone, I won't, okay? Wala akong pambayad."
He chuckled. "Hindi ko naman pababayaran kahit masira mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/240585450-288-k785052.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...