30

213 9 2
                                    

30:



Two weeks before the finals came for our fifth year in college and we became busier than we used to. Aika failed the midterm for compre and she's devastated for that. We studied harder and helped her. Kailangan niyang bumawi sa Finals dahil kung hindi . . . mali-late naman siya g-um-raduate.

"I'm so sorry!" umiiyak na sabi ni Aika nang magkaroon kami ng group study para sa finals dito sa study room ng bahay nila.

Tumawa si Deli. "Gago, ba't ka nagso-sorry?"

"Kasi pati kayo, naaabala ko na," humihikbing sagot niya.

"Hala, anong naaabala?" tanong ni Anna.

"Kaya nga, ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kan'ya bago ko pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko.

"Imbes na nag-aaral kayo nang sarili niyo, heto kayo, tinutulungan ako. Imbes na kasama niyo mga lalaki niyo, nasa akin lahat ng oras niyo." She sobbed again. "I'm really sorry."

"Okay lang 'yon! Mas okay na manatili sa 'yo kung ang kapalit naman no'n ay makakapasa ka," I told her.

"True. Isa pa, nasa apartment lang naman si George. We saw each other everyday."

"Wala na akong boyfriend kaya hindi ko tatanggapin ang sorry mo!" bulyaw ni Deli na siyang nagpatawa sa amin.

Hindi na talaga nagtagal sa lalaki ang isang 'to.

"Sorry pa rin."

"Tsk!" iritang sabi ni Deli. "Okay nga lang! Mas gusto namin dito!"

I smiled at her. "Totoo naman. Mas mahalaga ka pa rin naman sa akin—sa amin. Kaya huwag mo nang isipin 'yon. Mag-aral ka na. Mag-aral na tayo."

Nang makalma na si Aika, itinuloy na namin ang pag-aaral. Minsan nga, sa kanila na ako natutulog para tulungan siya sa ibang lessons. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kay Aika at bumagsak siya sa compre. Siguro, nahirapan dahil hindi na niya tanda 'yung mga nagdaang lessons?

Mahirap nga naman talaga pero hindi ko talaga akalain na babagsak siya.

Umuwi na si Anna sa apartment nila ni George, at si Deli naman sa bahay nila. Ako, naiwan ulit ako rito dahil gusto kong manatili para kay Aika. Baka kasi may itatanong pa siya tungkol sa lessons.

"KC, I'm sorry. Hindi ba nagagalit sa 'yo si Tyrone?" tanong niya habang nagbibihis sa harap ko matapos maligo.

Umiling ako bago nag-iwas ng tingin. "Wala naman siyang karapatang magalit."

"Ohh, akala ko kayo na. I just thought I saw a kiss mark in your neck few months ago."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon.

"Akala ko sinagot mo na."

Nang matapos magbihis, nahiga siya sa tabi ko sabay kuha ng reviewer na ginawa ni Anna para sa kan'ya. Tumingin siya sa akin nang may inosenteng mga mata.

"Hindi pa kayo?"

Napalunok ako bago ibinalik ang tingin sa reviewer. "H-Hindi pa."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumango siya bago tuluyan nang inihiga ang katawan.

"Are you playing with him?"

Umurong ang dila ko sa tanong niya. Parang natuyo ang lalamunan ko at, bigla, hindi na ako makahinga. Bakit naman niya ako cino-corner nang ganito?!

"H-Hindi. W-We're not playing."

"Naku!" sinundot nyia ang tagiliran ko nang may mapanuksong tingin. "Pero may kiss mark! I'm sure kiss mark 'yon!"

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon