14

192 11 0
                                    

14:


I was so clear to him yesterday that I won't entertain anyone anymore. What the fuck is he doing right now in front of my house?

"P'wedeng tumabi ka? Dadaan ako. Tsk," naiiritang sabi ko ngayong umaga.

He laughed. "Good morning din. Tara, sakay ka na sa tricycle."

Umirap ako sa kan'ya bago siya nilampasan. Narinig ko ang pagtunog ng motor, senyales na umaandar na ulit ito. Ilang segundo lang din ay nasa tabi ko na siya, sinasabayan ang paglalakad ko.

"Isasabay na kita, may duty rin ako ro'n."

"Ayaw ko," sinukbit ko nang maayos ang laptop. "May pambayad ako, hindi ko kailangan ng free ride mo."

He chuckled at what I said. Wala na bang ibang gagawin 'to kung hindi tumawa?

"Hindi free. Babayaran mo ako, s'yempre. Ano ka, sinuswerte?"

Napalunok ako at naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang bag ko at hinampas sa kan'ya nang paulit-ulit.

"Aray, aray!" reklamo niya habang tumatawa at sinasangga ang mga hampas ko ng bag sa kan'ya.

"Lubayan mo nga ako!" bulyaw ko sa kan'ya habang naglalakad palabas ng subdivision.

"Tara na kasi," natatawa niyang sabi. "Tara na. Sumabay ka na."

Umirap na lang ako at sumakay na lang ng tricycle na gamit niya, nang matigil na 'to. Ang aga pa para mabwisit ako.

Buong byahe, ramdam na ramdam ko na tumitingin siya sa akin habang nagdi-drive siya, habang ako naman ay pinararamdam ang bwisit ko sa kan'ya sa umaga sa mga simangot ko at paghalukipkip.

Anong akala niya, tatagal siya sa akin? Sa tagal kong nakipaglaro sa iba't ibang lalaki, alam ko na ang mga ugali nila at kung paano sila pasukuin. Now that I'm done playing with men, I will make sure that no one will dare play with me anymore.

Nakakasawa. Pare-pareho lang ng hinihingi.

Binigyan mo ng chance maging kaibigan, they'll kiss you. Then the kiss will became make out. And right after making out with them, they'll ask for sex.

Kung ibinigay ko 'yon sa kahit isa sa kanila, siguradong uulitin lang ang nangyari years ago. Siguradong ako naman ang itatapon nila, kaya mas mainam na ako na lang ang magtapon sa kanila, tutal, mga basura naman sila.

Nang makarating kami sa harap ng NEUST, bumaba na ako at nagbayad sa kan'ya.

"Thank you," he said, smiling like an idiot.

Umirap ako sa kan'ya. "You're the worst. Last mo na 'yan. Huwag ka na ulit lalapit sa akin."

After that, iniwan ko na siyang nakangisi ro'n at tinahak na ang mahabang pathway papunta sa main gate. Ilang sandali pa, naramdaman kong may umakbay sa akin.

"Ang pogi no'n, ah! Sino 'yon?"

Lumingon ako kay Anna para ipakita ko ang bwisit ko sa umaga. Tinawanan niya lang ako. "Makulit na tricycle driver."

Tumawa siya bago ikinawit ang braso sa akin. "Ang pogi namang tricycle driver no'n!"

"Sinong pogi?" rinig kong boses ni George sa likod.

"Manliligaw niya."

Hindi ko na alam kung anong naging reaksiyon ni George do'n pero, s'yempre, hindi ako um-agree.

"Hindi ko manliligaw 'yon. Wala na akong papayagang manligaw pa sa akin o lumapit man lang." I sighed. "Nakakasawa."

Pinakita namin ang ID sa guard bago muling lumakad sa panibagong pathway sa loob ng university, papunta sa department namin.

Unforgotten [Baguio Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon