17:
"Hindi ka talaga marunong makinig!" galit na sabi ni Mama bago naglapag ng soup sa harap ko habang nasa dining area ako. "Sinabi nang huwag magpapagabi!"
"Wala pong masakyan," paliwanag ko bago hinalo ang soup gamit ang kutsara.
"Paano nga, hindi kayo kaagad umuwi!" nagbuga ng malalim na buntonghininga si Mama bago naupo sa harap ko. "Sinong naghatid sa 'yo? Umuwi kang mag-isa?" hindi ako makasagot. "Paano kung bigla kang dinala sa kung saan at gahasain ka? Matakot ka naman, Katrina! Sa panahon ngayon, kailangan mo nang mag-ingat!"
Yumuko ako bago ininom ang soup na nasa bowl sa harap ko. Pagkatapos no'n, nagsalita ako.
"Bakit ako ang mag-a-adjust sa rapist, 'Ma?"
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. "Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin! Ang sinasabi ko lang, mag-ingat ka dahil babae ka! Maraming lalaking masasama ang loob d'yan!"
I pursed my lips before taking a sip on my soup again. "Still, bakit po ako ang mag-a-adjust?"
"Dahil nga babae ka! Babae tayo!"
Napanguso ako. Hindi pa rin nagbabago si Mama hanggang ngayon. Bukod sa pinaramdam niya sa akin noon na bumaba na ang kalidad ko bilang babae dahil lang sinabi kong may nangyari sa amin ni Jeremy, heto siya at sinasabing babae pa ang dapat mag-ingat at mag-adjust.
I sighed. "Laging babae ang mag-a-adjust?"
"Ano?" galit na tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Nagtatanong lang ako."
Hindi na yata siya makahanap ng isasagot sa mga tanong ko dahil nag-walkout na siya habang bumubulong-bulong pa. Pumangalumbaba ako bago kinuha ang cellphone ko at binasa ang mga chat ng mga kaibigan ko sa GC namin.
Virgin MOMOL Girl Anna:
Pusang gala, galet na galet si lolo mo george! sinukahan ko raw siya noong pauwi kami!
Virgin MOMOL Girl Anna:
Good morning, mga virgin!
Napanguso ako sa nabasa. No good morning for someone who's not a virgin anymore, Anna? Natawa ako sa sarili nang mangilid ang mga luha ko sa mababaw na bagay na 'to.
Virgin MOMOL Girl Aika:
Pinagalitan ako ni Manang. No night out daw muna :(
Virgin MOMOL Girl Aika:
Not so good morning from virgin momol girl aika. :(
Virgin MOMOL Girl Deli:
Mabuti na lang at walang babawal sa akin! Bwahaha! Wapakels naman si kuya adam sa gusto kong gawin basta daw wag ko ipapahamak ang sarili ko.
Virgin MOMOL Girl Deli:
Sana all kayo dyan, virgin bitches!
Ibinaba ko na ang cellphone matapos kong mabasa lahat ng pinag-uusapan nila ro'n. Inubos ko na lang ang hangover soup na ginawa sa akin ni Mama at hindi na pinansin ang bawat tunog ng notification dito.
Why do I feel that I don't fit with them? Sobra-sobra na nga 'yung pagpapanggap ko na, virgin din ako tulad nila para kahit papaano, maramdaman ko na parte ako ng pagkakaibigan nila.
But it still wasn't enough.
Napalingon ako sa cellphone ko nang may mag-mention sa akin sa GC. Binuksan ko ang notification at binasa ang message.
BINABASA MO ANG
Unforgotten [Baguio Series #5]
RomanceKatrina Casey Valdez, who hated every man on earth, loves playing around with men and leaving them hanging when she finally saw their desperate faces for her body, until she met Tyrone Kenneth Lopez, who made her feel that she's more than what her e...