Herbilim : Chapter 17

33 2 0
                                    

Jastin's pov

Naglalakad na kami ngayon papunta sa kotse ni Henvy.

Dumaan kami sa likod ng bahay kung saan pumasok sila Henvy kanina kaya nakalabas kami ng wala man lang nakakapansin sa amin.

Hindi namin kasama ang mga babae o nagawang magpaalam man lang sa kanila. Napag-isipan ko rin na mas maganda na siguro kung hindi na kami magpaalam. Alam ko naman na pipigilan nila kami at magagalit sa pagsama namin na ito. Mas mabuti na rin ito para hindi sila mapahamak sa kung ano man ang mangyayari sa pupuntahan namin. Hindi parin kasi ako kampante kahit ilang beses pang sabihin ni father na hindi na manggugulo si Esther.
Lalo na sa pupuntahan namin ngayon. Paano na lang kung kapatid talaga iyon ni Esther at saktong nandoon si Esther? Ano na naman ang mangyayari nito?

"Mauuna na ako. Ako na rin ang magmamaneho," sabi ni Carl na nauna nang maglakad sa amin. Ilang hakbang na lang din naman kasi makakarating na kami sa kotse.

"Ok." Maikling sagot ni Henvy at tumango.

Muli kong nilingon ang mga taong nasa likuran namin.

Tila ata mas lalong dumami ang mga reporters na nasa labas kumpara kanina. Halos iba't-ibang network na ang mga nandito at may kaniya-kaniyang dalang gamit na kinakailangan. Habang ang iba naman ay busy sa kanilang ginagawa. Katulad na lamang ng pagbabasa sa mga papers na hawak nila at pag-aayos ng mga camera.

Medyo malayo na kami sa kinakatayuan nila. At dahil nga busy ang mga ito hindi nila nililipat ang tingin sa paligid na maaari sanang maging daan para makita kami upang ma-interview.

Nalipat ang tingin ko sa tatlong lalaking nakaputi na naging dahilan ng pagsalubong ng kilay ko. "May mga kasama na sila?" tanong ko sa taong nasa tabi ko at inilipat sa kaniya ang tingin. Si Henvy.

Inalis niya ang tingin sa kaniyang cellphone at inilipat ito sa tinutukoy ko kasabay ng paghinto sa paglalakad. "Ah, yung mga nakaputi ba?" tanong niya. "Mga personal assistant sila ni dad."

Lumipat na sa unahan ko si Denver na nasa tabi ko lang kanina habang si Vincent naman ay sumunod na kay Carl na pumasok sa loob ng sasakyan.

"Para mas lalong secured." Dagdag pa niya.

"Hindi ba nila puwedeng paalisin ang mga 'yan?" tanong ni Denver na huminto na rin sa paglalakad at tumingin kung saan kami nakatingin ni Henvy. "Ang alam ko puwede iyon, eh."

"Tumawag na sila ng police kanina at sinabing papunta na nga raw," sagot niya. "Hindi ko lang alam kung bakit parang ang tagal naman ata dumating ng mga police."

Iyon siguro ang kausap ng mga magulang ni Elaine kaya siguro ganoon na lang ang itsura nila kanina dahil na rin sa tagal ng mga police.

"Mga anong oras ba nila kinontak?" tanong ni Denver. "Iyon ba yung dahilan kung bakit kanina pa nila hawak yung cellphone nila?"

"Ang alam ko kanina pa simula ng dumating diyan si Elaine. Ang plano kasi hindi na paparatingin pa ang mga reporters diyan kasi haharangin na agad." Paliwanag niya at inilagay ang cellphone sa bulsa. "Pero hindi lang iyon."

"Hindi lang iyon?" tanong ko.

May iba pa bang nangyari bukod dito?

"Hindi lang iyon," sabi niya. "Kinokontak nila yung owner ng Arthor Tower para sana matulungan sila sa nangyayari."

"Tulong nila?" tanong ko. "Akala ko ba may pagpapatunay na wala tayong kinalaman sa nangyari?"

Kung hindi ako nagkakamali, natatandaan ko yung sinabi ng kuya ni Elaine sa amin. May nakita na nga raw silang makakapag patunay sa nangyaring paglabas namin sa Arthor.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon