Herbilim : Chapter 12

47 6 0
                                    

Jastin's pov


"M-may kumakalampag..." Nakatingin si Mica sa kwarto kung saan namin iniwan si Elaine. "Nang gagaling sa kuwarto.. si Ela-"


"-si Elaine!" Henvy ran into our room and knocked on the door. "Elaine! Open the door! Elaine!"


Para bang sa pagtakbo niyang iyon hindi niya naramdaman ang bawat suntok kanina ni Carl. Hindi lang kasi sa mukha niya tumama iyon kanina, mayroon din sa katawan.


Hindi ko rin naman masisisi si Carl kasi mali talaga si Henvy roon. At katulad nga ng sinabi ko, deserve niya naman iyon.


Kanina habang naglalaro siya parang hindi na sumagi sa isip niya si Elaine at kung ano ang kalagayan nito kahit na sinabi niya kay Carl na alam niya ang gagawin.


Tumakbo na rin sila Vincent at pilit na binubuksan ang pinto. "Bakit naka-lock ba?" tanong ko ng makalapit sa kanila. "Sino ang nag-lock nito?"


"Hindi namin ini-lock ito." Patuloy pa rin si Henvy sa pagpihit sa doorknob. Ang alam ko siya ang huling lumabas ng kwarto kanina. "Saan ang susi niyo?"


"Inilapag ko sa tabi ng laptop," sagot ko. "Hindi ko naman kasi akalain na mangyayari ito. At saka sa sobrang taranta rin kanina nakalimutan ko na."


Wala naman kasing mag-aakala na ganito ang mangyayari. Hindi na rin sumagi sa isip ko na dalhin ang susi. At saka isa pa wala rin naman siguro na naka-isip na mag-la-lock ang pinto.


"Yung duplicate?" tanong ni Denver. "Mayroon tayo 'di ba?" Pumasok siya sa kabilang kwarto. Ang kwarto niya. "Hindi ata kakasya itong susi ng kwarto ko," sabi nito habang binubuksan ang mga lalagyan na nakapatong sa lamesa. Hindi niya ata natandaan kung saan niya nilagay ang susi niya.


Ang kwarto kasi kanina kung saan kami pumasok at nanuod ng mga record ng cctv ay ang kwarto ko. Since malaki iyon, minsan doon na rin pumipirmi ang dalawa.


"W-wala ba kayong duplicate?" Patuloy pa rin sa pagkatok si Henvy. "E-elaine? Elaine!"


Kung titignan siya ngayon halata sa itsura niya ang pag-aalala na hindi nakita sa kaniya kanina habang naglalaro kami ng Ouija.

Hindi ko maintindihan ang taong ito kung bakit pabago-bago ang pagkatao niya.


"Nasa cabinet Jas! Sa kusina!" Utos ni Vincent. "Dalian mo!" Binuksan niya ang maliit na drawer malapit sa pinto ng kwarto. May mga electric tools kasi kaming nakatago roon. Balak na ata niyang sirain ang pinto.


"B-baka.. nasa katawan na naman ni Elaine si Esther!"


Hindi ko na sila pinakinggan sa halip dumiretso ako sa kusina kung saan tinago ni Vincent ang susi.


Hindi ko talaga maitindihan kung bakit biglang nakasara iyon. At katulad nga ng sinabi ni Henvy hindi nila ila-lock ang pinto. At sigurado rin naman akong nagsasabi siya ng totoo.

At isa pa, ayokong isipin na gawa ito ni Esther pero hindi ko mapigilan.


"Saan bang cabinet dito?" tanong ko sa madilim na silid. "Hindi naman sinabi ni Vincent kung saang cabinet." Hindi kasi ako madalas pumupunta sa unit. Si Vincent lang ang madalas dito lalo na kapag ayaw niyang umuwi sa kanila kaya hindi ko talaga kabisado kung saan nila pinaglalagay ang mga gamit. "Sa pangatlo ba?" Pero ang alam ko kasi hindi basta-basta naglalagay si Vincent sa madaling makikita. Saka hindi rin naman kasi namin madalas gamitin ang mga susi. "Wala naman dito?"

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon