Herbilim : Chapter 14

60 5 0
                                    

Timeline :

Makalipas ang limang oras ng pagkamatay ni Elaine.

----------------------

----------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jastine's pov


"Mag-iingat ka," sabi ko kay Mica nang bumaba na siya sa kotse.


Bahagya naman itong tumawa at tinuro ang nasa likod niya. "Nandito na ako sa bahay ko. Anong mag-iingat?" tanong nito sa akin.

"Bakit hindi ba puwedeng mag-ingat kahit nasa bahay na?" Balik na tanong ko sa kaniya at kunwaring nainis. "Pumasok ka na nga."

Umiling siya habang nakangiti. "Pero maiba nga tayo. Pupunta ba tayo sa burol daw ni Elaine?" tanong nito. "Akala ko i-cre-cremate na lang ang katawan niya?"

"Hindi ata pumayag ang daddy ni Elaine. Lalo na't hindi niya nasaksihan ang mga nangyari sa anak niya o sa nakita ito sa huling bago ito mawala. Ang alam ko hindi ata naniniwala," sagot ko sa kaniya.

"Pero ok lang ba iyon?" tanong nito. "Hindi maganda ang nangyari sa katawan ni Elaine. Baka mahirapan ang mag-aayos dito."

Matapos kasing bawian ng buhay si Elaine may dumating agad na ambulasya tapos non sumama kami sa hospital at dineklara ngang dead on arrival si Elaine. Matapos balutan ng plastic si Elaine at lagyan ng tali ang katawan, diniretso na siya sa Freezer.

Masyadong naging malala ang nangyari sa katawan niya. Halos lumaypay ito at halos bali ang mga buto. Lumitaw na rin ang mga pasa niya sa katawan na kanina lang nakita. Nakita na rin ang mga iba pang mga hiwa sa katawan o sugat. Lalo na ang napaka-lalim niyang hiwa sa leeg.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Bukas natin malalaman kapag pumunta na tayo." Dugtong ko. "Ang alam ko aasikasuhin agad ang katawan ni Elaine para maiburol na at mailibing sa lalong madaling panahon."

Pero- kailangan ko munang isang tabi ang tungkol kay Elaine. Dahil may mas kailangan akong asikasuhin ngayon pagka-uwi ko.

Isang buong araw pa lang ang lumilipas simula ng pinauwi kami dahil nangyari sa WU.

Isang araw- maaari kayang nalaman na nila mommy kung kaninong finger print ang nakita nito roon?

Alam na kaya nila kung sino ang gumawa non sa mga pusa?

At higit sa lahat, paano kaya napunta si Yuan sa ganoong lugar?

Sino kaya ang nakakita?

Matutuloy kaya ang isasampang case nila Ms. Garcia?-

"Jas?!"

Nabalik ako sa aking sarili ng marinig ang medyo malakas na tawag sa pangalan ko.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon