Herbilim : Chapter 16

58 1 0
                                    

Jastin's pov


"Kapatid niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sigurado kayo? Paano niya nalaman na kapatid ni Esther iyon?"

Paano nila nalaman? May patunay bang kapatid niya iyon?

"Iyon ang sabi sa amin ni Father Paul," sagot ni Carl. "Hindi ba kayo nagtataka kung paano at sino ang nakahanap sa sinasabi naming kapatid ni Esther?"

"So, si Father Paul ang naghanap?" Patanong na sagot ni Denver. "Pero, bakit niya hahanapin? Hindi ba't sinabi niya na tapos na? Hindi ba't ok na? So, bakit pa siya mag-aabalang hanapin ang kapatid ni Esther kung hindi na ito manggugulo?"

"Sa totoo lang, wala naman talagang balak hanapin ni Father Paul iyon. Ang gusto lang talaga niya noong una ay dasalan ang hinihinala niyang lugar kung saan galing si Esther."

"Hindi rin naniniwala si father na sa Arthor na mamalagi si Esther?" tanong ni Vincent. "Pero wala akong natatandaan na may sinabi kayo kay father tungkol sa Calon?"

At natatandaan ko hindi rin naman nagtanong si father kung may idea ba sila Henvy kung saan maaaring nakuha ito ni Elaine. Ang natatandaan ko lang na sinabi at tinanong niya noong gabi na iyon kung bakit daw naglaro ng Ouija at kung hindi raw ba kami naniniwala sa Diyos.

"Halos kahalating oras na ang lumipas simula ng umuwi kayo. Nakaupo kaming dalawa ni Carl non habang hinihintay nga ang katawan ni Elaine kasi inaasikaso nga ng pamilya niya. Nagulat na lang kami ni Carl ng may biglang umupo nga sa tabi namin at si father nga iyon kaso wala sa tabi niya yung assistant niya. Tinanong niya kami no'n kung matagal na ba kaming naglalaro ng Ouija at sinagot nga namin ni Carl ang mga tanong niya."

Flashback

Henvy's pov

"Ilang oras pa kaya bago matapos ang katawan ni Elaine?" tanong ni Carl habang nakatingin sa kaniyang relo.

"Puntahan na kaya natin sila? Baka may problema na?" tanong ko.

Mag-iisang oras na kasi simula ng sabihin ng mommy ni Elaine na aasikasuhin nila sandali ang katawan ni Elaine para maayos na agad at puwede ng maiburol bukas.

Pero, wala pa rin kaming balita sa kanila hanggang ngayon. Hindi naman kami basta basta makaalis ni Carl dito kase nasa loob ng kuwarto si Elaine. At oo, hindi pa inaalis ang katawan ni Elaine sa kwarto kung saan nakaupo kami sa labas ni Carl. Hindi ko lang alam kung bakit. Wala akong idea pati na si Carl kung ano ang dahilan. Pero, ang alam namin ni Carl na puwede nang dalhin ang katawan ni Elaine sa morgue habang inaasikaso nila ito.

Ang gusto kasi mangyari ng pamilya ni Elaine maasikaso agad ito at sa loob ng tatlong araw lang ang burol. Gusto nilang maging private lang ang burol at libing nito. Hindi rin nila pinaalam sa mga kamag-anak ang tunay na nangyari kay Elaine. Hindi ko alam kung ano ang sinabi nilang cause of death ng kanilang anak at hindi ko na rin tinanong. Ayoko munang banggitin ang pangalan ni Elaine sa kanila lalo na sa kaniyang ina.

Alam naman natin na ang ibang nasa morgue halos 24 hours bago nakuha ang katawan o minsan pa nga ay umaabot ng isang araw. Kaso ang gusto talaga nila ay mamayang 6am to 8am ay maidala na si Elaine sa simbahan.

Tinignan ko ang cellphone ko para makita ang oras. 1:30am na ngayon. Maaasikaso kaya nila agad?

"Oh, Father Paul?" Rinig kong sabi ni Carl kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin siya sa gawi ko.

Nilingon ko ang gilid ko. "Oh, father? Bakit nandito pa po kayo?
Umuwi na po kayo kasi anong oras na po," sabi ko. "Wala na po ba kayong kasama?"

"Kinausap kasi ako ng kapatid ata ni Elaine iyon at may mga tinanong sa akin kaya pinauna ko na ang kasama ko. Pauwi na rin naman ako." Umupo siya matapos sabihin iyon. "May gusto lang din akong itanong sa inyo kaya nilapitan ko kayo."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon