Herbilim : Chapter 13

46 5 0
                                    

Jastin's pov


"Do you think prayer has ability against me?"


Kaagad kong binaba ang tawag ng marinig na muling nagsalita ito.


"You can't get her!"


Hindi ko na alam ang gagawin ko matapos ilagay ang cellphone sa bangko kung saan ako malapit.


Hindi ko alam kung ano pa ba ang maitutulong ko sa kanilang dalawa.


Kahit na sabihin nating naiinis ako sa ginawa ni Henvy habang naglalaro kami gusto ko pa rin siyang tulungan.


Sa totoo lang.. puwede naman kaming maging maka sarili at lumabas rito para iwanan sila dahil sa tingin ko wala naman kaming kinalaman sa mga nangyayari ngayon.


Kaya lang hindi namin magawa..


"I will not come out to this girl!"


"Henvy, ano nang gagawin natin?" takong ni Carl sa kaniya. "Kailangan maibaba natin si Elaine riyan!"


Halata sa mukha ni Henvy ang pagkalito. Natataranta na siya sa nangyayari... Mukhang hindi na niya alam ang gagawin.


Bigla ko na naman naalala ang sinabi ni Mica sa kaniya kanina. Kung sana hindi siya nagpadala alam na niya o namin ngayon kung ano ang gagawin. Baka sa ngayon pasamantalang lumayo si Esther sa katawan ni Elaine habang ginagawa ang pinagagawa nito.


"Ayoko na makipaglaro! Gusto ko ang katawan na ito!"


"Hindi puwede Esther! Umalis ka sa katawan ni Elaine!"


"Gusto niyang kasama ako!!"


"She wouldn't say that!"


"Henvy—!!"


"Leave her—!"


Kaya lang.. may isang napakabilis na bagay ang nalaglag sa pader na naging dahilan ng pagtigil ng ingay sa paligid ko at ang pagkagulat ni Henvy...


Bumaba si Esther sa itaas at hinarap si Henvy at muli na namang ngumiti ito ng isang nakaka pangpataas balahibo. "Gusto niyang makasama ako," aniya niya nito.


Biglang nawala ang atensyon ko kay Henvy ng napainda ako ng bahagya dahil sa pagbangga sa akin na nagmamadaling si Carl. "Tulungan mo ako Jas!" Inabot niya sa akin ang tali na para bang hindi niya napansin ang pagbangga nito sa akin.


Kaagad ko naman itong kinuha at binato kila Denver na agad din naman nilang nasalo.


"Ano ang gagawin natin?" tanong ni Vincent habang inaayos ang taling hawak niya. "Tingin niyo matatalian natin siya ng ganiyang lagay?"


"Ano bang tinutunganga ninyo diyan?!"


Muling kong binalik ang atensyon sa dalawang taong nasa harap namin ngayon dahil sa tanong ni Henvy.


Hawak na pala niya sa magkabilang balikat ang katawan ni Elaine na pilit kumakawala sa kaniya.


Halata rin sa mukha ni Henvy na nahihirapan siya sa lakas na ginagawa ni Elaine.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon