Herbilim : Chapter 23

10 1 0
                                    

Josephine's pov

Sariwang hangin ang aking nalalanghap.

Maaraw pero hindi naman sobrang sakit sa balat.

Hindi rin bababa sa sampung kubo ang nasa paligid ko.

May mga halaman rin na hindi naman katangkaran at mga bulaklak na iba't-ibang kulay.

"Anong mayroon?" tanong ko sa kaniya ng makarating ito sa tabi ko.

Nasa rooftop ako ngayon ng Wilson University sa engineering building at kasama si Felix.

Bigla niya akong tinawagan kanina para papuntahin dito, at sakto naman ang tawag niyang iyon kasi nasa Wilson ako kaya madali akong nakarating dito.

"Ano na ang balita sa mga anak natin?" tanong nito sa akin. "Nakausap mo na si Jastin?"

"Hindi ko pa rin siya makontak." Muli kong tinignan ang cellphone ko. Halos nakaka isang daan tawag na ako pero wala ni-isa roon ang sinagot ni Jastin. Hindi ko rin alam kung nasaang lupalop naroroon ang batang iyon. Nag-away na rin kami ni Darren tungkol dito kaya nga umalis ako sa bahay at pumunta na lang sa Wilson para mag-asikaso ng mga papers na kailangang pirmahan. "Nagtalo na rin kami ni Darren dahil sa nangyari. Pinagtanggol ko kasi si Jastin sa ama niya."

Alam naman namin ni Darren na walang kinalaman ang anak namin sa nangyaring murder sa Arthur Tower pero hindi pa rin namin naiwasang mag-away tungkol dito dahil sa ama niya. At siyempre hindi ko rin maiiwasang mapagalitan si Jastin dahil dito.

Panibagong issue na naman ang binabato sa Wilson dahil sa nangyari at sinasabi nilang maaaring may kinalaman si Jastin pati ang mga kaibigan nito sa nangyaring murder.

Dinadamay na nila roon ang Wilson. Sinasabi nila na pamilya kami ng mga killer kasi baka raw kami ang dahilan sa mga nangyayari sa Wilson. At isa raw sa patunay rito si Jastin dahil daw baka may kinalaman ito sa murder na nangyari.

"Hindi ko rin matawagan si Denver." Inilagay niya ang kamay sa bulsa at sininandal ang likod sa balcony. "Pero sigurado akong ligtas naman ang mga iyon, baka nasa burol ng anak ng Gavin."

Noong gabi na umuwi si Jastin at amoy malansa siya pati na rin ang dugo sa mukha dapat pala tinanong ko na kung saan galing iyon. Lalo na noong mabalita ang Arthur Tower. Masyadong na focus ang isip ko tungkol sa pagkakita kay Yuan.

Pakiramdam ko tuloy hindi ko na masyadong naaasikaso ang anak namin dahil sa mga nangyayari.

"Malaki ang tiwala ko sa anak ko." Nakatingin lang ako sa cellphone ko na para bang hinihintay na mag-respond si Jastin sa mga txt at tawag ko. "Alam kong wala siyang kinalaman doon."

"Alam ba ni Darren na pumasok si Jastin sa bahay niyo na ganoon ang itsura?"

Umiling ako. "Hindi." Mabilis na sagot ko rito. Binanggit ki nga pala iyon kay Felix ng maibalita ang Arthur Tower Murder at 12th Floor. "Sinabihan ko na rin ang mga katulong na huwag babanggitin kila Darren baka mas lalong magalit kasi ang ama nito kay Jas."

"Si Denver kasi sandali lang sa bahay nun at umalis na may bitbit na bag. Hindi rin naman natanong ng asawa ko kung saan ito pupunta kasi nagmamadali—"

"Sa bahay sila natulog at umalis din ng mga ala-singko ng umaga." Pagputol ko sa kaniya.

Matapos kong sabihin iyon hindi naumimik si Felix kaya inilipat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko rito. Malayo ang tingin niya. Halata sa mukha niya na may mga gumugulo sa isip niya. Si Denver kaya? Pero tingin ko hindi naman.. kasi kakasabi lang niya kanina na alam niyang safe ang mga ito. "Malalim ata ang iniisip mo?"

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon