Herbilim : Chapter 4

410 164 116
                                    

Mica's pov

It's already evening. We're here in the unit of these three idiot. Naka-upo lang kami sa sofa habang 'yong iba inaayos ang pagkain na inorder namin.

Hindi pa rin namin alam kung bakit ba kami nila pinapunta rito. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nila sinasabi.

I don't know... If it's just me.. or not.. but.. I feel something strange here...

When I entered in this floor... The presence.. napaka-bigat.

As if someone lives here... Mukhang galit ito... Itim na aura ang binabalot sa kaniya.

Para bang pinagmamasdan niya ang bawat tao rito.. kung ano ang ginagawa't gagawin.

I can't even tell them... Ayoko silang takutin.

Napahawak ako bigla sa dibdib ng may biglang tumabi sa akin. "Keli! Nakakagulat ka naman eh! Bakit ka ba biglang natakbo?!" Sa ganitong sitwasyon ba naman kung kailan ako nag-iisip ng mga ganitong bagay?

"Buksan niyo ang t.v!" Pag-uutos niya na hindi man lang pinansin ang tanong ko.

Kinuha naman ni Vincent ang remote sa mini table at takang-taka sa itsura ng girlfriend niya habang nakatingin rito. "Bakit parang nagmamadali ka?" tanong nito.

"May trending kasi! Nawawala raw si Bren! Iyong isang model na nag-aaral din sa Wilson!" sagot nito habang tumitingin sa cellphone. "Nasa.. news daw.."

"Talaga?"

Binuksan ni Vincent ang t.v matapos marinig iyon. Naupo na rin sa tabi ko si Jas at si Zia. "Pati iyong basketball player daw nakita rin na patay na.." Nakatingin na rin si Zia sa cellphone niya. Sa twitter ata nila nalaman.

"Baka wala naman? Wala namang news—" Hindi na nga natuloy ni Denver ang sasabihin ng may bigla na lamang lumabas na isang 'Exclusive news' sa t.v.

Nakita na nga po ang isang basketball player na si Yuan na nasa gilid ng isang abandunadong parte ng lugar na ito. Nakita itong putla na at walang buhay. At ang pinagtataka nila eh bakit raw nakarating ang binata rito?

Huli siyang nakita gabi ng disyembre ados sa 'Wilson University' para sa practice at hindi na nakauwi pa.

Kung mapapansin niyo sa cctv, pumasok ang binata sa locker room nila at hindi na nakitang lumabas pa.

Kaya ang pinagtataka nang karamihan. Paano raw napunta rito ang binata?

Pilit namin kinukuha ang pahayag ng eskwelahan—

"Bakit mo pinatay?!" Inis na tanong ni Keli kay Jas.

Nakakunot ang noo ni Jas habang nakatingin sa t.v. "Hindi magandang balita ito. Lalo na't hindi umabot ng isang linggo." Hinagis niya ang remote sa sofa matapos iyon.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Wala." Mabilis na sagot nito. "Hindi naman talaga maganda ang mangyayari kung natagpuan siyang patay na 'di ba?" Tumayo siya at lumakad paalis habang inilalabas ang cellphone mula sa bulsa.

"Saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot sa tanong, sa halip inilapat niya ang kaniyang cellphone sa tainga at pumasok ng sa kusina.

"Baka may importanteng tatawagan?" Patanong na sabi ni Denver. "Baka sila tita? Makikibalita kung ano na ang nangyayari?"

"Pero si Bren nawawala?" tanong ni Zia kay Keli. "Hindi ko makita sa twitter."

Imbis na sumagot sa tanong ni Zia kinuha ni Keli ang remote sa sofa. Kaya lang, pipindutin pa lang sana niya ito nang pigilan siya ni Vincent.

"Wag mo na lang buksan Keli," Pagpigil nito. "Mas okay siguro kung panuorin mo lang ang reply sa inyo. Wag sa harapan ni Jas."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon