Herbilim : Chapter 7

16 1 0
                                    

Mica's pov

Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya habang seryosong nag-iisip.

Halata sa itsura nito na pilit niyang inaalala kung sino o saan man lang ba niya ito nakita.

Pero.. ilang minuto na ang nagdaan wala siyang naibibigay na pangalan sa amin.

"Galawin mo kaya?" Mungkahi nito. "Kailangan mapansin niya para tumingin siya rito." Hinawakan niya ang mouse. "'Di ba nagagalaw itong cctv natin?"

Kanina pa kasi pinipilit ni Denver na kilala niya ang babae na nasa labas ng kuwarto.

Habang si Jas naman at Vincent hindi pinapaniwalaan ang sinasabi nito.

Sino nga bang hindi maniniwala sa kaniya?

Naalala ko kasi na sa ilang buwan ko pa lang sila kilala medyo kabisado ko na ang ugaling mayroon sila.

Lalo na itong tatlong lalaki na ito. Hindi sila ganoon kahilig makipag kaibigan lalo na sa mga babae. Hindi naman sa takot sila sa mga girlfriends nila pero napag-alaman ko kasi base na rin kay Jas na hindi talaga sila palakaibigan— lalo na sa mga babae.

Kung sa bagay, sa Wilson University nga kami lang naman tatlong babae ang madalas kinakausap ng mga ito. Pero ang maganda naman sa kanila hindi sila suplado hindi katulad ng iba. Sila kasi once na kausapin mo kakausapin ka nila pero may limit nga lang.

"Saan mo ba nakita iyan?" tanong ni Vincent. "Baka ikaw lang ang nakakakilala? Ikaw lang naman ang nagpupumilit eh."

"Baka mamaya kapag napansin pa niyang ginagalaw natin yung cctv baka mas lalong magwala iyan sa labas." Tinuro ni Jas ang screen ng laptop. "Tignan mo nag-uumpisa na naman siyang maglakad."

Nag-sisimula na naman kasi siyang maglakad pakaliwa't kanan pero hindi lang iyon, mas nakakatakot ang ginagawa niya ngayon.

"Ano na naman ang ginagawa niyan?"

Habang hinahakbang kasi nito ang kaniyang paa nasa dingding ang isang kamay niya at base sa nakikita namin ngayon kinukutkot niya ang dingding ng kuwarto.

"H-hindi ko alam kung mas matatakot ba ako rito kaysa sa pagkanta niya kanina.."

Nakayuko pa rin ito habang ginagawa niya iyon.

Para bang baliwala sa kaniya ang nasa paligid niya— parang ang gusto lang ata niya ay ang makapasok.

"A-ano na ang gagawin natin?" tanong ko. "Mukhang.. hindi na ata maganda ang n-nangyayari."

"'Yong sinasabi ko nga." May pinindot si Denver sa keyboard sa part ng typing keys. "Seryoso ako rito."

"Wala ni isa sa amin ang nagsasabing nagbibiro ka," sagot ni Jas. "Pero kasi, kanina ka pa nagsasabi na kilala mo pero hanggang ngayon wala kang naaalala."

"Paano ko maaalala eh hindi ko nga nakikita ang mukha?" tanong ni Denver sa kaniya. "Ako nga ang uupo. Alis diyan!"

Agad naman na tumayo si Jas. "Denver para sabihin ko sayo katawan lang naman 'yong naaalala mo. Maraming nagkakamali sa bagay na iyon."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon