Herbilim : Chapter 9

313 132 122
                                    

Jastin's pov


Bumukas na ang pinto. Nasa harapan na namin siya ngayon.


Isang babaeng hindi na namin gaano makilala dahil sa itsura. Nakayuko ito at natatakpan ng buhok ang kanyang mukha. Napakaraming sugat nito sa katawan at halos mawala na ang kulay puti sa damit niya dahil sa dugo.


Hindi kami makakilos sa kinakatayuan namin. Para bang biglang nawalan ng buhay ang mga paa at isip namin. Walang pumapasok sa isip ko ngayon kung ano ang dapat gawin. Tulad nga ng sinabi ko hindi ako handa rito. Hindi kami handa sa ganito.


Nakakaramdam ako ng lamig ngayon. Parang binuhusan ang katawan ko ngayon ng napakalamig na tubig. Pero hindi— hindi lang iyon. Alam ko sa sarili kong hindi lang iyon ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon ito at alam kong nangingibabaw ngayon ay ang takot.


Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. "W-wala pa ba sila Keli—"


Natigil ako sa tanong ng makitang nagsimula na itong humakbang papalapit sa amin. Dahan-dahan niyang inihahakbang ang mga paa.


Hindi malapit sa pinto ang kama pero hindi rin naman sobrang layo. Hindi rin malaki ang kwarto kaya wala kaming tatakbuhan kundi ang labas lang.


Hindi rin naman kami kakasya sa cr. Hindi iyon malaki at kahit na magtago pa kami alam kong susundan pa rin niya kami roon.


Naibalik ang atensyon ko sa kaniya ng marinig itong bumubulong.


Sa kanya ba talaga nanggagaling iyon? Bumubulong kasi ito sa hangin. Hindi ito maiintindihan pero ramdam mo sa bawat bulong niya ang galit.


"Tingin niyo si Elaine talaga iyan?"


Alam kong mahirap paniwalaan. Mula sa kinikilos nito hanggang sa itsura. Kahit ako ayokong maniwala na si Elaine ang nasa harapan namin. Kahit nga kanina nung mga oras na pinagpipilitan ni Denver na kilala niya ito. Hindi man lang pumasok sa isip ko ang pangalan niya.


Pero ang nakakapagtaka lang talaga kung bakit dito pumunta si Elaine? Kung hindi naging maganda ang resulta ng ginawa nila bakit dito pa siya pumunta? Wala naman kaming kinalaman sa mga ginawa nila?


At saka maaari kayang si Elaine ang tinutukoy nilang dahilan kung bakit nagkakagulo sa building na ito?


Tumingin ako sa pinto. "Tumakas na kaya tayo?" Mungkahi ko. "Bukas na ang pinto. Mas magandang umalis na tayo rito."


"T-tingin mo makakaalis tayo?" tanong ni Vincent. "Di ba ang sabi nagkakagulo raw sa labas?"

"Paano kung siya pala ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa Arthor?"


"Pero hindi natin pwedeng iwan si Elaine," Hindi pagsang-ayon ni Denver. "Parating naman na sila Henvy."


Binitawan ko si Mica at tumingin sa kanya. "Ano bang gusto mong mangyari?" tanong ko rito. "Manatili rito para hindi iwan si Elaine o iligtas sila Zia? Hindi porket aalis tayo sa unit iiwan na natin si Elaine! Kailangan natin unahin ang kalagayan nila Mica! Isipin mo na lang yung girlfriend mo! Pwede tayong bumalik kapag nailabas na natin sil—"


"V-vincent!!"


Bigla akong natigil dahil sa malakas na sigaw ni Keli.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon