Herbilim : Chapter 21

15 1 0
                                    

Jastin's pov

Halos isang oras na ang lumipas matapos sabihin ni Henvy na muling tumawag sa kaniya si father at mukhang pinamamadali kami nito.

Ano kaya ang dahilan?

Kakahinto lang ng kotse. Nasa tapat kami ng isang papasok sa baryo— baryo ng Calon.

Wala gaanong nakatira rito since province na siya. Medyo magkakalayo ang mga bahay. At ang alam ko, ang ibang nakatayong bahay rito ay wala ng nakatira. Yung iba kasi nasa manila na at iniwan nga itong tinitirhan nila.

Nahahati na rin sa tatlong daan ang Calon ngayon hindi katulad ng dati. Kumbaga tatlong street ang naririto.

Isang nasa gitna kung saan daw pumunta sila Carl ayon sa kaniya bago mangyari ang nangyari kay Elaine.

Isang nasa kaliwa at kanan.

Ibinaling ko ang tingin ko sa daan kung saan ako malapit nakaupo sa kotse.

Wala akong masyadong naaaninag na bahay hindi katulad sa kabila.

Sa kanan kasi halos makikita mo ang mga bahay na nakatayo sunod-sunod. May mga bato at kahoy na bahay.

Alam naman natin na bihira ang mga batong bahay lalo na sa ganitong lugar o province.

Ang ibang bahay rito halatang luma na at wala na atang nakatira.

Siguro, napabayaan na nga.

Medyo mapuno rin ang paligid namin. Hindi ko nga lang alam kung mahangin ba sa paligid. Hindi ko kasi binaba ang bintana ng kotse. Ganito nga talaga siguro sa mga bandang probinsya pero ang nakakapagtaka wala man lang akong masyadong nakikitang mga ibon sa paligid.

O sadyang nagbabago lang talaga ang panahon natin.

Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito.

Tanda ko noon ng makapunta kami rito nila Denver ng hindi sadya. Hindi para gawin ang mga ginagawa namin ngayon kundi sa sobrang libang at hindi namalayan.

Halos kakasimula pa lang kasi ng klase noon sa first year high school nang tumakas kami nila Denver sa Wilson University para lang sana pumunta ng mall. Cutting classes nga kumbaga. Pero dahil ako ang apo ng may-ari ng eskwelahan, malakas ang loob kong gawin iyon.

First time kong sumakay nang bus non habang yung dalawang kasama ko naman na alam yung daan, nakatulog. Hindi rin naman ako nagtaka sa haba ng byahe dahil sa libang na nakikita ko sa daan. Pero, ang hindi ko lang alam kung bakit hindi napansin nila Denver kung saan papunta yung bus na sinakyan namin.

Akala ko nga noong una sinadya talaga nilang sumakay kami roon. Dahil noong mga unang araw na napagdesisyunan naming mag-mall binabalak ng dalawang kasama ko na pumunta sa Cebu ng ilang araw at hindi magpaalam sa mga magulang namin.

Pero, hindi pala.

Alam kong hindi rin nila akalain na makakapunta kami rito noong mga araw na iyon.

Hindi rin naman kami kaagad siningil ng kundoktor nung mga oras na iyon kasi ang nangyari saka lang kami binigyan ng ticket at kinuha ang bayad namin noong huminto na ang bus.

At paggising nga ng dalawang kasama ko nasa Calon na nga kami.

Wala na rin naman magawa sila Denver pagkababa namin ng bus. Konti lang ang dala naming cash non at hindi sasapat sa pamasahe pabalik. Kaya wala kaming magawa noong mga oras na iyon kundi maglibot habang hinihintay ang susundo sa amin.

Buti na lang, may signal noong mga oras na iyon kaya nakatawag pa kami sa manila.

Ang pagkakatanda ko hindi ganito ang Calon noon. Halos may mga tao pa ang bawat bahay na naririto. Medyo maiingay pa ang paligid at hindi ka matatakot sa daraanan mo. Pero ngayon.. ibang-iba na ang Calon. Halatang wala nang nakatira sa ibang bahay ngayon dito. Hindi na rin ganoon kaingay ang paligid na pinapaingay ng mga batang naglalaro sa lansangan. Buti na lang at may liwanag pa ng makarating kami rito.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon