Special Chapter : The Exorcism of Elaine Sky

262 88 116
                                    

Carl's pov

Idinilat ko na ang aking mata matapos kong bigkasin ang Opening Prayer para sa ouija.

Friday ngayon, alas-tres ng madaling araw.

Saktong Devil's Hour namin na isipan gawin ito. At para mas exciting, pinagplanuhan na talaga naming gawin ngayong biyernes.

Napangisi ako ng bahagya ng makaramdam nang kakaiba sa aking paligid.

Ang haka-haka kasi, kaya raw pinagbibili ang bawat unit sa mababang halaga ay may kakaiba raw nangyayari rito.

Naniniwala rin sila na habang binubuo ang gusaling ito ay may binabaon daw na katawan ng mga tao. Dugo nila sa bawat parte upang pangpatibay ng building na ito.

At naniniwala rin kaming totoo iyon. Ayon sa unang panahon, ginagamit talaga ang bagay na iyon para sa pangpatibay nga ng mga binubuo nilang gusali, tulay o kahit ano pa.

Ang sabi rin nila, ang mga kinukuha raw o ibinabaon dito ay may mga buhay na patapon na. Madalas sa mga lansangan, pulubi o yung mga batang naggagala lamang.

Ginagawa nila ay binibili o binabayaran ang mga kamag-anak nito kapalit ang kanilang buhay.

May nakapagsabi rin sa amin na may isang batang babae raw na nakita rito sa building at laging umiiyak. Nagpapakita raw ito sa bawat tao'ng bago rito at humihingi nang tulong. Lagi raw kinakatok nito ang lupa at sinasabing nasa ilalim daw siya.

At ang mas nakakatakot pa roon, bigla na lamang magbabago ang itsura nito, mangingitim ang mga mata at gugulatin ka.

At ang mas nakakatakot pa roon, bigla na lamang magbabago ang itsura nito, mangingitim ang mga mata at gugulatin ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang creepy.

Hindi ko alam kung kailan pa kami nahilig sa mga ganito.

At siyempre, mawawala ba ang gustong-gusto kong i-try simula noon pa?

Ang pagtapat sa salamin ng 3am habang may hawak kang kandila at ang pagtawag kay bloody mary.

Kailan kaya maiisakatuparan iyon?

"Sigurado ba kayo rito? Devil's Hour ito," tanong sa amin ni Elaine.

Ningisian ko lang siya. "Ikaw ang nag-suggest nito. Kaya, bakit hindi natin itutuloy, hindi ba?" balik na tanong ko. "Ang idinagdag lang namin ay ang araw kung kailan natin ito gagawin."

Inirapan niya ako. "Oo na." Inilipat niya ang tingin kay Henvy. "May magagawa pa ba ako? Eh, nandito na rin naman."

Tumawa lang ng bahagya si Henvy na sapilitan sinundo siya. "Let's start this," sabi nito.

I clear my throat before I begin. "Is there anyone with us?"

Ilang sandaling tumahimik. Walang kumibo, at waring inaantay ang paggalaw nang planchette.

Kaso, ang nakaka pagtaka hindi ito gumalaw kahit na bahagya.

"Hindi gumalaw," sabi ni Henvy, "maniniwala na ba akong isang haka-haka lang ang devil's hour na ito?"

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon