Herbilim : Chapter 24

9 1 0
                                    

Jastin's pov

"Anong sinasabi mong sapa?" tanong ni Henvy sa akin ng sandali silang tumigil sa usapan. "Wala naman kaming naririnig na tubig?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya. "Pakinggan niyo kasing mabuti. Wag muna kayong mag-ingay." Utos ko sa mga ito at turo sa isang puno na may butas ang gitna. "Banda roon. Hindi niyo ba naririnig?"

"Wala talaga kaming naririnig," sagot ni Denver. "Baka naman akala mo lang tubig ang naririnig mo pero mga huni pala ng ibon?"

"Kailan pa naging magkapareho ang huni ng ibon at ang tubig?"

"At saka paano naman magkakaroon ng mga bata rito sa loob?" tanong naman ni Vincent. "Wala nga tayong nakitang mga bata na nasa labas kanina nang pumasok tayo rito sa Calon."

Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila sa akin at lumakad na lang ako papunta sa punong tinuro ko kanina.

Muli kong inilagay ang isang daliri sa labi ko ng makarating doon kasabay ng tingin sa kanila upang maging senyales na wag silang maggagawa ng kahit anong ingay.

Matapos iyon maigi kong pinakinggan ang narinig ko kanina kung tama nga ba ako o guni-guni ko lang.

Pero..

May tubig talaga akong naririnig.

A-agos ng tubig..

At katulad nga ng sinabi ko kanina na para bang may mga bata na nandoon habang naglalaro.

Mahina lang, pero.. naririnig ko ang mga tawanan nila.. at para bang nagtatampisaw sila ng tubig.

Sinensyasan ko silang lumapit gamit ang kamay. "Pakinggan ninyong mabuti," sabi ko sa mga ito ng makarating sa tabi ko. "May mga batang naglalaro."

Agad naman nilang sinunod ang sinabi ko at pinakinggan nga ito.

Pero maya-maya lang medyo lumayo sa Carl kay Henvy. "Seryoso ba ito?" Halata sa mukha niya na para bang naguguluhan. "Pero paanong magkaka-sapa rito? Noong pumunta kami nila Elaine rito wala naman kaming nakitang sapa. Ang tanda ko pa nga nun nagtanong pa si Elaine sa owner ng bahay na pinuntahan namin kung mayroong sapa rito o ilog man lang kasi balak sana naming maligo pero ang sabi niya wala raw. Nasa kabilang bayan pa raw iyon."

Iyon din ang alam ko..

Kasi kami rin.. at tandang-tanda ko pa ang paglilibot namin nila Denver noong napadpad kami rito sa Calon.. wala talaga kaming nakitang sapa o ilog sa lugar na ito..

"Puntahan na lang kaya natin?" Mungkahi ni Vincent. "Hindi rin naman namin gaano rinig dito."

Imbis na sumagot umalis ako sa kinakatayuan ko. Bukod kasi sa malalaking ugat na inaapakan ko maraming langgam kaya hindi ako mapakali.

"Puntahan na lang natin," sagot ni Henvy. "Baka kapag nakita natin iyang sapa na iyon maaaring makita na rin natin yung bahay na sinasabi ni father." Tumingin siya sa itaas. "Maggagabi na rin kaya kailangan na natin makita iyon."

"Pero, teka." Awat ni Vincent kay Henvy na magsisimula na ulit sanang maglakad. "Akala ko ba pupunta kayo sa bahay na pinuntahan niyo rito para itanong kung alam nila ang tinutukoy ni father?" Turo niya sa kanilang dalawa.

Tumingin naman si Henvy kay Carl. "Ano ang sa tingin mo?" tanong nito. "Puntahan pa ba natin?"

Siguro nag-aalangan na rin ang dalawa na pumunta roon.

Bukod kasi sa narinig na rin nila ang sinasabi ko eh baka magsayang lang din sila ng oras sa pagpunta roon.

Ang sinabi kasi ni Henvy kanina pumupunta lang doon ang owner at hindi talaga doon nakatira.

At maaaring may punto rin si Henvy na kapag nakita namin itong sapa na ito maaaring makita na rin namin ang hinahanap naming bahay.

Pumunta si Carl sa tabi ni Henvy. "Wag na lang muna," sagot nito. "Tingin ko mas maganda kung hahanapin muna natin itong sapa." Tumingin siya sa daang lalakaran namin. "Saka kung makikita nga natin iyon at may mga batang naglalaro maaari natin silang tanungin kung alam ba nila ang bahay na iyon." Inilipat niya ang tingin sa amin. "Tingin ko may mas maraming paraan kaysa pumunta kami ni Henvy sa bahay na iyon."

Nagsimula na ulit maglakad ang dalawa.

Habang ako nagsisimula pa lang kaya lang itong si Denver at Vincent hindi pa umaalis sa kinakatayuan nila at nakatingin sa ibang direksyon.

Himinto ako at bumalik sa kanila. "Ano pa bang ginagawa niyo riyan?" tanong ko sa dalawa. "Tara na at baka makalayo na sila Henvy."

Napansin ko naman na dahan-dahang inilipat ni Denver ang direksyon ng mukha at tingin niya sa akin. Pero ang nakakapagtaka lang doon, hindi man lang ito sumagot sa tanong ko
Diretso lang siyang nakatingin sa akin na para bang may malalim na iniisip.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" muling tanong ko. "May problema ba kayo?"

"K-kasi.."

"Ano?"

Tinignan na rin ako ni Denver. "J-jas.." tawag nito sa pangalan kou.

"Ano ba kasi iyon?"

"H-hindi kasi pwedeng magkaroon ng bata.. rito sa gubat.." sagot nito sa akin.

Naguluhan naman ako. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Paanong bawal eh may mga nakatira rito sa Calon?"

Itinuro ni Denver ang nasa kanan na side niya. "D-dahil doon."

"Wala naman?" sabi ko rito ng makita ang itinuturo niya. Wala kasi akong nakita kundi mga puno at halaman lang. Wala nga ring kahit na ibon na nasa puno. "Ano ba kasi iyon?"

"U-umuwi na lang.. kaya tayo?" Mungkahi ni Denver. Nararamdaman kong kinakabahan siya. "Sabihin mo kila Henvy. Wag na natin ituloy.. ito."

"Malayo-layo na tayo sa pinasukan natin," sagot ko sa kaniya. Nakakaramdam na rin ako ng inis dahil sa biglang pagbago ng isip nila. Parang kanina lang ako ang nasa sitwasyon nila samantalang ang dalawa ang gustong samahan sila Henvy rito. "Ano ba ang nangyayari sa inyo?"

"Eh kasi.. Jas.." Si Vincent ang sumagot sa tanong ko. Napansin ko naman na inilagay ni Denver ang cellphone sa bulsa niya. "Hindi ba't sinabi ko naman sa inyo na wag muna tayong gumamit ng phone? Baka wala tayong gamitin mamaya niyan."

"H-hindi maaaring magkaroon ng bata sa loob ng gubat na ito Jas," sabi ni Denver na hindi man lang sinagot ang tanong ko sa kaniya. "Katulad na nga ng sinabi kanina walang napansin na bata sa labas noong pumasok tayo sa Calon.. siguro dahil limitado lang ang puwede nilang puntahan dahil may mga bawal."

"Mga bawal na ano?"

"H-hindi mo ba nakikita?"

"Nakikita ang ano?!"

"Hoy!! Hindi pa ba kayo mag-uumpisa ng lakad diyan?!"

Hindi ako pinansin ni Denver sa halip lumakad siya sa direksyong itinuro niya.

Hinawi niya ang mga halaman at mga dahong nalaglag sa lupa.

At hindi nagtagal may lumitaw na maliit na kahoy doon— signage wood ito pero hindi ganoon kalinaw kung ano ang nakasulat kaya lumapit ako sa kaniya.

Tininanggal ni Denver ang mga mahahabang dahon at lumot na nasa signage at lumitaw sa harapan namin ang isang babalang sinasabi ng dalawang ito.

"K-kaya.. paano magkakabata rito sa gubat kung bawal?"

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon