Herbilim : Chapter 25

5 0 0
                                    

Mica's pov

Ilang oras na ang lumilipas simula ng hindi na namin makita sila Jas sa burol ni Elaine.

Nasa bahay na rin ako at nakauwi ng ligtas.

Kanina ko pa rin tinitignan ang cellphone ko pero wala ni isang reply galing kay Jas.

Bakit kaya umalis ang mga iyon ng biglaan?

Saan naman kaya pupunta ang mga iyon?

Ano na naman ang binabalak nila?

Hindi ba't tapos na kami kay Esther?

Kaya, saan pa nila balak pumunta?

Tinanong ko rin si Keli at Zia kung may alam o naalala ba sila na nagpaalam sa kanila ang kanilang mga boyfriend pero wala raw.

Ang alam lang daw kasi talaga nila ay pupunta sa burol ni Elaine para makiramay.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ng tumunog ang cellphone ko.

Pero ng tignan ko ito.. ewan.. parang nadismaya ako.

Siguro nag-expect lang ako na siya ang tumatawag sa akin.

"Hello Keli?"

"Nakatanggap kana ng reply?"

Tumayo ako at pumunta sa upuan kung nasaan ang study table. "Wala pa eh," sagot ko at kinuha ang ballpen. "Ikaw ba nakontak mo na si Vincent?"

"Hindi pa. Parang wala atang signal sa pinuntahan nila o baka nakapatay ang cellphone."

Binuksan ko ang notebook. "Natawagan mo na ba yung Arthur Tower? Baka nandoon naman ang mga iyon para tignan yung nangyari. At baka pinatay nila ang cellphone nila para hindi natin sila matawagan."

Kanina habang nakasakay kami sa kotse ng kuya ni Elaine, tinanong namin siya kung alam ba niya kung nasaan sila Jas pero ang nakuha naming sagot ay hindi.

Ang sinabi lang kasi sa kaniya, ay ihatid kami sa mga kaniya-kaniya naming bahay. At binilin na huwag na kaming lalabas, dahil doon mas lalo kaming kinabahan nila Zia. Pero ang sabi naman ng kuya ni Elaine, kaya lang daw sinabi iyon para hindi na sila mag-alala. Mahirap naman daw kasi kapag labas kami ng labas dahil may mga reporters.

"Tinawagan ko na rin yung sa Arthur pero hindi raw pumunta roon sila Jas. At saka bakit pupunga doon sila Jas kung pati roon may mga reporters?"

"Malay mo lang," sagot ko. "Wala rin namang imposibleng makapunta sila roon kahit may reporters eh kasi nga rito natakasan nila."

"Alam mo ba Mics nagulat ako kanina ng biglang may ibang boses akong nakausap. Boses ng isang matandang lalaki.. yung owner pala iyon.. tapos ang sabi niya sabihin ko raw yung reason kung bakit may dala tayong patay noong bumaba tayo ng Tower at kapag sinabi ko raw malilinis na niya ang pangalan natin."

"Eh diba ayaw nga nilang ipaalam kung ano ang reason kung bakit namatay si Elaine?" Sumulat ako ng letter 'J' sa papel. "Kung ganoon pala bakit kailangan pa ng magtetestigo kung alam naman pala ng mga nandoon na wala tayong kinalaman?"

Ang tingin ko kasi kung bakit ayaw nilang ipaalam bukod kasi sa maibabalita ito sa pinas baka maging record pa ito sa buong mundo.

Isipin na lang natin.. ang bunsong anak ng Corbin ay napatay dahil sa exorcism. At iisipin ng mga tao kung ano ang reason kung bakit nangyari ito.. sa pag-iisip nila iyon maraming papasok na magiging sagot at ang isa na rito ay hindi sila naniniwala sa diyos.

Katulad na lang ng sinabi ni Father Paul.

Ang madalas kasing mga sinasaniban ay ganoon ang reason.

O di kaya'y mas malala pa roon.

"Hindi ko rin alam sa mga Corbin baka kasi iyon ang nakikita nilang dahilan para hindi masabi ang reason ng pagkamatay ni Eliane."

Sumulat ang ng letter 'A' "Pero kanina habang nasa harapan tayo ng kabaong ni Elaine narinig kong nag-uusap yung mga magulang niya na may nakita na raw magtetestigo—"

"—Speaking of that, nabanggit nga sa akin nila mommy ng pagkauwi ko tungkol doon pero ang sabi nila bigla atang nagbago ang isip ng taong iyon kasi bigla raw hindi makausap ng mga Corbin kahit na nag-offer sila ng malaking halaga."

"Talaga?" Sumulat ako ng letter 'S' sa katabi ng 'A' "Ano naman daw ang reason?"

"Mica, handa na yung pagkain!"

"Hindi nila alam. Ang sabi lang nila mommy gusto nilang tumulong pero ang sabi ng mga Corbin wag na raw at sila raw ang tatapos ng problema. Buti na lang yung araw ng umuwi ako galing sa Arthur hindi nagalit sila mommy sa akin. Ewan ko pero ganoon ata kalaki ang tiwala nila sa akin and thankful ako dahil doon pero si Zia.. naka-ban ngayon. Hindi ko rin makontak."

"Sure kang naka-ban lang?" Binitawan ko ang ballpen ko. "Ba—"

"Wag ka ng kabahan diyan. Sure ako." Nakarinig ako ng mahinang tawa. "Nakontak ko kasi yung kapatid niyang babae at sinabi nga iyon."

Pinagmasdan ko ang nabuong pangalan sa notebook ko. "Pero maiba tayo.." Sandali akong natigil. "Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ng taga funeral kanina. Anong tingin mo? Totoo kaya?"

"Tingin ko hindi naman totoo. Baka gumagawa lang ng issue kasi nga Corbin yung namatay."

"Talaga? Per—"

"Later na lang ulit Mica. Nandito na kasi si daddy need daw namin mag-usap. Bye Mics!"

"Bye—"

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko matapos ang tawag.

Malaki ang takot ni Keli sa daddy niya base sa mga kuwento niya sa amin kaya siguro ito madaling-madali sa pagbaba ng tawag pero ang sabi naman niya malaki ang tiwala ng mga magulang niya sa kaniya. Sana okay lang siya at hindi rin ma-ban katulad ni Zia.

"Mica." Nakarinig ako ng katok sa pinto bago ito bumukas. "Tara na kakain na."

Nilingon ko si mama. "Ma, may tanong po ako."

"Ano iyon?" Pumasok siya sa loob at umupo sa kama. Hindi ganoon talaga ang kuwarto ko. Pagpasok mo kasi sa pinto at makatatlong hakbang ka lang mararating mo na kaagad ang kama at sa gilid nito ang study table kung nasaan ako. "Iniisip mo pa rin ba yung nangyari? Hayaan mo na iyon." Hinawakan niya ang kamay ko. "Malaki ang tiwala namin sa iyo ng papa mo. Alam namin na ang kamay na ito hindi magagawa ang ganoong bagay."

Sandali akong hindi nakaimik.

Nakatingin lang ako sa mga mata ng mama ko.

Ramdam na ramdam kong hindi nila ako pinagdududahan sa mga nangyari sa Arthur.

Noong umuwi ako ng madaling araw at nakita nilang may naghatid sa aking lalaki na si Jas nga. Hindi nila tinanong kung sino iyon at nakangiti sa akin si mama na sinalubong ako sa bahay kahit na halata sa mga mata niyang nag-aalala siya ng sobra.

Hindi pa rin nila kilala si Jas. Si Keli at Zia pa lang kasi ang nadadala ko sa bahay namin pero kahit na ganoon alam niyang nasa mabuting kamay ako noong araw na iyon.

Nang lumabas naman kinaumagahan ang balita sa Arthur tungkol sa murder na nangyari imbis na tanungin ako kung totoo ba yung nakita nila sa balita, yakap ang natanggap ko at binulong na alam nilang hindi ko magagawa iyon.

Akala ko nga noong umaga hindi nila ako papayagan na pumunta sa burol ni Elaine.

"Ah ma." Hinawakan ko rin ang kamay niya. "Naniniwala ka ba na posibleng mainit pa ang katawan ng isang tao kahit patay na?"

Nakita ko naman sa mukha niya na nagtaka. "Imposibleng magiging mainit na ang katawan nito," sagot niya. "Kahit makalipas lang ang minuto o oras sobrang lamig na ng katawan nito at mag-iiba ang kulay." Bumitaw siya sa akin at inayos ang buhok ko. "Bakit mo naitanong?"

"Ang sabi kasi ng nag-ayos sa katawan ni Elaine yung katawan daw nito mainit pa rin kahit ilang oras na nasa morgue."

Natigil siya sa paghawi ng buhok ko matapos kong sabihin iyon at nakatingin lang siya sa akin. "A-ano pala ang dahilan.. kung bakit namatay yung kaibigan niyo?"

"N-naniniwala ka ba.. sa sanib ma?"

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon