Herbilim : Chapter 6

336 145 118
                                    

Mica's pov

Someone knocked on the door..

..Lahat tahimik..

..Wala ni-isa ang gustong magsalita..

Para bang pinapaki ramdaman ng bawat isa ang paglapat ng balat nito sa pintuan.

Isa..

Isang segundong katahimikan..

Dalawa..

..muli na lalapat ang kamay nito sa pinto..

Tatlo..

..ang sabi nila, kapag tatlong beses daw ang katok at dahan-dahan ang paglapat ng kamay nito sa pinto.. hindi raw ito tao.

Wag daw bubuksan ang pinto't baka hindi mo magustuhan ang makikita mo.

"Matagal na ba kayong naglalaro nito?"

Bakit ko nga ba naitanong pa iyon? Eh ngayon pa nga lang halata na sa kanila na marami silang alam tungkol sa mga ganito.

Katulad na lang ng nakita kong nakadikit sa kanilang pinto kanina.

Mukhang hindi pa namin ganoon kakilala ang tatlong ito.

Pero.. ang mas nakakapagtaka roon kung bakit hindi alam nila Zia at Keli ang tungkol dito? Mas matatagal ng magkakilala sila kaysa sa akin.

O baka naman ganoon lang talaga kalihim ang tatlong lalaking ito?

"Ilang taon na rin," sagot ni Vincent. Nanatili ang kaniyang mata sa screen at hindi man lang naibaling ang tingin sa nagtatanong. "Hindi pa namin kayo kilala naglalaro na kami niyan."

"Talaga?" Hindi naman na nakakabigla. "Paano naman kayo nahilig sa mga ganito?"

Ang gusto ko lang malaman sa ngayon kung paano sila nag-umpisa rito.

Kung ano ang nag-udyok sa kanila para subukan ang mga bagay na ito?

Siguro naman alam natin sa sarili natin na may mga dahilan ang lahat ng bagay kung bakit natin ginagawa ito.

Hindi ba't nakaka curious lang malaman kung paano nahilig ang tatlong mayayaman na ito tungkol sa mga ganitong bagay?— Mga bagay na ikakapahamak lang nila?

"Pero bakit niyo kami sinama ngayon?" tanong ni Zia dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Hinihintay ko kasing sagutin nila ang tanong ko pero tingin ko wala akong makukuhang sagot dahil sa biglang tanong ni Zia. Halata rito ang inis sa kaniyang mga mata— may halong takot na rin dahil siguro sa biglang pagkatok sa kuwarto na hindi namin kilala. Wala na siya sa tabi namin. Nasa kama na silang dalawa ni Keli kaharap ang pagkaing pinamili. "Hindi niyo man lang ba naisip yung mangyayari sa amin?" Dagdag pa nito.

"Kaya nga hindi na namin itinuloy," sagot ni Jas habang ang mata nanatili sa ginagawa. "Sinabihan ko kasi sila na kapag hindi kayo pumayag, hindi namin itutuloy."

Inilapag ni Keli ang hawak ng kaniyang kamay sa kama. "Pero sinama niyo pa rin kami rito. Hindi ko nga alam kung ano ang uunahin ngayon kung takot ba o ang gutom!" Inis na sabi nito at ginilid ang tubig na dala. "Naririnig niyo ba? May kung sino o ano ang kumakatok sa labas ng kuwarto! Hindi natin kilala!"

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon