Herbilim : Chapter 1

597 186 229
                                    

Mica's pov

Umpisa na naman ang panibagong araw. Lunes ngayon. Malamang traffic na naman, rush hour.

"Nako! Sino ba 'yang mga 'yan?"

"Bakit kaya napakarami ng mga reporters dyan?"

"Hindi niyo pa ba napapanuod?
May natagpuan daw kasing isang vendor na nagtitinda sa tapat ng Wilson University!"

"Talaga? Kaya siguro may mga reporters!"

"Ano ba 'yan napaka abala naman sa b'yahe nyan oh!"

"Oo tapos nakita raw ngayon sa tabi ng kalsada at wala ng buhay!"

"Nabalitaan niyo na rin ba na may nawawalang estudyante diyan?"

"Nako! Nakakatakot! Buti na lang napigilan namin ang anak namin na sumubok mag-entrance exam d'yan!"

Bakit ba umagang-umaga puro ganito ang usapan?

"Anak naman ng tipaklong oh! Nakaka abala kayo sa b'yahe namin! Umalis nga kayo sa daan!"

Puro busina ng mga sasakyan at tsismisan ng mga katabi ko sa jeep ang naririnig ko. Hindi naman umaandar ang mga sasakyan. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Mukhang matatanghali ako nito.

"Ah miss totoo ba? Hindi ba nag-aaral ka sa Wilson University?"

Inangat ko ang aking ulo at tinignan ang nagtanong na nasa harapan ko. I sigh, "Ano ba iyan late na ako." Ilang minuto na akong naka-upo lang dito at hindi umaandar ang mga sasakyan. "Manong dito na nga lang po!" Mabilis akong bumaba nang sasakyan para hindi masagot ang mga tanong nila.

Puro na lang mga usapan, balita sa tv, radio at news paper ang naririnig o nakikita ko tungkol sa Wilson.

Bakit nga ba hindi pag-uusapan? Kung ang isa sa mga sikat at nasa top na unibersidad sa pilipinas ay bigla na lang magkaroon ng mga pangyayaring hindi maipaliwanag.

Noong una, ang sabi nila ay baka raw gawa lang ito ng mga kalaban ng unibersidad pero hindi ito napatunayan. Wala silang maipakitang patunay. Tapos ilang buwan na ang nakalipas may estudyante na namang nawawala at bigla na lang nakita ito na nasa isang silid na wala ng buhay.

Ang nakakapagtaka lang doon ay walang galos o kahit na ano ang katawan nito. Hindi rin nila maisip kung ano ang dahilan. Nabalitaan din namin na kinausap ng Wilson ang pamilya nito para sa pahintulot na magsagawa nang autopsy pero hindi raw pumayag ang pamilya.

Mas lalo kong binilisan ang lakad ko. Kailangan ko munang iisang tabi ang mga issue tungkol doon. Kailangan ko ng magmadali dahil mag-uumpisa na ang unang klase.

Tingin ko ilang minuto lang naman nasa university na ako.

Sumulyap ako sandali sa paligid ko. Hindi pa rin pala gumagalaw ang mga sasakyan. Puno pa rin ng mga tao sa kalsada. Ano bang mapapala nila kung makikitsismis sila roon? Mareresolba ba nila ang problema?

Mas lalo kong binilisan ang lakad. Bakit ba hindi ko maiwasan ang tungkol doon? Kahit na ilang beses kong sabihing iisang tabi muna iyon?

"Hoy! Mica!!"

Napahinto ako ng marinig ang pangalan ko at niligon kung saan iyon galing.

May isang itim na motor ang nasa gilid ko. May nakasakay rito na isang lalaki. Sa kaniya galing ang boses na tumawag sa akin.

Ilang sandali pa. Tinanggal niya ang suot niyang helmet. "Sakay kana," sabi nito.

"Wag na. Malapit na lang din naman," pagtanggi ko at muling pinagpatuloy ang paglalakad.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon