Herbilim : Chapter 15

67 2 0
                                    

Jastin's pov

Hindi kami natuloy kaninang madaling araw matapos pumunta ng dalawa sa bahay. Bigla kasing tumawag si Henvy at kinansel ang lakad papuntang Calon. May emergency raw at hindi niya sinabi kung ano ang emergency na iyon.

Nasa burol kami ni Elaine ngayon. Tulad nga ng sinabi nila mamadaliin nila ang katawan nito upang maiburol at mailibing na agad. At ngayong araw nga ang unang araw ng burol ni Elaine.

Wala pang kalahating oras ang lumilipas simula ng makarating kami sa bahay. Oo sa bahay nakaburol si Elaine pero hindi pag-aari nila. Isang maliit na bahay lang ito. At mukhang inupahan nila panandalian. May nakahandang simbahan para sa kaniya kaya lang habang papunta pa lang ang katawan niya roon nang magtaka ang pamilyang Corbin sa mga nag-aabang sa kanila. At dahil doon, kaagad iniwas nila ang katawan ni Elaine at kinuha nga itong bahay na ito.

Walang masyadong tao. Limitado ang mga pinapapasok nila. Nakasarado ang pinto. May dalawang guard na nakabantay sa labas ng pintuan at may mga reporters na nasa labas ng bahay.

Oo, mga reporters na naman. Mga reporters na nag-aabang sa harapan ng simbahan kaya iniwas ang katawan ni Elaine roon. Kaya lang, hindi ko alam kung bakit nalaman agad ng mga ito kung saan dinala si Elaine. Sabihin na nating may mga source ang mga ito kaya napakabilis nila sigurong nalaman na nandito nga si Elaine.

Sabihin na natin na mayama ang pamilyang Corbin. May mga iilang restaurant ito sa bansa at dalawa sa international pero.. ang pinunta ng mga reporters dito.. hindi para tanungin kung ano ang reaksyon o lagay ng pamilya nila dahil sa pagkawala ng anak nila kundi para tanungin kung bakit nasa Arthor Tower ito- pati na rin kami.

Kanina pa ako tinatawagan nila mommy pero hindi ko sinasagot. Nakatingin lang ako sa screen ng cellphone ko at hinihintay na tumigil sila sa pagtawag.

Kanina lang kasi namin nalaman ang balita tungkol sa nangyari kagabi at hindi namin inaasahan ang nasa balita. Hindi namin alam na ganoon na pala ang nangyayari noong gabi na iyon.

Iyon din pala ang sinasabi ni Keli na gulo. Natatandaan ko no'n na sinabi pa sa kaniya na wag kaming lalabas ng unit. Tinanong ko si Keli kanina lang kung ito bang gulo na ito ang sinabi sa kaniya kagabi noong tumawag kami dahil nga may nagbukas ng pintuan ng unit, hindi raw niya alam. Hindi raw sinabi sa kaniya ng nakausap niya. Ang sabi lang sa kaniya na huwag kaming lumabas kasi nagkakagulo nga.

Masyado kaming naging busy kay Elaine kaya siguro hindi namin nalaman ang tungkol doon.

Hindi rin namin masyadong napansin yung mga police na nasa labas ng Arthor Tower. Ang nasa isip lang namin noon ay maitakbo si Elaine sa hospital- baka kasi sakaling may pag-asa pa.

Iyon din pala ang sinasabi ni mommy na gulo sa condominium kagabi. Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi niya. Ang focus ko ay ang tungkol kay Yuan. Hindi rin naman kami nahagip sa video na binalita kagabi kaya ngayon lang niya nalaman.

Tinext niya ako kanina lang kung yung dugo ba na nasa damit ko at amoy ko ay galing sa nangyari kagabi. Hindi nila kilala si Elaine pero alam ko naman na makikipagtulungan sa amin si Mr and Mrs. Corbin para malagpasan ito.

"Patay ako nito kay dad," sabi ni Denver. "Hawak pa naman niya ang kaso sa Wilson tapos dadagdag pa ako."

Inilipat ko ang tingin ko sa tatlong babaeng nakatayo sa gitna. Nakatalikod sila sa amin at nakaharap sa kabaong ni Elaine. Halos limang minuto na nila Mica ito pinagmamasdan. "Kanina pa nga nila ako tinatawagan. Hindi lang si mommy ang tumatawag sa akin ngayon." Tinignan ko sila Vincent. "Pati na rin si lolo. Mukhang mayayari talaga ako nito."

"Bakit ba pati tayo hihingian nila ng pahayag?" tanong ni Vincent. "Mukha ba tayong magpapa-utos ng ganoon?"

"Reporters sila at pulis. Iisipin nila nang iisipin kung sino ang maaaring question-in sa mga bagay na ito," sabi ko. "Lalo na kapag alam nilang may pera ka at mapag-uusapan ka. Nasa 12th floor lang tayo at sa 13th floor lang ang nangyaring pagpatay. Matatanong tayo kung bakit hindi natin alam at kung bakit tayo ang huling lumabas sa condominium."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon