Herbilim : Chapter 26

8 1 0
                                    

Jastin's pov

"Umuwi na lang tayo Jas," sabi ni Vincent ng makapunta ito sa amin. "Tutal labas na tayo rito sa problema nila tungkol kay Esther. Nadamay na nga tayo sa nangyayari sa kanila ngayon kasi pati tayo pinagbibintangan na may kinalaman sa murder na nangyari sa Arthur."

Tinanggal ko ang signage sa pagkakabaon niya at kinuha ito. "Bawal daw pumunta rito?" tanong ko na hindi pinansin ang mga sinabi niya. "Lalo na ang mga bata?" Lumakad ako kung nasaan kami kanina. "Pero mga bata ang narinig natin kanina. Narinig niyo rin naman 'diba?"

Tumango si Vincent. "O-oo pero masyadong mahina," sagot nito. "Pati yung sa tubig."

"Umalis na tayo rito Jas." Tumingin-tingin si Denver sa paligid. "Baka nandiyan na sila."

Warning!

Kids are not allowed in this place! There are wild animals in the forest as well as the steep cliffs around.

Please be careful!

"Wala pa naman tayong nakikitang bangil sa paligid." Tumingin din ako sa paligid ng gubat. "Kanina pa tayo rito pero wala naman nagpapakita."

Kinuha sa akin ni Denver ang signage at ibinaon ito sa gitnang daan. "Hihintayin pa ba nating may lumabas?" tanong nito habang inaayos ang pagkakalagay. "Umalis na tayo Jas."

"Malayo na yung napuntahan natin." Panghihinayang ko at tinignan ko sila Henvy na nagtitingin sa paligid. "Baka naman mali lang iyan? Di ba kanina pa tayo naglalakad pero wala tayong mga bangin na nakita?"

"Tawagin mo na sila Henv—"

"Jas!!!!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa tumawag.

Kumakaway ang mga ito sa amin.

Medyo nakalayo na sila sa amin pero tanaw pa rin naman namin sila mula rito.

"Tinatawag tay—"

"Umalis na tayo." Pigil sa akin ni Denver. "Hayaan na lang natin silang tumapos nito."

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Tanda niyo ba noong nasa condo unit tayo?" tanong ko sa dalawa ng maiangat ang tingin sa kanila. "Hindi ba't gusto na rin umalis ng mga babae ng mga oras na iyon?" Pagpapaalala ko. "Pero anong sinabi at ginawa ninyo? Imbes na iligtas o ilayo sila sa kapahamakan? Sinamahan pa natin sila Henvy kasi nandoon na tayo ng mga oras na iyon. At saka sinabi niyo naman na may pinagsamahan tayo hindi ba? Nandito na tayo. Wag na tayong umalis." Tinanggal ko ang kamay niya. "Bakit kanina bago tayo umalis hindi niyo man lang ba naisip na baka mapahamak tayo? Hindi ba't alam na natin na baka ganoon ang mangyayari bago tayo sumama?"

Hindi umimik ang dalawa sa mga sinabi ko. Nakatingin lang sa akin si Denver habang si Vincent naman malayo ang tingin. Diretso lang itong nakatingin kung nasaan sila Carl.

"Tara na." Pag-aaya ko sa dalawa. "Hindi ko naman hahayaan na umalis kayong dalawa dito. Paano kung mas mapahamak kayo sa pagbalik niyo sa kotse?"

Hinakbang na ni Vincent ang mga paa palakad. "Bakit ba laging pabago-bago ang isip natin?" rinig kong tanong nito habang naglalakad. "Kailan ba matatapos ito?"

"Mag-iingat ka riyan sa paglalakad mo," Pagpapaalala ko. "Nilingon ko si Denver. "Ano diyan ka na lang ba?"

Nakarinig ako ng buntong hininga. "Tara na."

Pinagmasdan ko ang likod ng dalawa habang naglalakad.

Si Vincent malapit ng makarating kung nasaan sila Henvy habang si Denver naman dahang-dahan na naglalakad at palingon-lingon sa paligid. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya at inakbayan ito.

"Tanda mo noong naligaw tayo rito?" tanong ko. "Wala tayong mahanap na tindahan. Ang sabi kasi nila sa kabilang bayan pa raw iyon. Wala rin baon sa mga bag natin kahit notebook man lang wala." Bahagya akong natawa. "Ang ginawa natin umakyat tayo ng puno ng manga tapos isang manga pa lang yung nakukuha natin ng biglang lumabas yung may ari ng puno at may dalang pamalo—"

Nakarinig ako ng tawa mula sa kaniya. "Tapos nun pinahabol niya tayo sa aso." Dugtong ni Denver sa kuwento ko. "Muntikan ng makagat si Vincent haha."

Napangiti ako bigla ng maalala ang araw na iyon. Kahit na naligaw kami dahil sa pagtulog naging masaya naman ang pangyayaring iyon.

Nakita namin kung paano mamuhay ang mga nasa ibabang bahagi ng mundo.

Tuwang-tuwa kami nun makakita ng kalan de uling sa nadaanan naming bahay. At yung mga kinakain nila itinatamin ng nila sa paligid ng kanilang bahay.

Masaya rin pa lang makapanuod ng mga batang naglalaro sa lansangan habang binabato ang kanilang tsinelas sa lata, naghahabulan at marami pang iba.

Samantalang kami, hindi namin naranasan ang mga bahay na iyon.

Noong mga oras na iyon hindi namin alam kung magpapasalamat ba kami sa mga magulang namin na hindi namin naranasan ang hirap ng buhay o hindi?

Pinaghihirapan nila yung bawat oras para lang may pambili ng pagkain samantalang kami, hindi. Hindi na namin kailangan magsumikap para lang makain o makuha ang gusto namin dahil sa mga magulang namin.

"Oh ano naman ang tinatawa-tawa niyo riyan?" tanong ni Vincent ng makarating kami sa kanila. "Parang kanina lang pinagsasabihan mo kami Jas?"

"Selos ka lang. Nauna ka kasing maglakad. Hindi ka marunong maghintay." Pagbibiro ko rito.

"Asa—"

Natigilan kami nila Vincent ng kinalabit ako ni Henvy. "Tignan niyo." Turo nito sa isang bahagi ng gubat. "May malalim na hukay."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Denver. "Hindi niyo rin ba napansin yung signage kanina?" Inalis ko ang braso ko kay Denver. "May nakalagay na waring doon at.." Sandali akong napahindi at tinignan sila Vincent at Denver bago ibalik ang tingin sa kaniya. "M-may nakalagay na bawal ang bata sa lugar.."

"Iyon ang dahilan kung bakit hindi kami nakasunod kanina." Pagpapatuloy ni Denver.

Nagsalubong ang kilay ni Carl. "Anong ibig ninyong sabihin?" tanong nito at tinuro ang direksyon ng puno kung saan namin narinig kanina. "Eh hindi ba't nakarinig tayo ng mga bata kanina? Hinahanap nga natin ngayon."

"Ikaw pa nga ang nakarinig Jas 'di ba?"

Tumango ako ng dahan-dahan. "Oo at narinig niyo rin naman 'di ba?" balik na tanong ko. "Kaya nagtataka ako kung bakit may mga bata sa lugar."

Binitawan ni Carl ang hawak na sanga. Hindi ko alam kung kailan pa siya may hawak na sanga o baka kinuha niya iyon habang naglalakad sila ni Henvy papunta rito. "Baka mga batang pasaway iyon tapos—"

Hindi na naituloy ni Carl ang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone ni Henvy.

Sabay-sabay kaming nagulat ng marinig iyon.

"May signal na?" tanong ni Denver.

"Hindi ko alam." Agad na kinuha ni Henvy ang cellphone sa bulsa. Napansin naman naming nagulat siya ng mabasa niya kung sino ang tumawag. "Si Father Paul.."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon