Herbilim : Chapter 27

14 0 0
                                    

Mica's pov

Napansin kong biglang nag-iba ang aura ni mama ng tanungin ko siya.

"S-sanib?" ulit nito sa tanong ko. "S-saan.. mo naman nakuha iyan?"

Inayos ako ang pagkakaupo ko. "Hindi ba't tinong mo ako kung ano kinamatay ng kaibingan ko?"

Dahang-dahan naman na tumango si mama. "S-sinaniban siya mama." Pagpapatuloy ko ng sumagot siya sa akin.

"Ha?" Naguguluhang tanong niya. "Paano sinaniban? Ang sabi aksidente daw?" Inayos ni mama ang kaniyang upo at kinuha ang unan ko para ipatong ito sa hita niya.

Biglang nag-iba ang kilos ni mama ng sabihin ko iyon.

Ano kaya ang dahilan?

May karanasan kaya siya tungkol sa ganitong bagay?

Umiling ako habang ang mga mata nakatingin pa rin sa unan na inilagay niya. "Iyon lang ang pinalabas ng pamilya niya." Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Para maiwas sa maaaring maibalita sa kanila. Kilalang pamilya sila at tingin ko para sa kanila kasiraan ang ganoong bagay."

Napansin kong medyo naguluhan si mama sa paliwanag ko. "Paanong magiging kasiraan iyon?" tanong nito sa akin. "Eh diba anak naman nila iyon?"

"Iyon kasi ang pinaniniwalaan ng pamilya niya. Katulad nga ng sinabi ko ma, nasa business industry sila. Kilala ang pangalan nila, hindi lang sa pilipinas kundi sa ibang bansa rin. Kapag sinabi nila yung totoong dahilan, mas lalong uungkatin lang ito ng mga reporter at baka nga may mag-imbestiga pa ng palihin kung ano ba talaga ang nangyari, o kung bakit nangyari ito." Paliwanag ko. "Kaya tingin namin nila Keli, ganoon lang ang gustong mangyari ng pamilya niya."

"Kung sabagay, kahit naman sinong nanay ayaw ng guluhin ang pagkamatay ng anak niya dahil sa mga tanong ng mga reporters—"

"—Pero ma, maiba ako." Nakatingin ako ng diretso sa mga mata ni mama at alam kong nararamdaman niyang seryosong tanong ang bibitawan ko. "Bakit parang nag-iba ata ang kinilos mo noong tinanong ko kung naniniwala ka sa sanib?"

Nakatingin lang sa mga mata ko si mama.

Pinagmamasdan lang niya ang mga ito.

At para bang iniisip mabuti kung sasagutin ba niya ang tanong ko.

Pero ilang sandali pa, nakarinig ako ng paglabas ng buntong-hininga mula sa kaniya. "M-mica.." Muli niyang hinawakan ang kamay ko. "Naniniwala kasi ako sa bagay na iyan."

"T-talaga?" tanong ko. "Pero hindi ba't yung—"

Hindi pa tapos ang sasabihin ko ng tumango si mama na naging dahilan ng pagtigil ko. "May mga taong hindi naniniwala sa ganiyang bagay. Marami na akong nasaksihan na ganiyan. Minsan pa ay nahahawakan ko pa at nadadasalan." sabi nito sa akin. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magtanong sa kaniya. Medyo naguluhan kasi ako kaya lang, natigil ako ng makita kong ibinaling niya ang tingin niya sa bintanang nakabukas. "Alam mo ba kung bakit open ang ikatlong mata mo?"

Kasabay ng mga tanong at sagot ni mama ang malamig na hangin na pumapasok sa bintana ko.

Umiling ako na para bang nakikita niya ito. Nakatingin pa rin kasi si mama sa bintana na para bang may mga bagay siyang gustong maalala. "Hindi po," sagot ko.

Inilipat niya ang tingin sa kamay naming magkahawak. "Kasi ang sabi nila, kapag sa side ng pamilya mo ay may manggagamot or puwede ding may alam sa black magic, namamana raw ito." Inangat niya amg kaniyang tingin sa akin. "Iyon ang tingin kong dahilan."

"Ano pong ibig niyong—"

Muling tumango si mama. "—ibig sabihin lang nun sa side ng pamilya mo ay may ganoong alam," sabi niya. "Ang mga magulang ko ay may alam sa black magic. Kaya bata pa lang ako nakakakita na ako ng mga taong sinasaniban at minsan pa nga nakakausap ko ang mga sumasanib sa kanila kapag lumalabas na ito sa mga katawan. At minsan din, tinutulungan pa namin itong manahinik. May mga araw din na kinakalaban namin ang kapwa taong katulad namin na may alam sa black magic." Sandaling natigil si mama. "Sampung taon pa lang ako ng magkakilala na kami ng papa mo, isang taon lang ang pagitan ng edad niya sa akin. Sa probinsya dati kapag may ganoong taglay, ang sabi nila dapat daw pinapamana sa isa sa mga pamilya. May kaunting alam ako sa mga bagay na iyon pero siyempre ayokong mamana iyon at alam iyon ng mga magulang ko.  Naging matalik kaming makaibigan ng papa mo kahit na malayo ang bahay nila sa amin. Habang lumalaki kami, nasisimulan ko na rin magkuwento ng bagay tungkol sa pamilya ko sa papa mo hanggang sa biglang nagkasakit si mama at sobrang hina na nito. Nag-iisa akong anak. Wala na rin si papa kaya ang mangyayari, ako lang ang magiging tagapagmana. Wala akong magawa ng mga panahon na iyon."

"Totoo ba iyan mama?" Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa mama ko pero ang hirap naman ata paniwalaan iyon? Akala ko kasi sa mga palabas lang ang kuwentong ganoon pero may karanasan pala ang magulang ko roon. "Kapag ba hindi mo tinanggap iyon ang mangyayari?"

Naramdaman kong mas humigpit ang hawak ni mama sa kamay ko at tumingin ito diretso sa mga mata ko. "Hindi mamamatay ang taong may alam nito kapag hindi niya naipasa sa isang tao." Tumingin siya sa ibaba na para bang balisa. "Ang sabi nila kapag hinagisan daw ng itim na pusa ang taong iyon, doon daw niya maibibigay ang black magic pero hindi ito totoo. Gawa-gawa lang ng mga tao ito pati na rin sinasabi nilang dapat pamilya lang dapat maipamana hindi rin ito totoo. Puwedeng kahit kanino niya maipasa ito."

"Tinanggap niyo ba mama?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa nakikilala ang lola ko kay mama. Wala rin naman siyang binabanggit sa akin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala akong litrato na nakikita ng magulang ni mama sa bahay namin.

Umiling si mama. "Noong tatanggapin ko na iyon kinabukasan ng umaga, bigla na lang dumading ang papa mo ng madaling araw at tinakas ako paalis ng bahay."

"Ibig sabihin buhay pa si—"

Muling umiling si mama. "Wala na ang lola mo. Bumalik ako sa probinsya limang taon nakalipas at napag-alaman ko roon na namatay rin siya isang linggo ang nakakaraan ng umalis ako ng bahay. Hindi ko alam kung sino ang tumanggap ng bulong niya para maipasa ito. Pero ang sabi ng papa mo, ang mahalaga raw hindi ito naipasa sa akin. At iyon din naman ang gusto ko." Binitawan niya ang kamay ko at inilipat ang kamay niya sa balikat ko. "Kaya maaaring iyon ang dahilan kung bakit open ang third eye mo." Tumayo na si mama matapos sabihin iyon. "Tara na mica kakain na tayo." Pag-aaya nito sa akin at naglakad na papunta sa pinto.

Pero bago niya pa hawakan ang doorknob tumayo ako at tinawag si mama.

"Bakit?" tanong nito sa akin.

"Kapag ba umalis na ang sumanib kay Elaine totoo bang tapos na? I mean, wala ng mangyayari pang ulit?"

Nilingon ako ni mama at nakakapag takang biglang mas nangitim ang mata ni mama kumpara kanina. Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako pero hindi ganito ang mga mata ni mama.

"Depende kung wala naman talaga siyang pakay sa kaibigan niyo," sabi nito. "At kung may pakay naman ito matatapos lang iyon kapag nakuha na niya ito o hindi kaya pinatigil na ito ng nag-uutos sa kaniya."

"N-nag-uutos?"

Muling ibinalik ni mama ang tingin sa pinto. Nakatalikod siya sa akin ngayon habang nag-uusap kami. "Ang sabi nila kapag demon ang sumanib sa isang tao maaaring may nag-uutos dito, pero bihira lang mangyari ang bagay na iyon. Nangyayari lang ang bagay na iyon kung mas makapangyarihan ang nag-uutos."

"Pero.. ma, tingin mo tapos na kami sa kaniya?"

Hinawakan na ni mama ang doorknob. "Kung hindi ako nagkakamali nabanggit mong mainit pa ang katawan ng kaibigan mo kahit ilang oras ng patay ito, tama ba?"

Tumango ako. "T-tama po—"

"Ibig sabihin, hindi pa siya tapos. Nasa kaniya pa ang kaluluwa ng kaibigan niyo. Kinuha niya ito at hindi pa binabalik."

"Anong kailangan namin gawin mama?"

Binuksan na ni mama ang pinto at may konting siwang na ito. "Kailangan niyo itong mabawi sa kaniya sa pamamagitan ng bagay na gusto niya."

"Ano pong gagawin namin—?"

"Dasal— pero hindi ito basta dasal lang. Kung hindi ako nagkakamali at sa pagkakatanda ko, may nabanggit si mama sa akin na isang dasal na maaaring makapag patigil sa demon o lumayo. Sa dasal na iyon maaaring bumalik ang demon sa pinanggalingan niya at kung may nag-uutos din dito maaari niyong matalo sa pamamagitan ng dasal na ito." Nilingon niya ako bago tuluyang lumabas. "Matagal na panahon na ang nakalipas ng sabihin sa akin ni mama iyon kaya hindi ko tanda kung ano ang dasal na iyon." Muli niyang nilingon ang bintana ko. "Isara mo na iyan, Mica."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon