Herbilim : Chapter 10

13 1 0
                                    

Josephine's pov

"Nandyan na ba sila Darren?" tanong ko sa isang katulong na sumalubong sa akin.

Nasa bahay na ako. Matapos kasing umalis ni Felix limang minuto lang ang pinalipas ko para umalis sa bar.

Hindi na rin ako pinapunta ni Darren sa hospital. Hindi ko alam kung ano ang dahilan hindi naman kasi niya sinabi sa akin. Siguro dahil patapos na ang inaasikaso nila roon.

Pero pwede rin namang maging dahilan ang hindi pagpayag ng pamilya ni Yuan na magsagawa ng autopsy sa katawan niya kaya mabilis na nakauwi sila Darren.

Pero kung hindi nila ipapagawa ang autopsy, hindi nila malalaman kung ano ba talaga ang ikinamatay nito.

Gusto ko sanang makita si Yuan pero ang sabi kasi i-cre-cremate raw ang katawan nito. Kaya hindi ko rin makikita. Ilang oras na rin naman ang lumipas simula ng makita si Yuan kaya siguradong nakahanda na ang katawan niya for cremation.

Nabanggit din naman sa akin ni Felix ang itsura nito. Sapat na siguro iyon sa ngayon. Tatanungin ko na lang ulit si Darren mamaya tungkol dito.

Umiling siya. "Wala pa po ma'am," sabi nito. "Tulungan na po kita?"

Inilayo ko sa kaniya ang bag na hawak ko. "Hindi na," sabi ko rito. "Sa office muna ako. Sabihan mo ako kapag dumating na sila."

Tumango siya. "Ok po ma'am. Maghahanda na rin po ako ng makakain."

Hindi na ako sumagot sa halip dumiretso ako sa pinto malapit sa hagdan.

Binuksan ko ito ng makarating doon at dumiretso sa upuan na kaharap ang lamesa.

Inilapag ko ang bag na dala at ang folder na ibinigay sa akin ni Felix sa lamesa.

Hindi ko na kailangang basahin ang mga nasa loob kasi ako mismo ang gumawa nito. Kabisado ko iyon at halos kaparehas lang naman ng original copy na nasa akin pwera lang ang isang bagay. Ito nga yung finger print.

Buti na lang yung mismong record ni Liam galing sa nag-imbestiga at autopsy, sa akin mismo naibigay noong araw na iyon. Wala kasi si Darren non may biglaang meeting sila sa company habang si dad naman nasa Wilson.

Pagkabigay sa akin ng mga pulis, ewan ko ba pero iba na agad ang naramdaman ko rito. Para bang may nagsasabi sa akin na kailangan kong basahin ang mga nakalaman dito.

Alam kong hindi ako dapat mangialam. At alam ko rin na ang pagiging pakielamera ang isa sa mga ayaw ng ama ni Darren pero ginawa ko. Binasa ko ang mga nakasulat, lumabas sa autopsy at ang sa investigation. Kahit na ako mismo ang gumastos para rito.

Dahil wala naman kasi talagang balak magsasagawa nang autopsy kay Liam dahil nakita na itong medyo agnas ang katawan at nakitang may alambre ang leeg. Which is nagpakamatay nga ito kaya lang nagpumilit ako magsagawa ng autopsy. Ayaw pa ngang pumayag ng pamilya ni Liam kasi nga raw kawawa naman yung katawan ng anak nila. Kapag nag-autopsy pa rito kasi parang torture ang gagawin o parang pinatay mo ulit ito.

Hindi rin naman nila masisi ang eskwelahan kasi may alambreng nakatali sa leeg ng anak nila. Kahit na maraming nagsasabing imposible ito at baka raw talaga pinatay.

Walang cctv sa theater that time. Yung mga panahon kasing yon hindi naman mahigpit sa Wilson. Hindi rin namin minomonitor ang buong eskwelahan at mga piling lugar lang ang may cctv. Privacy of our students and employee we must not interfere, ika nga ng ama ni Darren.

Kaya walang makitang evidence para sa sinasabi nilang pinatay ito.

Kaya lang napakiusapan ko ang pamilya ni Liam tatlong araw matapos ang pagkakita sa katawan nito na mag-autopsy. Kapalit ng pera, gastos sa libing at lupa para sa paglilibingan.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon